Chapter 51
Kisses
Mabilis natapos ang araw. Tapos na ang finals at sembreak na. Matiwasay akong nakahiga ng kama ng biglang nag vibrate ang aking cellphone.
Isang unknown number ang nakarehistro doon at tumatawag. Napakunot noo ako. pinindot ko ang answer button at nilagay ang cellphone sa tengan ko.
"Hello?" bungad ko. nanatiling nakakunot ang noo ko.
"Hi! Sophia? Si Kid ito!" natigilan ako.
Si Kid? Kanino niya nakuha yung number ko? At teka bakit siya natawag sakin? Anong kelangan ng mokong na ito sa kin?
"Sophie? Hello?" nagbalik ako sa ulirat ng marinig ko uilit yung boses niya.
I cleared my throat bago nagsalita "O-oh Kid! Napatawag ka?" tanong ko.
Natawa siya sa tanong ko. "Tomorrow's my birthday. Don't tell me you forgot it?" isang katahimikan ang bumalot sa amin.
There's no reason para imemorize ko pa yung birthday niya. I still know his birthday pero nakalimutan ko at wala na sa isip ko na bukas na yung birthday niya. 'Uh. Of course not! Alam ko pa rin ang birthday mo. pero nakalimutan kong bukas na. Anyways, advance happy birthday, Kid! Adult ka na. hindi na Kid!" I crack a joke. He laughed and then silence follows.
"You have time tomorrow? Semestrial break niyo na ba? Lunch sa bahay. Tayo tayong magbabarkada lang noong highschool and kunting friends ngayong college tayo." Sabi nito.
Hindi muna ako nakapagsalita. Highschool friends. Ibig sabihin andun lahat sila. Tapos mga kaibigan niya sa college. Papayagan kaya ako ni Chan? Gusto kong pumunta kasi namimiss ko na din ang mga kaibigan ko noong highschool ako. Pero kung hindi ako papayagan ni Chan, hindi ko sila makakasama.
"Reunion huh? Uhm. I'll try Kid. Baka kasi may hinandang lakad kami bukas si Chan. I'll text you if I can come alright?" sabi ko dito. narinig ko ang pagbuntong hininga niya.
I don't want to upset him. He's my friend after all. Pati pumunta din siya sa bahay noong birthday ko. may gift pa nga din siya sakin e.
"Advance Happy Birthday. Don't get mad at me pag di ako nakapunta ha? Pero ita try ko." kinagat ko ang kuko ko.
I don't want to promise. Baka kasi bukas biglaang magyaya si Chan na lalabas kami o baka di ako payagan. Ayoko namang umasa siya na pupunta ako.
"Pwede mo namang isama si Chan. Pakilala mo kina Jovanna. Kwento ka daw ng kwento about sa boyfriend mo di mo pa pinapakilala ng personal sa min." natahimik ako. agad siyang tumawa para matakpan yung awkwardness na agad bumalot samin.
Bakit ko ba ito nararamdaman? Yes, he's my ex at ang awkward na banggitin niya ang pangalan ni Chan at sabihin yung salitang boyfriend.
"Uh. S-sige sasabihin ko sa kanya." sabi ko dito.
Pinaglaruan ko yung panda na binigay ni Chan last monthsary naming. Niyakap yakap iyon at pinaggigilan. Iniimagine na si Chan iyon. Nababaliw na ba ako at ganito na lang pinaggagawa ko dito? Grabe kasi e! dalawang araw ng diko siya nakakasama ng matagal. Kasi daw busy siya sa pagtulong sa business ng dad nila at pag train nung mga kabayo nila. Gabi lang siya nakakapunta sa bahay pero para sakin kulang iyon.
BINABASA MO ANG
His Promise
Ficção AdolescenteHe promised me forever. He promised to love me eternity. He promised me happiness. He promised me the world. Will these promises meant to be fulfilled or meant to be broken? - Sophia Qwerty Kohler VOTE. COMMENT. SHARE. Thank you -Jeiara-
