Chapter 41

156 3 0
                                    

Chapter 41

Baby...


Matapos ang mangrove planting nung isang araw eh bumalik na ulit kami sa dati ni Chan. Nagiging makulit na naman siya.


"Later okay? Susunduin na lang kita sa bahay niyo." sabay kaming naglalakad papasok sa last subject namin.


"Magpapahatid na lang ako kay Kuya." Alam ko na naman na ang daan patungo sa kanila.


"No I insist, Qwerty. I will fetch you by 5:30." Ngumuso ako. 4pm matatapos ang klase ko.


Hindi niya ako maihahatid dahil sinabi ni Kuya Luke na siya yung susundo sa akin. Pumasok na kami sa loob at kitang kita ko yung mga ngiti ng mga classmates ko at rinig na rinig ko yung panunukso nila sa amin. Sanay na sanay na kami na ganyan sila.


"Kayo naba?" sigaw ni Candy.


Umiling lang ako at tumawa. Umungol sila. Sinabing grabe daw kong magpakipot ako. Bigyan niyo  ako ng award ha? Best in pakipot! Ang hirap kaya. Char :D


Pagkapasok ng prof ay nag umpisa na siyang mag discuss. Tahimik akong nakikinig at nagsusulat ng mga sinasabi ng prof at nung mga importanteng kelangan I'notes na nakalagay sa powerpoint ng mapansin kong iba yung sinusulat ni Chan sa notebook nito.


Napangiti ako ng makitang nagdo-doodle ito ng pangalan ko. sinundot ko siya sa tagiliran gamit yung ballpen ko. "Pinaggagawa mo jan? kumopya ka kaya?"


Ngumiti lang ito at pinakita yung doodle niya. "Korni." Ani ko. binaling ko ang atensyon ko sa monitor at kumopya ulit.


Nagulat ako ng may bumato sa akin ng papel. Sinamaan ko ng tingin si Chan na kumindat. Pinulot ko yung papel na nalukot at binuksan.


Why so serious, baby? Ang ganda mong tignan habang nangongopya. Mas lalo akong nahuhulog eh

-Chan


Napangiti ako sa nabasa ko. agad akong nagsulat ng reply.


Pay attention to the discussion. Sa prof ka tumingin wag sa akin.


Binato ko sa kanya yung papel. Hindi naman napansin ng professor naming dahil busy siya sa pagbabasa nung nasa powerpoint.


Pinulot ko ulit yung papel ng binato niya ulit ako.


Mas interesting ka kasing tignan eh. Kay prof boring, sa'yo nakakainlove.


Diko na mapigilan ang mapangiti. Sana lang di ako ma call ng attention. Sinundot ako sa tagiliran ni Stacey at bumulong. "nasa klase po tayo. Mamaya na yang landian." Kinagat ko yung labi ko para pigilan ang pagngiti.


Dinismiss na kami at nagsilabasan na sa classroom. Dala dala ni Chan yung libro ko. pinilit ding bitbitin yung bag ko pero hindi ko binigay.

His PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon