Chapter 27

156 3 0
                                    

Chapter 27

Mug


"That scary moment when you start to feel attached to someone."


"Guys quiet! Ano ba? Parang nasa bundok lang kayo ah! Okay sana kung kayo lang yung mapapagalitan! Damay naman kaming mga tahimik!" inis na inis na sigaw ni Kit sa mga kaklase naming maiingay.


Pero mas lalo silang nag ingay at tinukso si Kit na 'Wow leader si Kit'. Yung totoo college student sila o nasa high school pa lang? Maryusep! Palibhasa hindi sila nauubusan ng kwento at ka'trip'an sa buhay.


Natahimik kaming lahat ng dumating na yung professor namin. Habang tumatagal yung pagkaklase paingay ng paingay naman yung mga classmates ko. napapailing na lang ako.


Natapos ang klase ng wala sa oras dahil nag walk out ang prof. namin. Bakit? Dahil maingay ang estudyante. Parang sa high school lang talaga!


Pababa na kami ng hagdan ng biglang may makabangga sa akin dahilan para ma out of balance ako. pero bago pa ako makaramdam ng sakit sa katawan ay naramdaman ko na lang na lumutang ako. pagmulat ko ng mata ay nakita kong sinalo ako ni Chan. My forever superhero!


Agad akong umayos ng tayo. At inayos yung sarili ko. "S-salamat." Ani ko.


"Gago nun ah! Ayos ka lang ba?" tanong nito sabay hawak sa braso ko.


Nakaramdam na naman ako ng kuryente. "A-ayos lang ako. mabuti nga di ako bumagsak." Pinilit kong ngumiti at maging maayos.


I heard my friends cleared their throats kaya binitawan na ni Chan yung braso ko. nilingon ko sila at agad silang nag iwas ng tingin.


"A-ahh. S-sige b-bababa na kami. Guys." Tawag ko sa kanila. Pinulot ko yung bag kong nahulog


Nauna na akong bumaba dahil diko na talaga kaya. Kinikilig na ako! oo na! aamin na ako! kinikilig ako! >__<.


"Uuwi na ako guys." Ani Kit.


Napatingin kami sa kanya. "Ako din uuwi na." sang ayon ni Stacey.


Nagsitanguan at nag usap na silang uuwi. Napatingin silang lahat sa akin. "May gagawin pa ako sa library." Pinakita ko yung notebook kong saan sinulat ko yung seatwork na binigay nung prof namin sa Tourism Planning. Seatwork pero ipapasa pa sa susunod na araw.


"Pwede ka namang magsearch sa bahay niyo?" ani Hanne.


"Kasi nga po wala yung laptop ko. Nakay Kuya Four." Sagot ko.


Nag out of town si Kuya Four sinama yung laptop ko. tapos desktop naman ni Mama nasira. Yung laptop ni kuya Luke—ayokong buksan. Wallpaper ba naman nung isang araw eh putol na kamay at maraming dugo. Hindi naman cartoon kundi parang totoo talaga. ayaw na ayaw ko pa naman ng ganun.

His PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon