CHAPTER 46

80 6 1
                                    

HAPPY 1k READS!!!
🌹🌹🌹

Thank you sa walang sawang pagsuporta. Sa lahat ng mga readers kong laging nag c-comenta ng mga reactions nila, thank you. I love
reading them and I highly appreciate them much.

❤️❤️❤️

-----

GIANA'S POV

Nagmamadali akong bumiyahe papunta sa mansion ng Zandeveille. Sumasayaw na mga labi, kumikislap na mga mata at galak na mukha ang siyang dala-dala ko habang patakbo na pumasok ng pinto.

Dala ko ang mga bilihin na gamot ni Baby Lucky, gayon paman ang pagkain na iluluto ko para sa pinaka mamahal kong husband si, Charles.

Afritadang manok kasi ang paborito niya, kaya handa akong ipagluto siya ng masarap na pagkain kapalit ng regalo o surpresang ibibigay niya ngayon para sa akin.

Ng mabuksan ang pinto ay kaagad na bumungad sa harapan ko ang batang nakaupo sa sahig habang kinakagat ang isang papel.

“Lucky?” Mabilis ko siyang nilapitan saka na binuhat. “Where's daddy?” Tulalang nakatitig sa akin ang bata.

Ng mga oras na hinalikan ko ang mga labi niya ay nagsimula narin itong humalakhak kasabay ng pagsigawan ng 'Mama'

Napatingin ako sa paligid, but I see nothing. Saan si, Charles? Pinaglalaru-an niya nanaman ba ako?

“T-T-There!” Biglang pagsigaw ni, Lucky.

Kaagad akong napamasid sa kaniya na ngayo'y tinuturo ang bukas na bintana sa kaliwang bahagi ng kwarto.

Mabilis kong nilagay si Lucky sa kona niya saka na lumapit dito. Mismo sa ilalim ng bintana ay mayroong nakalapag na isang papel na tinambakan ng maliit na bato upang hindi madala ng hangin.

Isa itong letter. Mabilis ko itong kinuha at dito nakita ko ang isang mahabang sulat.

______________________________________

Dear Giana,

It's me your poging boyfriend, bestfriend, at asawa. Nandito ako upang magpahayag ng pagmamahal, pagmamahal na kahit kailan ay hindi mababayaran, ackk🥴 awsss sorryy🤣

Hindi joke lang, it's me, si bobo mong asawa si, Charles. Pasensyahan mo na talaga dahil hindi ako magaling sumulat ng mga ganitong bagay, prefer ko talaga ang kausapin ka nalang personal upang madali kesa sa sumulat ng ganito kahaba hahaha. Sorry dahil pasaway ako, Ma ah. Alam ko lagi na napagod ka ng subra sa pagpapalaki ng poging anak natin.

Mahal na mahal kita, Ma! Alagaan mo lagi baby boy natin. Not a special day today because every hour is a special day. (huh?). Hindi ko ginawa ang letter na 'to para bigyan ka ng iritasyon, hindi rin para bigyan ka ng saya. Ang masasabi ko lang, Love! My sweetie pie, my forever love, the beat of my heart, the song in my mind, Giana, my sweetheart, I love you. Mahal na mahal ko kayo ng Anak natin.

Ah basta, I love you, Ma. I love you, Honey. I love you, baby Giana ko! 😚

From Your Poging Husband:
Charles<3
______________________________________

Iwan ko ba kung dapat ba akong humalakhak o malulungkot o iwan. Out of one hundred percent, 90% ang wala kinalamang topic, ang main topic 5%, emote/emojis 5%. Parang joke itong si Charles. Napagtripan ata akong pagsulatan ng letter.

The Prostitute Wife Of the Mafia Lord (The Unwanted Wife's Revenge) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon