Mga ingay galing sa paligid ng bahay ang siyang pumukaw sa akin. “Good morning, Ate.” Malumanay na bosis galing sa harapan ko.
“Ah-huh?” Unti-unting idinilat ko ang mga mata ko. Laking gulat ko nalamang ng marinig ang malalakas na iyak mula sa labas ng bahay.
Mariin akong napatayo at kaagad na binigyan ako ng tubig ng isang batang lalaki. Isa sa mga pinakabatang pamangkin ko, maaring isa siya sa mga anak ni ate Clara.
“Ate, w-wala n-na si, t-tita e-esrel huhuhuhu.” Biglang pag-iyak nito sa harapan ko kaya't kaagad naman akong napatayo at napatakbo papunta sa kusina na kung saan makikita ko ang mga tao sa paligid na nag-iiyakan.
Bosis ni mama ang siyang nangunguna, na kahit sa kalayu-an ay maririnig mo ang malakas na paghagolhol niya.
“A-Ano ang problema?” Gulat na tanong ko sa mga malilit kong pamangkin na para bang nabigla nalamang sa nangyari.
“S-Si tita patay na po huhuhu,” sumbong ng isang bata sa akin.
Hahahaha. Oo nga pala. Kaya pala ang sarap ng tulog ko kagabi bahahaha.
“Huhu sino ang kriminal na gumawa sayo nito, Jessrel!?” Sigawan ni mama habang nababaliw na sa kakaiyak.
Paikot-ikot ang kaniyang ulo habang ang mga magugulo niyang buhok ay tumatakip na sa kung saang parte ng mukha niyang puno na ng pawis.
“Mamatay ka sana!” Wala paring pigil sa pag-iyak ang matandang bruha habang tinatahan ito ng paligid.
“Nakita ko po talaga si, Uncle Jonel. Tumatakbo palayo na wala sa sarili niya. Tinawag ko pa nga pangalan niya pero hindi na siya bumaling pa ng tingin. Puno kaya ng dugo ang katawan niya. Tapos..” Isang lalaki ang nagsaysay ng kaniyang nakita na sa tagal ng pagpapaliwanag niya sa iba't ibang tao sa paligid ay kaagad na lumaganap ang ganitong usapan.
Napa-smirk lamang akong nakatitig sa likuran. Samot-saring paliwanag ang mga naririnig ko mula sa paligid at mismo lahat sila itinuro ang lalaking tinabi ko kay ate ng mga gabing patay na ito.
Hinatulan ng rape ang lalaking naging suspek sa pagpatay. Malaki ang paniniwala nila na bago paman pinatay ang biktima ay ginahasa pa ito ng nasabing kriminal dahil sa nakita nilang bahid dito.
Basi sa mga paliwanag ng iba ay dahil daw ito sa galit nadinadama nh lalaking iyon kay ate dahilan para maging ganito ka brutal ang nagawang pagpatay. Hindi raw kasi nagbabayad ng mga utang si ate.
Bukod sa ganoong pag-aakala ay karamihan sa kanila ay nagsasabi rin na dahil daw ang lalaking iyon ay matagal ng kriminal na nakatakas lang sa bilangguan.
Gusto kong tumawa, gusto kong humalakhak. Talaga ba? Galing nilang gumawa ng kwento. Kung sa bagay, may malakas na ebidensya naman.
Kaagad akong lumapit sa mga kapatid ko at tinitigan ang bangkay ni ate Jessrel na tinatakpan ng puting kumot.
Walang mga bata ang nag lakas loob na titigan ito dahil kahit ang mga kapulisan ay sumusuka at lumalayo.
“Ma'am, gagawin po namin ang lahat upang mahanap si Jonel Basindo, ang suspek sa pagpatay sa anak ninyo,” ani ng isang pulis na kung saan hawak na nila ang lahat ng mga nakita nila sa krimin at iba pang mga ebidensya.
“Sana mabulok siya sa impyerno!” Sigawan ni mama at kaagad ng lumisan ang mga pulis dala ang bangkay na nakita nila sa gitna ng kagubatan.
Gustong mamalakpak ng mga tainga at mga kamay ko. One down, five to go.
Napatingin ako sa paligid at kaagad na tumigil ang paningin ko kay ate clara.
Bang!... You next, Clara.
BINABASA MO ANG
The Prostitute Wife Of the Mafia Lord (The Unwanted Wife's Revenge)
ActionCOMPLETED: Giana Michellain Gwenn V. Ford is a talented, desirable, gifted daughter who ended up as an illiterate prostitute wife of a mafia lord. Her bruises have become scars from her past, which includes an abusive family and a toxic relationship...