Chapter 30

331 10 0
                                    

~Summer's POV~

Dere-derecho si Faizah lumabas. Problema nun?

Stalker ko ba yun? (Feeler ko masyado hahaha)

Nag-ready na rin ako tapos umuwi na.

~Third Person's POV~
[F A S T F O R W A R D]
(ARAW NG SWELDO NI SUMMER. WALA SIYANG PASOK / DAY-OFF NIYA)

6 am palang pumunta na si Summer sa Panty's Restaurant para kunin ang sahod niya.

Kailangan niya dumaan sa school nila dahil may kukunin siyang libro kaya dumerecho siya sa school nila.

'Di niya inaasahan na makikita niya dun si Rain, dahil alam niya parehas sila walang pasok.

Nagkita sila pareho sa labas ng gate ng MARCO KINGDOM COLLEGE (School nila)

"Uy, Rain! Saan ka pupunta?"

"Sa Toot Restaurant."

"Pwede sumama? Date tayo!" Natatawa pang sabi ni Summer.

"D-date?" -Rain

"Oo! Tara."-Summer

'Diba dapat lalaki ang nag-aaya ng date? Pero bakit ngayon babae? Ibang klase siya.

Sa isip ni Rain tapos napangiti siya.

-
Pagdating nila sa toot restaurant umupo na sila at tapos na rin sila umorder.

"Tenenen!" Nilabas ni Summer yung envelope na may laman na sahod niya.

"Magkano sahod mo dun?" Tanong ni Rain.

"3,500! Yung 500 yun sa pagkanta ko. Tapos yung 3,00 sa pagwa-waitress ko."

Tinignan niya si Summer.

"Mukha ka naman may kaya, hindi ka naman naghihirap. Pero pwede magtanong?"

"Nagtatanong ka na kaya." Pabarang sagot ni Summer.

Natawa naman si Rain.

"Bakit ka nagtra-trabaho pa? Mukha naman napag-aaral ka ng maayos!" Tanong ni Rain kay Summer.

"Kasi para 'pag may gusto akong bilhin...nabibili ko gamit ng pera ko. Tulad ngayon na-idate kita ngayon haha" natatawang sagot ni Summer.

"Unexpected naman pagkikita natin ah."

"Ganun pa din yun."

"Kamusta pala kayo ng papa mo?"

Natahimik bigla si Summer sa tanong ni Rain.

"Ah! S-sorry."

"H-hindi, ayos lang. Hindi na rin naman kami nagkita't nagkausap pagtapos nun."

"Here's your order po maam, sir!"

Kumain na sila ng tahimik.

--

"Gusto mo pumunta sa bahay?" Tanong ni Summer, halata naman na nabigla si Rain sa tanong ni Summer.

"Papakilala kita kay Ate Star, tara dali."

--

Summer! Umalis kami saglit ni Tita ah. Sinamahan ko siya bumili ng pang stock sa ref natin. -star

Inabot na ni Summer ang basong may tubig kay Rain.

"Umalis pala si Ate eh. Babalik din sila agad. Wait lang ah, magpapalit lang ako."

Nakita ni Rain na maraming picture frames sa sala nila Summer.

'Mahilig sila magpicture'
Sa isip ni rain.

Ito siguro ang ate niya.

Nakita niya kasi ang picture ni Summer na may katabing maganda dalaga. Ngunit may isa siyang litrato na tinitigan niya ng sobrang tagal.


"Miss Lollipop!"

I'm His Past, He's My Future (2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon