Chapter 4
Handsome Caregiver
Buong araw kong di pinansin barkada ko. kahit anong kulit nila diko talaga sila kinausap. Kina Drew ako sumama after nung nangyari. At ngayon andito sila sa likod ko. bahala sila sa buhay nila. Ayaw na ayaw ko pa naman yung pinagkakanulo ako sa isang lalaki. Kasi diko maiwasang di makilig. Tangina! Ayaw ko yung pinagtitripan ako eh.
"Hoy Sophie! Dimo bagay magtampo. Promise" umakbay si Hanne sa akin pero tinanggal ko lang yung braso niya sa balikat ko at mabilis na naglakad patungong gate 3 kung saan ang exit gate.
Pero bago pa ako makarating dun isang malakas na hangin ang napadpad sa gawi ko. okay Sophie kalma lang okay? Wala namang ginagawang masama yung tao sayo. Mga kaibigan mo lang kasi yung nakakainis. Di kasi ako sanay na tinutukso kaya ayun. At masyado siyang sweet. Madali lang akong mahulog.
Promise. Ang hirap turuan at pigilan nitong puso ko. I easily fall and hard to forget.
Isang ngiti ang nagpawala sa kaninang nakasimangot na mukha ko. "Uwi ka na? hatid na kita?" oh c'mon! Ako ba ang target niya?
Gusto ko tuloy tanungin kong may crush ba siya sa akin. Kaso nakakahiya. Aish!
Umiling na lang ako tsaka nagpatuloy sa paglalakas pero hinawakan niya bigla yung braso ko upang pigilan ako. Feeling ko lumabas yung puso ko. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ako. Ba't ganun yung feeling? Feeling ko nagsitayuan yung mga balahibo ko at feeling ko nakukuryente ako.
"K-kaya ko naman umuwi mag-isa no. T-tsaka ang l-layo ng sa amin. S-sige. Salamat na l-lang ha?" binawi ko na yung braso ko.
At dahil araw ko ngayon ayun tuluyan na akong natapilok. Narinig ko pa yung pagsigaw ng mga barkada ko. mabuti na lang at wala ng halos tao sa school dahil alas sais na din. Shit! Feeling ko na sprain ako. Sinubukan kong tumayo pero sumablay ako. inulit ko ulit pero pinigilan ako ni Chanyeol.
Lumuhod siya at tinanggal yung kawit nung heels ko. Narinig kong napasinghap ang kaibigan ko. OO na namula na ulit ako! Pisti! Asar! Bakit kasi ganan siya?
Ang gentleman? Inikot niya yung paa ako at napasigaw ako kasi masakit sa may part ng ankle ko.
tinignan niya ako sa mata at kitang kita ko yung pag aalala sa mga mata niya.
"M-masakit." Halos pabulong na sabi ko.
inabot niya sa akin yung heels ko at tinignan ko siya na takang taka. Halos mapasigaw na ako pati mga kaibigan ko ng walang pasabing binuhat niya ako. alam kong yung mga ibang estudyante na kagagaling sa gym para mag basketball at yung ibang mga tumatambay pa ay sa amin nakatingin. Tinago ko yung mukha ko sa may dibdib niya pero wrong move dahil amoy na amoy ko ang mabango niyang amoy na halos nakakaadik.
Binaba na niya ako sa loob ng sasakyan niya at nilagay sa likod yung bag ko at yung ibang libro na hiniram ko sa library. Nakita ko yung mga kaibigan ko sa likod niya. bakas sa mukha nila yung kakaibang ngiti na parang nangaasar at pag aalala.
BINABASA MO ANG
His Promise
Teen FictionHe promised me forever. He promised to love me eternity. He promised me happiness. He promised me the world. Will these promises meant to be fulfilled or meant to be broken? - Sophia Qwerty Kohler VOTE. COMMENT. SHARE. Thank you -Jeiara-
