Chapter 35

151 2 0
                                    

Chapter 35

Risk


Tinignan ko siya. Pinilit kong bawiin yung kamay kong kanina pa niya hawak. Pero mas lalo lang itong humigpit sa pagkakahawak.


"Sh-t! what's happening on me?" bulong niya at binitawan yung kamay ko. ginulo niya yung buhok niya.


Tinignan niya ako sa mata. Agad akong nag iwas ng tingin. Napapaso ako sa tingin niya. nakukuryente ako.


"Listen, Qwerty. She's not my girlfriend." Depensa niya.


Natawa ako ng pagak "Bakit mo naman ito sinasabi sa akin, Chan? I'm not your girlfriend. Parang ang labas eh, ako yung girlfriend mo at nahuli kitang may ibang babae, kung makapag explain ka kasi."


Nakita kong lumungkot yung mukha niya. wala naman akong nasabing mali diba?


"Yeah. Bakit ko nga ba sinasabi sa'yo to? Why am I explaining to you?" aniya.


Tumahimik ako. walang nagsalita sa amin. Tanging yung malakas na ihip na hangin ang maingay sa mga oras na iyon. Nanatiling sa sahig ang tingin ko. ayoko siyang tignan. Ayokong malaman kong anong reaksyon niya.


"I tried, Qwerty. Yes, I dated Naomi but we stopped going out since last week. I dated her to forget someone. At kahit man I'date ko lahat ng babae dito kung yung taong gusto kong iwasan, eh lagi parin naman gumugulo sa isipan ko. Hindi ko pwedeng gamitin si Naomi. I can't use other girls just to forget one person. Nakokonsensya ako." teka lang ha naguguluhan ako.


Ayokong umasa. Ayokong isipin na ako yung taong mahal niya na gusto niyang iwasan.


My heart skipped a beat when I met his gaze. I saw sincerity and sadness in his eyes. I saw guilt.


"c-chan... A-ano? T-teka... naguguluhan ako." hindi ko maapuhap ang tamang salita.


Ayokong mag assume and at the same time ayokong maging manhid. Iniiwasan kong maging manhid pero kasi iniiwasan ko din ang wag mag assume. Pag nag assume ako, ako ang masasaktan. Pag nagpakamanhid ako, siya naman ang masasaktan. Teka lang ha! Pati ako naguguluhan na rin eh.


"I wish I can explain to you how I feel. Because every night before I go to sleep, you're all I think about." Di ako nakapagsalita. Anong ibig niyang sabihin?


Hindi ako manhid. Alam ko naman ang ibig niyang sabihin eh. pero kasi naguguluhan ako. ang daming mga bagay na pumapasok sa isipan ko para kontrahin yung gusto kong paniwalaan.


"I've liked you since I met you, Qwerty. And as the time goes by, I fell in love. I don't know why or how." Aniya.


Laglag ang panga ko. Umangat ang tingin ko at sinalubong ang kanyang tingin. Nakita ko ang paggalaw ng kanyang adams apple. Ang pagtaas baba ng kanyang dibdib, tila nahihirapang huminga. Parang kinakabahan siya.


"But you're with Naomi. How can I believe you? Bakit mo ito sinasabi sa akin? Bakit mo sinasabing mahal mo ako kung may dinedate kang iba? Chan, don't play with girl's heart." Tumaas ang boses ko.


Bumagsak ang kayang balikat. "Sinabi ko na sa'yo. Hindi ko na dinedate si Naomi. I just dated her to forget you... To avoid you. Trying to divert my feelings to someone." Nag igting ang aking mga bagang.


Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko. nagwawala na ang mga insekto ko sa tiyan. Sobra na yung panginginig ng tuhod ko. nanghihina ako. I can't take his revelations anymore. Gusto kong tumakbo. Magsisigaw. But I can't move.


"Why does it seem like it's wrong to love me, Chan? Anong mali sa akin? Bakit kailangan mo pang mangdamay ng iba para kalimutan ang nararamdaman mo sa akin? Is it wrong to love me? What's the reason? Am I not capable to love?" pigil pigil ko ang hininga ko habang nagsasalita.


Ayokong pumiyok. Ayokong mapansin niyang nanginginig ako. na kinakabahan ako. napahawak ako ng mahigpit sa laylayan ng palda ko.


"I don't know. You're innocent, Qwerty. And you're my friend." Oh yes! I'm his friend.


Eh anong mali pag minahal mo ang isang kaibigan? It's not incest. It's not a sin to love your friend. Hindi masamang mahalin ang isang kaibigan higit pa sa sobra.


"Ayokong masaktan kita, dahil lang minahal kita. Ayokong masira yung nabubuong friend ship natin. I'd rather lose my feelings to you, than to lose you forever." Aniya.


Hindi ako nagsalita. Mas gugustuhin niyang manatili ako sa tabi niya kaysa iparamdam yung totoo niyang nararamdaman.


"You're afraid of rejections, Chan." Ani ko.


Nilunok ko yung nagbabara sa lalamunan ko. huminga ako ng malalim. Wag kang umiyak, Sophie.


"You're afraid that if you're going to confess, I might reject you. Kaya ka lumapit kay Naomi. Sa kanya mo gustong ibaling yung nararamdaman mo, dahil pag sa kanya, makukuha mo yung kapalit. Because she likes you. At sa akin, hindi diba?" seryoso ko siyang tinignan.


No, Chan. I feel the same way. Our feeling is mutual. Gusto din kita.  Bakit kelangan mo pang ibaling sa iba? Bakit mas mahalaga sa'yo ang ingatan yang ego mo? try to risk. Kung talagang mahal mo ang isang tao, you need to risk everything.


Hindi siya umimik. I tried to move. And thank god at naigalaw ko na ang mga paa ko. I step back. Napatingin siya sa akin. I smiled at him bitterly.


"You're pride is more important than the person so important to you, Chan. If you really love someone, you need to risk. Risk it all. Ganyan sa pagmamahal." Tinalikuran ko na siya.


Nagmamadaling pumasok ako sa C.R. Mabuti na lang at bukas itong c.r sa baba. Dahil kong hindi, hindi ko na kayang pumunta pang kabilang building. Dahil sobra na sa panghihina yung tuhod ko.


Pagkapasok ko sa C.R ay agad akong napaupo. I locked the door. At doon ko binuhos ang lahat. Yung kaninang luhang pinipigilan ko ay bumuhos na.


Masakit. Masakit malaman na hindi niya kayang mag take ng risk. Hindi niya kayang ipaglaban yung nararamdaman niya dahil takot siya sa rejections. Putang inang pride yan ha! Putang inang takot yan! 


--

His PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon