Chapter 14

187 5 1
                                    

-Dedicated to her ang ganda po ng RH at BTWY. Nakaka inspire at nakakakilig yung mga ginagawa mong story. :D-



Chapter 14

Overprotective



Sumakay na ako sa loob ng van. Tatlong van ang inarkila ng school para ihatid kami sa pupuntahan namin.


Ang tagal ni Chan. O baka naman nasa kabilang van? Ayy bahala siya. Diko na problema yun kung maiwan man siya. Tss sa may tabi ako ng bintana umupo. Tahimik akong nakikinig ng music ng maramdaman kong may umupo na sa tabi ko.


Isang familiar na amoy ang naamoy ko kaya automatikong napalingon ako dito. si Chan. Nakangiti ito sa akin. Tipid akong ngumiti sa kanya.


"Nagdala ako ng pagkain." Hindi ko tinatanong gusto kong isagot pero wag na. kawawa naman yung tao kong sasagutin ko pa. tumango na lang ako.


Umandar na yung van at ramdam kong lahat sila excited. Anong nakaka excite? Sa halip sana na magpapahinga ako sa weekend at magbabad sa net eh ayun makikipagsapalaran pa.


Nilingon ko yung katabi ko na walang imik. Nakatingin lang ito ng diretso. Tinanggal ko yung nakapasak na earphone sa kaliwang tenga ko at in'offer sa kanya.


"Here. Para antukin ka at dika mabore." Halatang nagulat pa siya sa inasal ko pero agad din siyang nakabawi. Kinuha niya iyon at pinasak na ito sa tenga niya.


Tahimik kaming nakikinig ng music ng maramdama ko yung pagbigat ng talukap ng mata ko.


Naalimpungatan ako ng may yumuyugyog sa akin "Wake up. Nandito na tayo." Maalumanay na ani nito.


Minulat ko yung mata ko at oo nga nandito na kami. Bigla akong napalayo ng unti sa kanya ng maramdaman kong naka unan pala ako sa dibdib niya. so buong biyahe ginawa kong unan yung dibdib niya? Nakakahiya -__-


Ngumit lang ito tsaka inalalayan ako palabas ng van. Lumapit si Hanne na ang laki ng ngiti sa mukha. "Diko akalaing ganun kayo ka sweet. Yieh. pakita ko mamaya yung picture niyong nilalanggam kayo." Sinamaan ko siya ng tingin.


"C-chan! Ako na magdala ng gamit ko." kukunin ko na sana yung maleta ko ng hilahin ako ni Hanne.


Gaga to eh! nakakahiya tuloy dun sa tao. Sarili kong bag iba yung nagdala. >_<


'Dito tayo matutulog?" nilibot ko yung tingin ko sa gubat.


Hindi pa naitatayo yung mga tent at kami daw ang magtatayo nito.


"Okay guys! May ia'announce lang ako. As you see hindi pa naiayos ang tent. Kayo ang magaayos. Ito yung unang task niyo. Tignan natin kong meron kayong team work. There will be 4 members in each tent. So galaw galaw na."

His PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon