Chapter 13

416 9 0
                                    

~Summer's POV~

Gabi na at tulog na ata silang lahat, si Faizah umuwi daw kasi napag-alaman na buntis siya. Totoo kaya? Wala nga siya, hindi naman ako makatulog. Ako na lang pala dun sa room ko.

Lumabas ako pumunta muna ako dun sa kubo. May papalapit na lalaki rito sa kubo, eh medyo madilim na kasi. Kinabahan tuloy ako bigla~

"Hoy ginagawa mo dito?!"

Sino to---ah si Rain! Ginagawa nito dito? Jusko! Aatakihin ata ako sa lungs!

"Hindi ako makatulog eh, Ikaw?!" Tanong ko sa kanya.

"Same." Sagot niya.

"Mag-kwento ka nga sa buhay mo!" Utos ko sa kanya ahaha.

"Ikaw na! Ikaw nakaisip eh. Tapos pagtapos mo ako naman malay mo makatulog tayo!" Aba nang-uto pa.

"Hmm sige! My mom died when I was 2 years old. Si Ate Star 5 years old siya nun. Namatay si mom mismong birthday ni ate, sabi ni tita. Ang mama ko daw ay namatay dahil nabangga siya ng truck. Nag-away kasi sila nung tatay ko at hinabol ni mama si papa! Sabi din ni tita kaya daw pala hindi nakapunta si Papa sa birthday party ni ate dahil si papa andun sa kerida niya, kaso ayun nga, dead on arrival si mama pagdating sa ospital. Then yung tatay ko? Hindi na nagpakita saamin pagtapos nun. Hindi ko nga alam kung alam niya na matagal ng patay si mama eh. Si Tita ang nag-alaga saamin ni ate, si Tito nasa ibang bansa nagtra-trabaho para saamin nila Tita, hindi kasi sila nagkaroon ng anak dahil baog si tita. Kaya kami ni ate ang itinuring nilang mga anak. Galit si ate kay Papa pero ako? Hindi naman...siguro may rason siya kung bakit niya nagawa saamin yun!"

Habang kinukwento ko yun naiiyak na ako *sob* sila Autumn at Winter lang kasi ang nakakaalam nun. I miss my mom so much! Her lullaby echos in my ears.

"Bakit hindi ka galit sa tatay mo?" Tanong ni rain.

"Ayoko magtanim ng galit kay papa hanggat hindi ko nalalaman ang rason niya." Mahinang sabi ko.

~Rain's POV~

Kawawa naman 'tong babaeng to! Ano ba ulit name niya? Sunny? Sammy? Sam? Sum? Ah---Summer? Basta yun na yun, hindi ko natandaan name niya.

"Ikaw naman magkwento! 'Pag tinuloy ko pa baka maiyak pa ako ng tuluyan" sabi niya.

"Si Mom nasa U.S. Si Dad busy sa stuffs niya dito. Galit ako kay dad. Kasi ilang beses na siya nang-bababae."

Yeah! Minsan nakikita ko siya sa work room niya sa bahay, yung secretary nakaupo sa kanya tas nagha-halikan sila -___- That's why I hate my dad, ayoko nga siya ituring ng tatay eh.

"Ganun? Eh nakikita mo Mommy mo?!" Tanong niya saakin

"Once a month umu-uwi sya rito para bisitahin ako, wala rin akong kapatid. Tsaka minsan lang ako umuwi sa bahay, madalas dun ako sa condo ko umuuwi!"

"Buti ka pa kahit once a month mo lang makita mama mo atleast nakikita mo siya. Ako? Hindi na, hanggang pictures na lang talaga!" Tapos nakita ko na tumulo ang luha niya, may liwanag kasi na nakatapat sa mukha niya. Napalungkot naman ng buhay nito. Tsk!

"Aakyat na ako! Ikaw ba?" Tanong ko sa kanya.

"Aakyat na din ako! Thanks sa time, goodnight."

Nakita ko pa siya bago niya sabihin yun pinunasan niya muna yung luha niya.

I'm His Past, He's My Future (2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon