Chapter 59

309 10 2
                                    

~Rain's POV~

Lumapit saakin si Ate Star. Nagsimula na siyang umiyak. Nakita ko si Law, Winter, Autumn at ang buong Red Bullets.

"No! Hindi! Hindi siya yung namatay di'ba? Sabihin niyo!" Napatingin lahat ng tao saakin.

Tumakbo ako papunta sa harap ng kabaong.

Siya! Yung babaeng mahal ko.
Si Summer siya yung namatay.
.
.
.
.
.
.
.
Tinitigan ko lang siya. Hindi ko namalayan may mga luha ng pumapatak sa mga mata ko.

"Ang daya mo naman Summer eh. Eto na ako oh! 'Di mo naman ako hinintay. Eto na oh! Hawak ko na yung engagement ring at wedding ring natin. Binili ko pa 'to sa New York. Ako ang na-surprise sa iyo eh"

Umiyak na ako na halos wala na akong makita dahil sa mga luha ko. Lumapit saakin si Law at tinapik ang balikat ko.

"Bro! Sorry ha. Inaalagan ko siyang mabuti, lahat ng gusto niya sinunod ko. Pero nung time na yun. Wala na eh! Wala"

"Kasama mo siya? A-asan kayo nung... N-namatay siya?" Inaya niya ako umupo dun sa pwesto kung saan sila nakaupo.

"Nasa garden kami. Dun sa park malapit sa school. Madalas kasi naming puntahan yun kapag gusto niya lumabas. Tapos yun bigla na niya lang sinabi na gusto na niyang magpahinga."

Natahimik ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong ire-react ko. "Pare! Eto pala pinabibigay ni Summer. Binigay niya yan bago kami pumuntang park" inabot ni Law saakin ang isang CD,papel at Jar na puno ng maliliit na papel.

Binasa ko yung papel. At mukhang eto ang huling sulat niya para saakin.

Puso ko :)

Kumusta ka na? Miss na miss na kita 1 Zillion times. Sigurado ako ngayon na nabasa mo na 'to nakaburol na ako. Hehe! Panoorin mo yung nasa CD ah? Tapos araw-araw kukuha ka ng isang papel 'don sa jar. I love you raw sabi ng puso ko :*

-Summer :)

Sinunod ko naman ang gusto niya. Kumuha ako ng isang papel. Nakuha ko yung red na papel.

Oh~ ang isang katulad mo
Ay 'di na dapat 'pang pakawalan
Alam mo ba 'pag naging tayo
Hinding-hindi na kita bibitawan~

"U-uwi muna ako. Papanuorin ko lang 'to" tumango naman sila.
--*

(A/N) #GoodbyeSummer
#IHPHMFChapter59

I'm His Past, He's My Future (2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon