CHAPTER 49

61 2 1
                                    

*4 Years Later*

GIANA'S POV

Two Months Before The Bloody Mafia War:

Ang lahat ay abala sa pagpasok at paglabas sa bansang Pilipinas papunta sa iba't ibang parte ng europa at asya.

“Ang kaharian ng Veridora nalang ang huling kaharian na hindi pa nakakapag-pasya kung matutuloy ba ang pakikipagsama nila sa atin sa parating na laban,” kunot noong saad ni Prinsipe Melvin sa akin.

Tahimik akong nakamasid ngayon sa labas ng bintana habang abala rin sa pag-paplano ng gaganaping paglusob.

“Ang kaharian ng Etherealon, nakapagbigay na ba sila ng kanilang mga idadagdag na kawal? Sa ngayon mayroon na tayong kalahating milyong kawal na ihaharap sa labanan, ngunit kulang pa tayo ng isang daang libong frontliners, at kalahating libo ng back-up fighters. Saan tayo kukuha ng ganoon pa karami, Mahal na Prinsipe?”

Napayuko si Prinsipe Melvin saka na napatingin sa mga maasahan niyang kawal.

“Sa ngayon hindi ko pa alam, Mahal na Reyna. Subalit, bukas ng umaga pupunta kami ng Norway upang bisitahan ang Mafia Boss ng Etherealon.” Napatango ako saka na napangiti kay Prinsipe Melvin.

Si Prinsipe Melvin ang palaging umaasikaso ng lahat dahil sa kagustuhan niyang makatulong ng higit pa sa inaasahan ko.

Determinado siyang ipaghigante ang kaniyang lupain. Dahil hanggang sa ngayon ay hindi parin maganda ang kalagayan ng kaniyang ama na kakagising lang galing sa ilalim ng comatose.

Hindi narin natutulog ang binatang prinsipe. Bente-uno anyos palamang siya ngunit ang laki na ng responsibilidad na iniwan sa kaniya ng kaniyang ama.

Humingi na ito ng permiso ko bago paman umalis at tuluyang tumungo ng Norway.

“Mahal na Reyna?”

Kaagad akong napalingon ng tingin sa pintuan na mismo dito tumawag sa akin ang maasahan kong Babysitter ni Lucky mula noong baby palamang ito.

“Tumuloy ka, Mica,” aniko.

“Hinahanap po kayo ng, Mahal na Prinsipe,” anito saka naman ako napangiti sa kaniya sabay na umalis kami papunta sa silid ni Lucky.

“Phoenix Frexel Kai V. Alinsky?” Pagtawag ko sa kabuoang pangalan nito.

“I'm here, Mommy,” biglang pagsalita nito.

“Where are you, Dear?” Ginala ko ang paningin ko hanggang sa tumigil ito sa isang mesa banda sa library room.

“Oh. What are you doing, Honey?”

Medyo nakakatuwa dahil nagmumukhang eksperto kung titigan dahil sa genius glasses na suot-suot niya which ang ginagamit ko rin sa tuwing nahihirapan ng bumasa ang mga mata ko.

“Mom, don't mention my full name again, okay?” Malambing na sabi nito habang nakapameywang na nakatitig sa aking nakaupo.

Napataas ako ng kilay. “Why?” I asked.

“I don't know, I don't feel comfortable everytime I heard my last name,” anito saka na napasimangot.

Buong hina akong lumapit sa kaniya saka na tinabihan siya at niyakap ng napakahigpit.

“Alinsky is your father's last name. A surname you should be proud of.”

Napatingin lang ng nakakislap mata ang bata. Makikita sa mga mata niya ang labis na lungkot habang palihim nitong nilulunok ang mga simangot sa labi niya.

The Prostitute Wife Of the Mafia Lord (The Unwanted Wife's Revenge) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon