~Summer's POV~
Ngayon na yung basketball game nila Rain. Red Bullet vs. Blue Tan. Sa Century University ang laban. Specifically, homebase ng Blue Tan. Absent ako sa araw na 'to. Hihi! Medyo bad girl. Handa na nga yung banner ko eh.
GO! GO! FIGHT! FIGHT! RED BULLET!! I LOVE YOU ZEUS RAIN SANTOS.
Oh? Diba? Kinakausap na ng coach nila ang buong Red Bullet. Nasa harap ako. Buti nga pinakaharap eh. Hindi ako mahihirapan mag-cheer.
Nagsimula na yung laban. Sa 1st Quarter lamang ang Red Bullet. 23-18. Todo cheer pa ako eh. Sa 2nd Quarter lamang pa din ang Red Bullet. 49-39. Ang laki ng lamang namin hihi! Ay ng Red Bullet pala ^_____^
Pinunasan ko muna ng panyo yung buong mukha ko. Pero bago ko ibulsa yung panyo ko. Shocks! Don't tell me nagno-nosebleed na naman ako? Pinunasan ko uli yung ilong ko. Meron nga! Kailangan ko tapusin ang game. Hindi pwede! Lalabanan ko 'to. Ugh! Nahihilo na ako.
"Ouch!" Sabi ko pero asdfghjkl! Hindi man lang nagsorry 'tong katabi ko. Nabangga na niya yung pasa ko sa braso.
Third Quarter lamang pa din kami. 84-79. Sunod-sunod na lamang 'to. Kaya kampante ako na uuwi ako at ang buong Red Bullets na champion. Nahihilo na talaga ako. Ang sakit ng ulo ko! Sa Fourth Quarter nakalamang ang Blue Tan. 103-114. Panalo sila! Ewan ko? Hindi ako nakapag-focus manood dahil sa hilo ko.
"And the winner is...No other than. BLUE TAN! CONGRATULATION"
And then everything went black.
--*
Nagising ako ng nasa hospital na ako. Nasa tabi ko si Tita at Ate Star."Asan si Rain?"
"Pinauwi muna namin wala pa siyang pahinga kaya pinagpahinga namin" paliwanag ni Tita.
"Ayaw pa nga niya umuwi eh, kaya sabi ko pag nagising ka tatawagan na lang namin agad siya" -Ate Star
"Doc kamusta. Ano po bang nangyayari kay Summer?" Bigla kasing dumating yung doctor.
"I'm sorry to say, but... Summer is suffering from Leukemia"
Narindi ako sa narinig ko kulang pa ata ang salitang shocked sa sinabi nung doctor.Bakit? Bakit? May nagawa ba akong mali para parusahan ako ng ganito?
"I'm sorry. Excuse me" sabi nung doctor at lumabas. Iniwan niya pa sa Tita ko ang impormasyon tungkol sa sakit ko. Sino pwede magsabi saakin? Paano ako nagka-Leukemia.
"S-Summer." Lumapit saakin si ate at inakap ako. "Bakit ganun ate? May nagawa ba akong mali? Saan ko nakuha 'to? Bakit ako nagkakaganito? Bakit ako may leukemia? Ate naman! Sabihin mo nagbibiro lang yung Doctor diba? Diba? *sniff* Hindi totoong may sakit ako. Malakas ako eh" nagsimula na rin pumatak ang mga luha ko.
"H-hindi ko rin alam. S-summer wala akong a-alam"
Bumukas yung pinto. Expected ko si Rain pero hindi---- sila Haru at Dom pala.
"What happen Ate Summer? Are you okay na ba?"
"M-may Leukemia ako *sob*"
"Ate Summer"
"Nagjo-joke ka right?" Tanong ni Dom. Hindi ko makuhang sumagot sa tanong niya. Ayoko na! Ayoko na!
"*sob* please! W-wag niyo n-na sabihin kay Rain. *sob* sa atin lang yung sakit ko p-please"
BINABASA MO ANG
I'm His Past, He's My Future (2015)
Teen FictionCHARACTERS RYU HYE JU- Summer Aphrodite Lee PARK JI HO- Zeus Rain Santos PARK TAE JUN- Aelous Cloud Ramos PARK HYUNG SEOK-Thunder Hades Kim PARK HYO JIN-Athena Autumn Park PARK JI HYUN-Winter Hera Sy PARK JI YEON-Alicia Faizah Gomez V-Law Marco YOON...