CHAPTER 50

68 1 0
                                    

GIANA'S POV

Halos napuno ng ligaya at kasiyahan ang puso ko habang buong bilis na inaayos ang sarili ko at si Lucky.

Madalian kaming nag kotse patungo sa Eldoria's Restaurant dahil hindi rin iyon ganon kalayo sa mismong mansion na nilipatan namin.

“Mama, where are we going?” Nagtatakang tanong ng enosenteng bata.

Mabilis ko siyang binuhat saka na pinaupo sa mga hita ko habang nakaharap ito sa akin.

“Baby, excited kana bang makita si, Daddy mo? Finally, magkikita na kayo ulit!” Nanlaki ang mga mata ng bata kahit makikita sa likuran ng mukha niya ang kaunting pagkataka.

“When mom, when?” Natutuwang tanong ng bata habang tumalbog-talbog ang puwit niya sa mga hita ko.

“Aray naman anak.”

“Opss. When?” Itong anak ko parang lutang.

“Ngayon nga hahaha,” natatawang saad ko sa kaniya dahilan para mapahilaw ang mga mata niya.

“Papa, here I comeeee.” Masiyahing sigaw niya habang nakatingin sa labas ng bintana.

Ng ma-park ang sasakyan namin sa harapan ng Eldoria's Restaurant ay nauna pang bumaba si Lucky sa akin.

Tatakbo na sana siya ngunit ng matawag ko ang pangalan niya ay mabilis rin siyang bumalik upang hawakan ang kamay ko at hinila ako papasok doon.

Mas lalo pa akong na excite dahil sa reaksyon ng bata. Talagang hindi na siya mapakali.

Binuhat ko nalamang siya bago paman makapasok sa loob ng gate. Five star restaurant pa naman ito.

Parang tumigil bigla ang mundo ko ng madakip ng paningin ko ang maamo at matchong mukha ng pinakamamahal kong lalaki.

C-Charles?

He was sitting all alone in a bench while looking so deep in front of his dining table.

Ang seryoso ng mukha niya, his face feels like empty. Kahit papaano ay nag matured narin talaga ang malaanghel niyang mukha.

Sa wakas, mabibigyan ko narin ng tunay na kasiyahan ang anak ko. Subrang iniidolo pa naman niya si papa niya. Huhuhu kay tagal ko ng hinihintay ang pagkakataong ito, ang muling magkita kaming tatlo.

“Charles!”

“Daddy!” Bigla akong napigilan sa paglakad.

Isang batang babae ang biglang sumalubong at yumakap ng mahigpit sa kaniya. Mayroon itong mahabang golden hair kagaya rin ni Lucky.

“Where's mommy hmm?” tanong ni Charles sa batang babae habang hinahawi ang mahabang buhok nito.

Kaagad na itinuro ng bata ang pintu-an sa rest room, at mula dito lumabas si Princess Dynna, ang babaing pinagbigyan ko ng singsing namin ni Charles noon.

“Hahaha masyado ka naman atang matagal, Sweetheart,” malambing na  ani ni Charles habang sumasayaw sa tuwa ang mga mata.

Dynna smiled and immediately kissed him. “Hahaha sorry, Honey.” She said with her smooth tone.

The Prostitute Wife Of the Mafia Lord (The Unwanted Wife's Revenge) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon