Karamihan sa kanila ay walang naging paki sa ganoon pero ito na ang pinag-usapan ng lahat.
Ang iba naman ay hindi na nag-aksaya pa ng panahon na kunan ito ng litrato. Napaka malaking halaga ito sa mga mahihirap ng mga tao.
"Milyonarya at milyonaryo ka na kapag makita mo ang mag-inang ito."
"Tara at hanapin na natin ang mag-inang ito."
"Oy oy. Koykoy at Berto huwag niyong subukan iyan. Hindi niyo ba alam kung gaano ka mapahamak ito? Dapat isumbong sa kapolisan ito bago paman lumaganap!" Saad ng isang babae at halos karamihan sa kanila ay sumang-ayon sa kanya.Pero may iilan talaga na uhaw sa pera, hindi na nag-aksaya at umalis ng karenderya. Nag-uusap sa magiging plano nila.
Kailangan ko ng tumakas dito. Mabilis akong lumayo, walang pigil akong tumakbo saka na lumayo sa lugar na iyon. Ang taas ng kaba ko, sa tingin ko lahat ng tao hinahanap at gusto kaming patayin ng anak ko.
Ang sanggol ko doon!
Mabilis akong tumakbo, walang tigil na pagkilos ng mga paa ko at mga pawis ko. Isang sasakyan ang biglang napatigil sa gilid ko.
Mabilis akong lumayo dito at kaagad akong natauhan ng si kuya driver Pala ito. Ang lalaking nakasubong ko makailan lang.
Ang driver ng kotse na nagpasakay sa amin ni Lucky. "Iha, dali ka. Pumasok ka." Saad niya at kaagad naman akong pumasok dito.
Tinanong niya ako kung saan ako pupunta at sinabihan ko naman siya. Matapos noon ay kinuha ko ang sanggol ko. Naghintay naman siya sa akin, gulat na gulat pa nga ang anak ko at si Lyle sa biglaan kung ipagsabi sa kanila.
Pero dahil sa hindi naman pasaway na bata ang kapatid ko ay tinulungan na niya ako. At lumisan na sa kweba ng tinitirahan namin.
Ng makabalik doon ay kaagad niya kaming pinasakay at humalolot paalis ng lugar. "Iha, may mga grupo ng mga lalaki ang naghahanap sayo. Nakita ka raw nila." Napayakap ako sa anak ko.
"Please kuya. Kung saang lugar na pwede niyo akong mailayo gawin ninyo." Saad ko na halos napuno na ng pawis ang katawan.
"Sa bukid doon sa Iloilo. Marami akong pamilya roon. Mababait ang mga tao doon at sigurado akong makakatago ka ng mabuti dahil sa liit ng mga bahay doon. During emergency ngalang mahihirapan ka." Hindi ko nalang pinansin ang mga masasamang salita at kaagad na nagsabing doon kami pupunta.
Subrang layo noon dito. Sa pagkakaalam ko nasa Visayas iyon habang kami nandito sa luzon.
"Wait lang kuya." Ani ko saka na napalingon sa likuran. Muli akong bumaling sa kanya. "Ang layo po noon kuya eh." Saad ko saka naman siya napakalot ng ulo.
"Oo nga naman Iha. Pero huwag kang mag-alala, may mga pamilya ako roon na talagang makakatulong sa iyo. Sa pagkakaalam ko maraming mga barko ang nasa gilid na ngayon na pabalik na sa Iloilo. Doon ka nalang sumakay, illegal na pangingisda ang kanilang ginagawa pero mabubuting mga tao ang nakakarga at tumatrabaho doon. Ako bahala sayo."
Hindi ko alam kung saan kami napahinto basta ang alam ko lang ay nasa gilid kami ng mga malalaking barko.
"Dali, dali! Bilisan niyo." Saad ni kuya sa amin at kinausap ang may-ari na bangka. Pinapasok kami ng isang babae sa loob at pinaupo. Hindi gaano kalaki ang kanilang barko, pero pauwi narin raw kasi sila sa Iloilo.
Kumaway-kaway nalang kami kay kuya. Hindi ko alam kung saang panig ng mundo ba talaga ang dapat kung pagtatagu-an. Basta ang alam ko kung saan ako aanurin ng bagyo ay doon ako. Ayus lang sa akin pero nahihirapan at naawa ako sa anak ko at kay Lyle.
Lahat ng paninda ko dala-dala ko parin. Ganito ito ka importante sa akin. Tatlong libo pa ang natira sa pera ko, siguro sinadya naman ng diyos na ipadala sa akin ang magnanakaw na iyon. Salamat naman.
![](https://img.wattpad.com/cover/343782699-288-k207604.jpg)
BINABASA MO ANG
The Prostitute Wife Of the Mafia Lord (The Unwanted Wife's Revenge)
ActionCOMPLETED: Giana Michellain Gwenn V. Ford is a talented, desirable, gifted daughter who ended up as an illiterate prostitute wife of a mafia lord. Her bruises have become scars from her past, which includes an abusive family and a toxic relationship...