Chapter 33
Nagseselos siya!
Nagmamadali akong nagtungo sa labas at binuksan yung gate ng makarinig ako ng pag door bell. Isang maganda at maputing babae ang tumambad pagkabukas ko ng gate. She looks pale at mukhang kagagaling sa pag iyak pero kahit ganun kapansin pansin pa rin ang maganda nitong mga mata na kulay berde. Siguro may lahi ito.
I smiled at her. "Anong kailangan nila?" tanong ko.
Nakita kong napalunok siya. iniabot nito ang isang box na hindi naman kalakihan. Nagtatakang napatingin ako dito. "This is Mr. Four Angelo Kohler's house right? Pakibigay naman ito sa kanya. thank you." Inabot ko yun at tinignan muli siya.
Hindi ko tuloy maiwasan ang ma insecure. Grabe! Ang ganda niya! nakakatibo! Pero anong relasyon niya sa kuya ko? ano tong laman nito? "You're Sophia right? His sister? It's nice to meet you." Aniya tsaka pinilit ngumiti. Tatalikod na sana siya kaso pinigilan ko.
"May I know your name, miss?" para naman masabi ko kay Kuya.
Pero sa halip na sagutin ako ay nanatili siyang tahimik. "Ahh. Private?" tumango lang ito.
"A-ahh. S-sige. Alis na ako. Thank you again, Sophia." Aniya tsaka mabilis na nagmartsa palayo sa bahay.
Nanatili akong nakatayo doon, sinundan siya ng tingin hanggang sa mawala na siya. sino kaya yung babaeng yun? Don't tell me babae ni Kuya Four? Oh My God! May girlfriend na si Kuya Four?
Tinignan ko kung may note bana nakalagay pero wala naman. Nag shrugged na lang ako at nagtungong kwarto ni Kuya. Mabuti na lang hindi naka'lock. Pumasok na ako at nilagay sa ibabaw ng kama nito yung box tsaka lumabas na.
"SOPHIE!" napadungaw ako sa ibaba ng marinig ko yung boses ng barkada ko.
Dali dali akong bumaba at nakita silang nakaupo na sa sofa. Yung iba nag diretso sa kusina. Feel na feel talaga nila bahay nila to eh.
"Problema niyo? Ba't kayo bigla napasugod dito?" tanong ko. umupo ako sa bakanteng tabi ni Ash.
"Namiss ka namin!" natawa ako. ang lame ng reason eh.
"Malapit na ang midterm exam! Kaya dapat mag start na tayong mareview." Ani Hanne.
Napatingin ako sa kalendaryo namin. Second week of August na pala. So next week na ang Midterm? Ba't ang bilis naman?
Nagbuntong hininga sila. "Hell week na next week!" reklamo ni Kit sabay higa at ginawang unan yung lap ni Leon. Agad naman siyang hinila patayo ni Stacey at umupo sa pagitan ng dalawa.
"sa tingin niyo, group study? O mauuwi ito sa paglalafang at panonood?" sambit ko.
Nagkatawanan kaming lahat. Last year trinay naming mag group study, pero nauwi sa overnight, yung tipong kumain kami magdamag, nanood, nagkwentuhan at kinaumagahan bangag kaming lahat. Mabuti na lang talaga at nakikinig ako sa klase kung hindi natanggal na ako sa deans list. Dean's list kami nina Keso, Hanne at Kit. Yung natira, nag'e'excel din pero may ibang subject na di nila kaya o di kaya naman sadyang kuripot lang magbigay yung prof ng grades kaya di sila nakaka abot sa average para sa DL.
BINABASA MO ANG
His Promise
Teen FictionHe promised me forever. He promised to love me eternity. He promised me happiness. He promised me the world. Will these promises meant to be fulfilled or meant to be broken? - Sophia Qwerty Kohler VOTE. COMMENT. SHARE. Thank you -Jeiara-