Chapter 31
You Need Me
Isang linggo ng ganun ang set up namin ni Chan. Hindi nagpapansinan. Hindi niya ako pinapansin kaya diko rin siya pinapansin. Baka sabihin niya na hinahabol ko siya o ano. Nakakainis lang!
"Nag text si Gavin. Susunduin ka daw mamaya." Iniabot ni Stacey yung cellphone ko.
Binasa ko yung text ni Gavin at agad na nagreply
No need Gav! Kuya Luke will fetch me.
"Manliligaw mo ba yan Sophie?" usisa ni Ash.
Pinandilatan ko siya. umiling ako. "Ilang beses ko bang sinabing hindi siya manliligaw o boyfriend ko? kaibigan siya ni Kuya Luke. Paulit ulit?" inis na sagot ko.
Napamura si Ash dahil sa inasta ko. ayaw ko silang idamay sa pagiging bad mood ko. wala silang kasalanan.
"Chilax babs!" tinapik ni Lexy yung likod ko. huminga na lang ako ng malalim.
"Ano kayang nakain ni Chan? Bakit ang cold na niya sa'yo?" kahit di ako magsalita. Kahit diko sabihin, alam nila kong anong nangayayari sa akin.
Syempre kaibigan ko sila. Alam nila yung mga flaws ko. Sa halos tatlong taong pagsasama namin kabisado na nila ang ugali ko.
"walang nakain yun. Syempre may nililigawan siya. Kelangan niyang dumistansya sa mga babaeng nalilink sa kanya." ani ko.
Bumuntong hininga sila. Lumipat ng upuan si Leon at tumabi sa tabi ko. He hugged me tight. Kinurot ko siya sa tagiliran. "Chansing ka Leon." Tukso ko. binatukan lang ako tapos agad namang hinimas yung ulo ko.
"Di bagay sa'yo ang mag senti mafren. Isa kang amazona diba?" natawa ako. alam kong pinapasaya nila ako. pinapagaan nila ang pakiramdam ko.
Pinilit kong ngumiti pero pinigilan ako ni Hanne. "Oopss! Bawal ngumiti ng peke. Ite'tape namin yang bibig mo." tumawa sila kaya natawa ako.
Agad silang tumahimik ng may pumasok sa cafeteria. Hindi lang mga barkada ko ang natahimik kundi ang lahat ng estudyante na nasa loob ng cafeteria.
Napatingin ako sa may pinto. Sina Chan at Naomi. Sabay na papasok sa cafeteria. Nagtatawanan. Masayang nag uusap.
Nakaramdam ako ng sakit sa bandang dibdib ko sa di malamang dahilan. Sumikip yung dibdib ko at halos hindi na ako makahinga.
Napaisip ako, nung kasama ko si Chan hindi kami ganyan ka'close diba? Halos lagi ko siyang ini'snob. Lagi ko siyang tinatarayan. Hindi kami nagkakausap ng matino. Kaya siguro umiwas na siya sa akin. Kasi boring akong kasama. Boring akong kausap. Samantalang si Naomi, napakalively, hindi boring. Ang daming kwento.
![](https://img.wattpad.com/cover/41685280-288-k622002.jpg)
BINABASA MO ANG
His Promise
Teen FictionHe promised me forever. He promised to love me eternity. He promised me happiness. He promised me the world. Will these promises meant to be fulfilled or meant to be broken? - Sophia Qwerty Kohler VOTE. COMMENT. SHARE. Thank you -Jeiara-