Chapter 9

183 3 2
                                    

Chapter 9

Text Message



"Guys! Guys! Nood tayo ng foot ball sa field?" tuwang tuwang yaya sa amin ni Ash.


"Sinong maglalaro?" tanong ko.


"Paulinian Tigers vs. Manhattan Blues." Sagot ni Lexy.



Kasali si Chan sa PTs dahil sa club na sinalihan niya ay sports club at nag member siya sa foot ball team. Dati din daw siyang player ng isang foot ball team noon sa dati niyang school kaya gusto niyang ipagpatuloy yung hobby niya.


"Diba sina kuya Luke yung sa Manhattan Blues?" tanong ni Keso.



Si Kuya Luke ay kapatid ko. 4th year college na din sa Manhattan College siya nag aaral.



"Yep. Tara na icheer natin sina kuya." Tumayo na ako at sinabit yung bag ko sa balikat ko.



"Oh anong tinitingin tingin niyo jan" tumigil ako sa paglalakad at tinignan ko sila na ang sasama ng tingin sa akin.



"naturingan kang mag aaral dito tapos ibang school ichi'cheer mo?" agad akong namula.



Bigla tuloy akong nahiya. 'Sorry naman. Tara na." pero hindi pa rin sila gumagalaw.



Napapikit at napatakip ako sa tenga ko ng sumigaw sila sabay sabay "YUNG TUBIG NI CHANYEOL!!!" tangina naman ! kelangan talaga isigaw?



'At bakit ako bibili? Girlfriend ba ako?" sa halip na sagutin ako ay nakatanggap lang naman ako ng walong batok at sapak sa kanila.



"may bottled water ako dito ! Diko pa naiinuman! Pwedeng ito na lang?" tumango sila at ngumise.



Pagkapasok namin sa field ay doon kami sa may bench nila naupo. Umupo ako sa tabi ni Coach Greg na busy sa pagchi'cheer sa mga player niya. Kakaumpisa pa lang ng laban.



"Hooo! GO PAULINIAN TIGERSSS!" napatingin sa gawi namin si Coach ang ngumise ng malaki. Tsaka siya nag thumbs up.



Sila lang yung sumigaw tahimik lang ako at nanonood ng mabuti.



"Oh my god ang galing nung naka number 61!" narinig kong sigaw nung babae sa taas namin. Gusto ko siyang lingunin pero nakakahiya naman.

His PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon