Chapter 11
You're really an angel...
Kasama ko ngayon si Chan at inaalalayan siya patungo sa parking lot kung nasaan yung sundo niya ngayon. Hindi daw siya pinayagan ng mommy niya na magdrive muna.
Pagkarating namin sa parking lot ay agad naman lumapit yung driver niya siguro-naka uniform eh-at siya na ang umalalay kay Chan. Tatalikod na sana ako ng bigla niyang hilahin yung kamay ko.
"Sabay ka na sa akin." Huh? Eh wag niyang sabihin idadaan pa nila ako sa bahay eh ang layo layo ng bahay?
"Naku ser, mukhang di natin maihahatid si ma'am maganda, kasi pupunta pa tayong hospital nadoon na si Ma'am Serene. Sabi ni kuya driver. Nakita kong sinamaan siya ng tingin ni Chan. Hindi pa rin niya binibitawan yung pagkakahawak sa kamay ko.
"Isasama ko siya Mang Isko."
"ha?" angal ko pero sinamaan lang niya ako ng tingin.
"Diba sabi mo ikaw naman ngayon ang saklay ko? So paano ako nito makakalakad?" at nag pout pa.
"Eh anjan naman si Kuya, diba po?" tumawa at tumango lang si kuya driver.
"Oo na sasama na tss. Wag kang mag pout para ka tuloy pato." Natatawang sabi ko ng bigla niyang kurutin yung kamay ko.
Aba ang sama! Pasalamat siya at pilay siya. Tss. pumasok na kami sa loob ng sasakyan at pareho kaming umupo sa likod. Diko siya pinapansin. Naka tingin lang ako sa labas. Nasa kabilang side din siya at may malaking space sa pagitan namin.
"Bakit ang tahimik mo lagi?" pambabasag niya sa katahimikan. Bago ko siya lingunin ay napatingin muna ako sa driver pero parang wala siyang pake alam.
Nilingon ko siya "Wala naman akong sasabihin." Sagot ko at binaling ulit ang tingin ko sa labas. natahimik naman siya.
Naramdaman ko yung paglapit niya at ng lingunin ko na siya ay nasa tabi ko na siya. At sobrang lapit na niya sa akin.
"I always wanted to be this close with you." Napatitig ako sa maamo niyang mukha.
My heart is not on its normal beat again. The butterflies in my stomach becoming wild again. The unexplainable feeling is here again.
Bigla siyang lumayo at lumungkot yung kaninang kalmadong ekspresyon ng mukha niya "But I know I should always keep a distance... because it's wrong." Umiwas na siya ng tingin.
Hindi ako makapagsalita. Anong sasabihin ko? anong pwede kong isagot sa sinabi niya? Gusto kong tanungin kung bakit mali? Mali ba yung ganun kami kalapit? Bakit?
Naputol ang pagmumuni ko ng magsalita ang driver "Nandito na po tayo."
Inalalayan niya si Chan habang papasok kami sa loob habang hawak hawak naman niya iyong kamay ko.
Bigla silang tumigil kaya tumigil din ako. napatingin ako sa harap at isang magandang babae ang sumalubong sa amin.
"Kumusta na? Sinunod mo ba yung utos ng doctor?" tanong niya.
Tumango lang si Chan. Agad kong tinanggal yung pagkakahawak niya sa kamay ko ng biglang tumingin sa gawi ko yung Mom niya.
"Uh? Hi dear. Anong pangalan mo?" napalunok ako.
Hindi naman siya mukhang mataray, parang anghel nga eh. "I'Im Sophie ma'am. Classmate ni Chan." Pakilala ko sa sarili ko.
Ngumiti siya at tumango. "Nice to meet you Sophie. I'm tita Serene, please cut the ma'am." Napatango at ngiti na lang ako sa kanya.
Lumapit yung doctor na nag check din sa akin noong ako yung napilay at ngumiti sa akin.
Pumasok na sila sa loob ng isang room at naghintay lang ako sa labas. Ng mabore na ako eh lumabas na ako ng hospital hihintayin ko na lang siguro siya sa labas or uuwi na?
"Naku Sophie nandito ka pa rin? Gabi na?!" napalingon ako nung marinig ko yung Mommy niya na magsalita.
'Ahh. Hmm." Bakit ko nga ba sila hinintay pa? tss.
"Saan ka ba? Ihahatid ka na namin? Gabi na oh." Sinundan ko ng tingin si Chan na inalalayan ng driver papasok sa sasakyan at binalingan ang mommy niya
"N-naku hindi na po masyadong malayo sa amin. S-sige po uuwi na ako. Mga ingat po kayo." Yumuko ako at binalingan si Chan na nasa loob. Hindi pa niya sinasara yung pinto.
"Uwi na ako. You rest okay? Bye." Ani ko at umalis na. I wave my hand as I bid my good bye to them.
Kelangan ko na talagang umuwi dahil tatalakan na naman ako ni Mama. May mga assignments pa pala kami! Huuuk!
Nag vibrate yung phone ko kaya agad ko itong binuksan at binasa yung text
From: Unknown Number
Thank you. You're really an angel.
Hindi ko pa na save yung number dahil diko naman kilala kong sino talaga to kahit nagkakaroon na ako ng ideya kung sino siya. Ayokong reply'an. Wala akong load -__-
-
BINABASA MO ANG
His Promise
Teen FictionHe promised me forever. He promised to love me eternity. He promised me happiness. He promised me the world. Will these promises meant to be fulfilled or meant to be broken? - Sophia Qwerty Kohler VOTE. COMMENT. SHARE. Thank you -Jeiara-