-lame and short update-
Chapter 32
In love
"What happened? Para kang pinagbagsakan ng langit at lupa, Sophie." Tinignan ko ng masama si Gavin.
I'm at Gavin's house. Ayokong umuwi sa bahay. Ayokong ipaalam sa barkada ang nangyari kanina. Ayoko muna silang guluhin. Ayokong problemahin nila ako. kaya andito ako ngayon sa bahay ni Gavin. Feeling close na ako ngayon. Alam ko kasing siya yung makakatulong sa akin, he's a guy. Sana lang may matino itong maisagot sa katanungan ko.
"You're free to open your problems with me, Sophie. I'm your friend in case you don't know." Ngumiti ito.
Nilapag niya sa mesa yung dalawang juice at dalawang slice ng choco-strawberry cake.
"Wala akong problema." Nahihiya kasi akong mag open sa kanya.
Ewan ba. baka kasi barahin ako nito. Nakita kong sumeryoso yung mukha nito kaya pinilit kong ngumiti.
"stress lang sa school." Pangungumbinsi ko.
Tumaas yung dalawang kilay niya at nagbuntong hininga "Sabi mo eh." aniya at uminom ng juice tsaka nagsubo ng cake.
"magkapatid talaga kayo ni Luke. Kunware walang problema, yun pala ang dami dami. Why don't you try to open it to your friends? Anong silbi ng kaibigan kung dimo ikuwento sa kanila? Ano yun display lang sila?" yumuko ako.
"I don't want to bother them. Baka may sarili din silang problema. At pag shinare ko pa yung problema ko, makadagdag pa ako." sambit ko. tsaka nagsubo ng cake.
"Lahat tayo may problema Sophie. You're lucky because you have friends to share with your problems. Sabihin mo lang sa kanila yung problema mo, hindi mo naman sasabihing problemahin din nila diba? You share your problems with your friends, to ease the pain, to lessen the burden you have inside. Friends are not displays or for entertainment, Sophie. They have ears too, they can listen." Tumayo ito at tumabi sa akin.
Hinawakan niya yun side ng ulo ko at nilapit ito sa balikat niya, para mag lean ako doon.
"I am here, Sophie. Hindi man tayo ganun ka'close, I am willing to listen to your dramas, to your shits whatsoever." Huminga ako ng malalim.
"Ano ba kasing tawag dun na pag malapit siya bumibilis yung pintig ng puso mo. pag nagkakausap kayo feeling mo ang saya saya mo. pag nakita mo siya with other girl may nararamdaman kang kirot sa bandang dibdib mo. pag pinapakita niya kung gaano siya nag aalala sa'yo dimo maiwasang mahulog sa patibong alam mo kong saan ka patungo." Umayos ako ng upo at lumayo sa kanya ng kunti.
Naramdaman ko yung pagtitig niya sa akin. "I think you're inlove, Sophie. Kanino naman?" napatingin ako sa kanya.
I am in love with Chan? No way! Hindi nga pwede diba?
"Who's this man, Sophie? Is he worth it? Is he worth your love?" napatigil ako.
Is Chan worth it? Hindi ako nagsalita. Ininom ko na lang yung natitirang juice sa baso ko tsaka tumayo.
"I'm not in love, Gavin. Hindi ko pwedeng mahalin yung taong kakakilala ko palang." Ani ko.
Niloloko ko na naman ba ang sarili ko? I know the feeling of being in love. naranasan ko na ding mainlove. Kaya sana alam ko na yung sagot sa nararamdaman ko. pero bakit diko masagot? Dahil ba natatakot ako?
"It doesn't matter how long you've known him, Sophie. Kung tumibok na yang puso mo para sa kanya kahit kakikilala niyo palang kahapon wala ka ng magagawa dun." Sagot nito.
Si boy hugot ba ito? >__< Okay nakuha ko pang sumegway. Pero tama naman kasi siya. wala talagang pinipili ang love, kusa na lang talaga itong dumarating. Pero totoo nga bang mahal ko na si Chan? Paano nangyari yun? Bakit ang bilis nga?
--
BINABASA MO ANG
His Promise
Teen FictionHe promised me forever. He promised to love me eternity. He promised me happiness. He promised me the world. Will these promises meant to be fulfilled or meant to be broken? - Sophia Qwerty Kohler VOTE. COMMENT. SHARE. Thank you -Jeiara-