Chapter 44
I'm stupid
After the mass we headed to the nearest restaurant to have our breakfast. Nag usap usap lang kami. Hindi masyadong nadidikit si Chan sa akin dahil nasa akin ang buong atensyon ni Aly at ng pamilya niya. Patuloy pa rin sila sa pagtatanong at pagkausap sa akin na feeling ko hindi na nag eexist si Chan.
Pagka uwi namin ay agad nag set up sina Tito charm at tita Serene ng paglulutuan ng barbeque. It's their 21st wedding anniversary. At ice'celebrate nila ito kasama ako. kaya naman inimbitahan ako ni Tita Serene.
Habang abala sila pagpe'prepare ng mga handa ay nagdesisyon kaming naghorse back riding. Lilibutan ang malawak na lupain ng pamilya Stevenson dito sa Ilocos. Seems exciting, huh?
"Ate Sophie wear this boots para parehas tayo." Natutuwa talaga sa tuwing ganto si Aly. Like she's treating me as her sister.
"Okay." Sabi ko na lang at sinuot yung boots na para talagang pag cow girl. I am wearing my white long sleeve hem blouse at denim ripped skinny jeans.
"ready ate? Tara na sa labas. Kuya Chan's already waiting for us. And Nikko and Zara is also waiting for us." Nikko and Zara the name of their horse.
Nikko is Chan's and Zara is Aly's. Ang cute lang. Pagkarating namin sa kung nasaan si Chan ay dina naman niya ako tinantanan sa pagtitig nito. Lumapit si ALy sa kanyang alaga. Ako naman kay Chan. Nginitian ko siya. ngumiti din siya. at lumapit. Bumulong. "The weather is hot and you make it hotter." Sinapak ko siya. pinagsasabi ng ungas na'to!
"Kuya are we going to Tatay Loro's mango farm?" tanong ni Aly na nakasakay na sakanyang kabayo habang hawak hawak ng isa sa mga care taker nila ang tali nito.
"Yeah." sagot nito. Binalingan niya ako. "You know how to ride a horse?" namula ako sa tanong nito. Bakit parang ang green ng dating ng tanong niya sa akin?
"I think no? You're afraid?" tanong nito. Tumango ako. he chuckled. "Sumakay ka na. andito lang ako. I'll catch you when you fall. And Nikko knows he's master, right Niks?" Kahit takot na takot ako ay sumakay ako sa kabayo. Pigil pigil ko ang hininga ko habang pasakay ako. at nung makasakay ako gumalaw si Nikko mabuti na lang napakapit ako sa lubid.
"Fuck! Bakit ang ganda mo pag nakasakay ka sa kabayo?" namula ako sa sinabi ni Chan.
"Kuya! Ang tagal niyo! Mamaya na ang landian! Tara na!" sigaw ni Aly na nag uumpisa ng tumakbo ang kabayo nito
Umiling si Chan at sumakay na sa kabayo na sinasakyan ko. like seriously? Kaming dalawa dito? hindi ba mahihirapan si Niks? "I don't want you riding alone. I don't trust Nikko. And knowing you hindi ka pa naman marunong. So think of it as a reward. Horseback riding with your crush." Kinurot ko siya.
Reward. Reward! Crush! Crush! Kapal niya ha! Natawa lang siya. pinabayaan ko na. hindi ako makapagsalita. Hindi ako makagalaw. Hindi ko pa na absorb na sobrang lapit niya sa akin. Na itong sobrang lapit namin sa isa't isa ay nagbibigay ng saya sa akin. Na para bang lumulutang ako. ramdam ko ang kanyang paghinga. Ramdam ko ang init ng kanyang hininga. napatayo ang mga balahibo ko sa batok. Gusto kong mangisay sa kilig. Gusto kong sumigaw na mahal na mahal ako ng taong sobrang gwapo at bait. Kinagat ko ang labi ko upang pigilan ang aking pag ngiti.
BINABASA MO ANG
His Promise
Teen FictionHe promised me forever. He promised to love me eternity. He promised me happiness. He promised me the world. Will these promises meant to be fulfilled or meant to be broken? - Sophia Qwerty Kohler VOTE. COMMENT. SHARE. Thank you -Jeiara-