CHAPTER 48

55 2 1
                                    

GIANA'S POV

ANNIVERSARY na namin ni Charles but I'm still waiting for his arrival. Ilang besis na akong tumawag sa kaniya pero ni isa dito ay hindi manlang niya nasagutan.

Kahit prioritize ng utak ko ngayon ang problemahan at pagplanohan ang parating na laban ay hindi parin makukuha sa isipan ko ang pagplano sa paghahanap kay Charles.

Ilang besis na akong pumunta sa kung saang lugar na maaring puntahan ni Charles ngunit hindi ko na siya muling nakita. Walang gabi na hindi ako umiiyak, ngunit walang gabi rin na nauubosan ako ng pag-asa.

Subrang tumatak na sa isipan ko na mabubuo na ulit ang pamilya namin.

Tanging iniisip ko nalamang ang positibong rason kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa siya bumabalik sa amin.

Hahanapin parin kita Charles, hindi ako mawawalan ng pag-asang makita at mahanap ka.

Para malimutan ng kaunti ang problema ay pumupunta ako sa mansyon na kung saan doon ko itinago ang mga pamangkin kong wala ng mga magulang.

Kompleto iyon doon, may mga nagtuturo sa kanila, mayroon rin silang mga bantay bawat isa para mayroon rin silang magagawang mama.

Hindi ko hinahayaan na magutoman sila at lagi akong bumibisita roon.

“January 25, meryules ngayon sa Kalendaryo.”

Nakatayo ako sa harapan ng malaking talaarawan habang hinahawakan sa kabilang kamay ko ang isang papel at lapis.

“Mahal na Reyna? Gusto raw lumabas ni, Lucky,” saad ng Babysitter ni baby Lucky.

“Ah sige, Mica. Huwag lang kayong pumunta sa malayo ah.” Kaagad naman itong napayuko tyaka na lumabas buhat-buhat ang anak ko.

Tuwing umaga, kapag abala ako sa pagplano ay pinapabantayan ko ito sa babysitter niya pero sa tuwing gabi ay ako na ang nag-aalaga sa anak ko hanggang makatulog ito.

Napaupo ako sa harapan ng shed sa labas ng bahay at mismong tahimik na pinagplanohan ang hakbang sa paghanap kay Charles.

“Mahal na Reyna?”

Bigla kong nilagay lahat ng mga gamit ko sa ilalim ng mesa tyaka na magpanggap na parang walang palihim na ginagawa.

“S-Señorita, Good morning,” masayang pagbati ko sa kaniya habang sinisipa ang mga papel sa ilalim.

Napabuntong hininga ito saka na itinabi ang upuan niya sa akin habang ang mga mata ay nakatitig sa ilalim ng mesa. Ng muli itong mapatingin sa akin ng nakataas kilay ay agaran ko nalamang siyang nginitian.

“Giana, sabihin mo ang totoo, sino ang lalaking iyon at ano ang kinalaman niya kay, Lucky?” tanong nito.

“Siya ang matalik kong kaibiga-”

“Nakikita ko ang pinagkaiba ng bestfriend sa Lover, Iha. Hindi mo ako mauuto sa ganoong bagay, eksperto ako pagdating sa pag-ibig.” Napakilay ito sa akin at napahalagi ang kaniyang mga braso sa kaniyang panga habang tinititigan ako ng nakangiti.

“P-Paumanhin, Señorita,” nakayukong wika ko sa kaniya.

“Hanggang ngayon, siya parin ba ang sumasagabal sa isipan mo?” Mariin akong napatango sa kaniya tyaka na kinagat ang ibabang labi kong nanginginig.

The Prostitute Wife Of the Mafia Lord (The Unwanted Wife's Revenge) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon