“... Ma'am... Ma'am?” Maigi kong naimulat ang aking mga mata. Lahat ng katawan ko ay namamaga, kahit ang paningin ko ay hindi masyadong kumaklaro.
“Namumutla po ang sanggol ninyo.” Bigla akong napabangon sa mga sinabi niya. Napatingin ako sa paligid na mas higit na ikinasakit ng ulo ko. Para bang gusto nalang nitong pumikit sa sakit ng katawan ko.
Kahit hirap na makahanap ng tamang daan ay ginamit ko parin ang kamay ko kahit naka Pikit ang mga mata upang hanapin siya.
Binigay ng bata ang sanggol ko sa akin at dali-dali ko namang kinuha ito at hinawakan ang noo ng sanggol ko. Gumiginaw ito at parang hindi na humihinga. Parang gusto kong sumigaw at humingi ng tulong.
“B-Buhay paba ang a-anak ko!” Tanging nasabi ko ng hindi na maramdaman ang paghinga nito.
“Buhay pa po siya. Kailangan niyo po siyang pakainin para bumalik ang lakas niya. Kanina pa kasi siya iyak ng iyak. Hindi naman po ako makaalis at maghanap ng tulong dahil kahit ako po ay tumatago dito dahil may gusto ring pumatay sa akin.” Ani niya na nagpatulo ng mga luha ko.
Muli kong binuksan ang mga mata ko at hinarap ang anak ko. “P-Parang a-awa muna huhuhu.” Napaiyak na ako ng tuluyan habang dinuduyan ang sanggol ko.
“S-Sige po. D-Dito muna kayo.” Aniya at tumakbo palayo upang maghanap ng tulong. Mabilis kong binuksan ang damit ko upang painumin siya, hindi ko na talagang mapigilang mag panic.
Tanging lumalabas nalang sa isipan ko ang kalagayan ng anak ko. Iyak ako ng iyak habang nakaupo na dumuduyan dahil sa hindi ko alam kung ano gagawin ko.
Sumasakit ng sumasakit na ang ulo ko pero hindi ko kailangang pumikit at bumitaw dahil ang anak ko ang mahihirapan.
Biglang bumalik ang bata at kinuha niya sa akin ang anak ko. Iwan ko ba kung ano ang ginawa niya ng biglang marinig ko ang iyak ng anak ko.
Mabilis niyang nilapit ang sanggol sa akin at kaagad ko naman itong pina d*d*.
Mabilis namang uminom ang bata. Dahil sa gutom ay kagat ng kagat niya na ang dibdib ko. Natigilan ako saglit at tumingin sa bata.
Nilapitan niya ako at hinaplos ang noo ko saka na hinilot-hilot ang likuran at ang baba ng leeg ko. Nahihirapan na kasi akong humingi.
May binubuhos siya na kung anong lana sa mga kamay niya at iyon ang pinapahid sa akin. Maanghang at mahapdi pero nakakalamig.
Maya-maya paman ay unti-unti nang bumaba ang temperatura sa katawan ko. Ito ang laging ginagawa sa akin ni lola sa tuwing hinihika ako.
Napalinaw ang paningin ko at lumuwag ang paghinga ko. Nakahinga ako ng malalim saka na kaunting nawala ang sakit ng ulo ko.
Ng ma tauhan ay napatingin ako sa batang lalaki na patuloy parin sa pagmasahe sa itaas na parte ng katawan ko.
Matapos ang ganoong pangyayari ay pinahiga niya ako sa isang malambot na unan at pinainom ng kung anong herbal na kaagad na nagpagaan ng dinaramdam ko.
Hinarap ko ang sanggol ko. Ngayon taimtim na natutulog sa dibdib ko. Ang mga kulay niya ay naging pinkish. Salamat naman at bumalik na sa Normal.
Malaki ang pasasalamat ko sa bata. Sanay na sanay pala siya sa mga ganitong bagay. “Salamat, bata.” Ngiting ani ko sa kanya at napahinga naman siya ng malalim at pinahiran ang mga pawis niya.
“Ho! Kala ko kung ano na po ang mangyayari sa inyo.” Napangiti siya sa amin. Isang moreno na sumusuot ng lumang damit.
“Ilang taon kana?” tanong ko sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/343782699-288-k207604.jpg)
BINABASA MO ANG
The Prostitute Wife Of the Mafia Lord (The Unwanted Wife's Revenge)
AksiyonCOMPLETED: Giana Michellain Gwenn V. Ford is a talented, desirable, gifted daughter who ended up as an illiterate prostitute wife of a mafia lord. Her bruises have become scars from her past, which includes an abusive family and a toxic relationship...