Chapter 53

282 10 2
                                    

~Summer's POV~

"'Wag ka mag-alala.Habang wala si Rain ako muna mag-aalaga sayo"

"Paano---"

"Nako! Mamaya ka na magtanong. Makasama pa sayo! Magpahinga ka muna"

Sinunod ko naman yung sinabi niya. May nafe-feel ako sa kanya. Napaka-------ewan ko. Hirap i-explain!
--*
Lumipas ang anim na buwan. Mas naging close pa sa close kami ni Law. Well, kasabay ng paglipas ng panahon ay ang paglala ng sakit ko. Madalas na ako mahilo, mawalan ng malay at magnose-bleed. Unti-unti na rin nauubos ang buhok ko. Despite of that, nandyan pa rin si Law. Hindi niya ako iniwan. Lagi niya ako inaalagaan at pinoprotektahan. Nagseselos na nga sila Autumn eh, pero syempre sinabi ko na. Yes! Inamin ko na may sakit ako. Okay lang naman sa kanila si Law atleast daw kahit wala si Rain may nag-aalaga saakin. Dahil ang mga kaibigan ko ay busy sa kani-kanilang lovelife. Speaking of Rain, Madalang kami magkausap. Dahil gusto niya raw matapos agad ang OJT niya. Hindi ko pa rin naiintroduce si Law.

"Hey babes. Ang lalim ata ng iniisip mo?"

"Wala babes naisip ko lang bigla si Rain"

"Here. Kainin mo na 'to. Don't worry pinatanggal ko ang mga bawal sayo"

"Thanks babes"

Oooppps! 'Wag kayo mag-isip ng kung ano-ano. Yes babes ang tawagan namin ni Law. But Babes stands for Babesfriend. Ewan? Pauso niya eh. Umamin na siya saakin 6 months ago. Remember? Pero wala saakin yun. Sabi ko hanggang friends lang talaga. Pumayag siya pero Babesfriend daw.

Si Haru naman ayun may manliligaw. Si Pervi. Mabait naman kaya okay saamin nila Ate Star at Dom. Sila Ate Star malapit na ikasal. Hmm...Si Dom naman ayun ganun pa rin walang pinagbago. Playboy pa rin.

Habang tumatagal lumalala ang sakit ko. Padami ng padami ang bawal ko kainin. Hindi rin ako pwede lagi hawakan o banggain. Mabilis ako magkapasa. Madalang na rin ako pumasok. Mas madalas pa ang pagpasok ko sa Ospital kesa sa school.

Nahinto na rin ako sa pagtra-trabaho sa Panty's. Naintindihan naman ni Tita Panty yun. Sana raw gumaling ako pero alam naman ng lahat na wala pa sa kalahating porsyento ang chance na mabuhay ang Leukemia Patient.

"Babes----Hey?"

"Sorry. Bakit?"

"Diba this month uuwi si Rain. Bago ka mag-birthday?"

"Yes... Sabi niya" mahina kong sabi.

"Malamig na. Here wear your jacket first. Ubusin mo na lang 'tong inorder ko. Then uuwi na tayo" Laging ganyan si Law. 'Pag malungkot na ako hindi niya na io-open pa lalo yung topic. Iibahin na niya.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa kanya. Last thing I know is naka-akap na ako sa kanya. "Thank you babes. For always being there whenever I need you"

"Drama mo babes. Haha! Lagi naman akong nasa tabi mo. Papayag ba ako na hindi? Kahit nung hindi mo pa ako kilala lagi ako nakatingin at sumusunod sayo"

"Haha! Sabi ko nga hindi" natawa lang din siya at kiniss ako sa noo. Sign daw ng paggalang niya saakin.

"How sweet. Hindi mo naman sinabi na pinalitan mo na ako?"

"R-rain?"
--*

(A/N) Abangan na lang natin ang LOVESTORIES ni Haru,Star at Dom sa IHPHMF SIDESTORIES. Well, ano kayang mangyayari?

#IHPHMFChapter53
#RainSummerLaw

I'm His Past, He's My Future (2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon