This Chapter is dedicated to my solid reader. Ackk😍.
@littledimwitMaraming Salamat sa pagbabasa at pagsuporta!
*********💗**********
Limang minuto na ang nakalipas at umiinom parin sa akin ang anak ko. Haplos, halik, yakap at kiliti ang inabot niya sa akin matapos ko siyang linisan gamit ang sarili kong damit.
“Anak, kamusta ka ha? Miss na miss kana ni mama.” Muli ko siyang hinalikan sa labi. Ang pogi ng anak ko pero ang payat naman.
Hindi na tumitigil ang luha sa mga mata ko habang minamasdan ang bata. Maya-maya paman ay naiabot niya ang mga malilit niyang kamay sa mukha ko.
Kaagad ko namang hinawi ang mahaba kong buhok at nilapit ang mukha ko sa kamay niya. “Ma-ma-ma,” Ilang besis na pagsambit niya. Napatalon ako sa tuwa sa sinabi niya.
Dinuyan-duyan ko siya at hinalikan ang kaniyang batok. Parang ako na ang pinaka swerteng ina sa balat ng lupa, Lucky. Ang saya-saya ko dahil naisilang kita. Kung sana, hindi ka nasa tabi ni mama, siguro ngayon nasa ilalim na ako ng lupa.
“You are a blessing to me. Kung babae ka, papangalan kitang, Blessy. O diba ang ganda?” Tulala lang ang batang nagmamasid sa akin.
“Ang ganda ni, Mama ano? It's okay lang anak, love na love ka naman ni mama eh. Huwag kang mag-alala, kapag makaalis na tayo dito, gagala tayo sa iba't ibang parte ng mundo. Ang wish ko, sana makikita pa kita sa seventh birthday mo. For me, that is a special age. I don't know why, I just love lucky seven!”
“Hahaha.” Napatawa siya kaya napahalakhak naman ako. Ang corny ng joke ko atleast may fan naman ako hahaha.
“Nakaka libang karin pala anak ano? Parang walang sugat lang si mama dahil sa ngiti mo.”
Dalawang lalaki ang biglang pumasok sa kwarto at lumapit sa pintu-an ng kulungan ko sabay na napatitig sa bata. Kaagad ko itong niyakap at itinago. Ayaw ko ng ipamimigay pa ulit ito.
“Please sa akin na muna siya. Ilang minuto pa ngalang ang lumipas eh,” wika ko sa kanila ngunit biglaan na nilang binuksan ang pinto at sinubukang kunin ang anak ko.
“Sabing huwag nga eh!” Hinawakan ako ng isang lalaki sa mga braso at sadyang inilayo sa anak ko. Buong lakas akong pumalag dahil sa pagnanais na muling makuha sa kamay ng isa ang sanggol.
Hindi pa nga kalahating oras ang paghahawak ko sa kanya tapos kukunin na nila kaagad ito?
“Ano ba! Ang bata!” Tuluyan na nilang nilayo ang sanggol at sa pintu-an kaagad itong iniabot kay Sebastian.
“Yuck. Liguan niyo!” Mabilis niya itong binigay sa isang maid at kaagad naman silang umalis.
Pumunta si Sebastian sa akin at napaluhod sa harapan ko. Hawak parin ang braso ko ng isang lalaki sa likuran at nilagyan ng posas ang mga kamay ko sabay na nilagyan ito ng kadena at itinali sa mga paa ko.
“All done, Your Majesty.” Napatango si Sebastian at tuluyan na silang umalis.
“Hey, Honey? Watzup?” Napakurot ako ng kilay sa kanya at bigla kong kinagat ang mga kamay niya ng sana'y hahawak sa panga ko.
Agaran niyang nilayo ang mga kamay niya at binatokan ang ulo ko. “Zombie kaba?” tanong niya at napataas noo lang ako.
“Pakawalan mo ako, Sebastian,” kalmadong saad ko sa kanya at kaagad naman siyang napangisi.
“Okay. I will. Basta... Ito!” May bigla siyang nilapag sa harapan ko. Isang papelis, kung hindi ako magkakamali ito ang papelis na naging agreement namin sa yaman ni Lucky.

BINABASA MO ANG
The Prostitute Wife Of the Mafia Lord (The Unwanted Wife's Revenge)
AçãoCOMPLETED: Giana Michellain Gwenn V. Ford is a talented, desirable, gifted daughter who ended up as an illiterate prostitute wife of a mafia lord. Her bruises have become scars from her past, which includes an abusive family and a toxic relationship...