CHAPTER 57

104 6 3
                                    

SEBASTIAN'S POV
-

----

"Ugh!" Isang maginaw na tubig ang biglang bumagsak sa mukha ko dahilan para malampongatan ako.

Kaagad kong iniling ang ulo ko upang alisin ang mga tubig na nanatili pa sa ibang bahagi ng mukha ko.

"What the fuc-" Parang isang asteroid ang sumalpak sa pisngi ko ng makita ang sarili kong nakatali sa isang upuan.

W-Where am I?

Mabilis kong kinaldag ang sarili ko upang ipilit na makaalis sa pagkakatali rito. Ginawa ko na ang lahat upang makaalis na parang bobong tao na nagpupumilit na makapasok sa butas na tinitirahan ng isang maliit na daga.

"What the fuck!" Iritang iginala ko ang paningin ko sa paligid. Hindi ko alam kung nasaan ako pero ang silid na kinaroroonan ngayon ko ay napaka pamilyar sa akin.

Madilim ang silid na halos kahit ang kaunting ilaw mula sa labas ay hindi makapasok dahil sa kapal ng mga kurtinang nakapaligid.

"N-Na sa torturing basement ba ako!?"

"Yes. You... are!" May biglang nagsalita mula sa likuran ko.

Agaran akong napatingin sa pintuan at ganoon nalamang ang pagkulo ng dugo ko ng makita ang reyna kong inabandona noon.

"G-Giana!?" At first, I burst into laughter upon seeing her holding a sword with my crown above her head, but as soon as I noticed something worse about the situation, my expression turned miserable.

"Good morning, Sebastian?" Naka-smirk na aniya habang nakaupo sa golden chair banda sa harapan ko. "Kumusta ka?" kalmadong tanong nito habang tinititigan ang mga pulang koko niya sa daliri.

"H-How come? Hahaha nanaginip ba ako?" Ninais kong e untog ang ulo ko sa sandigan ng inuupuan upang magising sa katotohanan bago paman muling iminulat ang mga mata ko. "F*ck... Giana, ikaw ba talaga iyan? Hahaha... Bw*sit, kala ko patay kana?" Tanging pagmura ko.

"'Yan ang masakit na katotohanan. Iyong akala mo lang," aniya.

"You kidnap me?"

Biglang itinaas nito ang kurtinang nakapaligid at ng pumasok ang ilaw galing sa araw ay tumambad sa harapan ko ang iba't ibang uri ng mga pugot na ulo. Ulo ng mga maasahan kong kawal.

"What the... G-Giana?" Napalaki ang mata ko sa kaniya ngunit ang kasunod naman nito ay ang malakas kong tawa. "Hahaha... Ilang buwan mong pinahirapang gawin ang mga dekorasyong ito? Sa tingin mo ba maniniwala akong basta mo nalang sila malulupig?"

"Tsss," she smiled, her hands pointing to the other side of the window. Everything turned into reality when Queen Zephoura walked in, holding a sword in her hand, which was covered in blood.

"Z-Zephoura?" Hindi maguhit ang naging reaksyon ng mukha ko habang matulis na nakatitig lang si Queen Zephoura sa akin.

"Idiot," she said.

Kasunod na sumulpot mula sa likuran nito ay ang maasahan kong Kanang-Heneral na si Dastan. Nakataas ang mga panga niyang nakaharap sa akin habang hawak nito ang gintong espadang ibinigay ko sa Kaliwang-Heneral.

Pangalawang pumasok sa pinto ang Mafia Royal Regent ko, hanggang sa sunod-sunod ng pumasok sa likuran nito ang iba ko pang maasahang mga sundalo na siyang naging pintu-an ng malaking pagtataksil.

Sa biglaang irita at sakit na idinulot nila sa harapan ko ay parang kaagad akong niyakap ng sumisiklab na apoy.

"HAHAHA mga TAKSIL!"

The Prostitute Wife Of the Mafia Lord (The Unwanted Wife's Revenge) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon