THIRD PERSON's POINT of VIEW!!!
-Sa hindi pa po nakakaalam ng ibig sabihin nito. Ito po iyong Point of View ng Writer o Ang May-akda ang mismong nagsasalaysay ng kwento.
-----
*WEE-OO WEE-OO
“HUHUHUHU ANAK KO!!!” Malakas na hiyawan ni Aling Marcela, ng matakbu-an ng mga kapulisan ang malalamig na bangkay ng tatlo niyang anak na nakalutang sa dagat.
Isang mangingisda ang naging tulay ng nasabing insidente.
“Alas singko ng umaga, tumungo ako ng dagat upang mangisda ng bigla akong naka-amoy ng hindi maganda, kaya kaagad kong hinanap kung saan nanggaling ang mabahong amoy na iyon. At ng makita ko ang tatlong bangkay nakalutang sa kabilang dagat ay agaran akong tumawag ng kapulisan upang mabigyan ng aksyon ang pangyayari,” pahiwatig ni Mang. Cesar, ang mangingisdang nakahanap.
Isa sa mga biktima na nagngangalang Giana ang siyang patuloy pang hinahanap ng kapulisan, dahil sa pag-kakaalam ni Mang. Cesar na mayroon raw isa pang bangkay na tinangay ng baha papuntang sa malayong lalampasigan.
Maraming kapulisan ang pumunta upang mag responde at kaagad na inimbistigahan ang pangyayaring insidente.
Sa tatlo na natagpu-an, dalawang babae ang hindi matukoy sapagkat hindi naging kaaya-aya ang brutal na pag paslang sa kanilang dalawa.
Labis na nagwala si Aling Marcela habang pilit na kinokopkop ang mga malalamig na bangkay ng tatlo niyang mga anak.
“Kung sino man ang pumatay sa kanila, mag babayad sila! Huhuhuhu.” Walang pigil na paghiyawan nito.
Isang pulis na tela'y puno ng kalungkutan ang lumapit at nakiramay sa pagkamatay ng anak ng nagwawalang matanda.
“Sisiguradohin po namin na muling mahahanap namin ang isa pang bangkay na tinangay ng baha,” pangako ng pulis.
“Kahit hindi na! Wala akong pakialam sa babaing 'yon. Ang mahalaga sa akin ang tatlong anak kong nawala!!!” Nasusuklam na sigaw ni, Aling Marcela.
Nakaluhod ito sa lupa habang paisa-isang niyayakap ang kaniyang pinakamamahal na mga anak.
Sa kabilang dulo, makikita ang isang babaing nakakulay itim ang kasuotan. Kagaya ng ibang mga tao ay simple rin siyang nakasuot ng lumang damit habang mariing nakikinig at nakikipag-bardagulan rin sa ibang katauhan.
Ngunit, sa kabilang banda ng kaniyang maamong mukha at pag kasimpleng tao, mayroong nakatagong mukha na kung saan nakabahid sa kaniyang labi ang labis na kasiyahan, dahil sa ramdam na pagkapanalo.
Gayon paman, unti-unti niya ng nalalanghap ang malapit na tagumpay ng kaniyang paghihigante kung kaya'y labis ang ngiti na titaglay ng kaniyang mukha. 'Si Giana'
Nakasuot siya ng peking mukha ng tao na dinala niya lamang sa make-up upang maging katutuhanan.
Kinakailangan niyang magpanggap, dahil isa rin ang bangkay niya na nakita at nakuhang palutang-lutang sa dagat.
Walang nakakaalam ni isa na isa sa mga tao sa paligid ang salarin sa nangyaring patayan.
Lahat ng biktima ay walang ulo. Tatlong babae ang nakitang walang balat na saksi ng brutal na pagpatay. Dahil dito, hindi mabuting makikilala ang mga biktima dahil sa 'di kaaya-ayang imahe. Ang tanging ebidensya upang makikilala sila ay ang kanilang kasuotan, gamit, at mga kung anong bagay pa na nakadikit parin sa kani-kanilang katawan.
BINABASA MO ANG
The Prostitute Wife Of the Mafia Lord (The Unwanted Wife's Revenge)
AksiCOMPLETED: Giana Michellain Gwenn V. Ford is a talented, desirable, gifted daughter who ended up as an illiterate prostitute wife of a mafia lord. Her bruises have become scars from her past, which includes an abusive family and a toxic relationship...