Chapter 40

143 3 0
                                    

Chapter 40

Ikaw lang


"Guys selfie!" dali dali naman kaming nagkumpulan at nakisali sa group selfie ng magtawag si Candy.


Naramdaman ko yung braso ni Chan sa balikat ko. hindi ko na lang iyon pinansin at ngumiti sa camera. After ng mangrove planting ay naupo kami sa cottage na nireserve para sa amin.


Uminom ako ng tubig at hinintay na matapos sa paghuhugas yung mga kasamahan ko.


Napatingin ako kay Chan na may dalang isang malaking bote na naglalaman ng tubig. "Here, kumuha ako ng tubig panlinis mo." Aniya tsaka nilapag sa tabi ko yung bote.


Tinignan ko lang siya na nakatayo sa harapan ko. hindi ko pa rin kasi siya pinapansin. Ng siguro alam niyang di ako kikilos eh kinuha na niya yung bote. Akala ko aalis na siya pero nagulat ako ng buksan niya ito at siya na mismo yung maghugas ng marumi kong paa at braso. Sobra sobra ang pagpipigil at pagpapakalma sa sarili ko para lang di nya mahalatang nagha hyperventilate ako.


Naramdaman ko yung pagpula ng buong mukha ko at pagtitig ng mga kasama namin. Tumayo siya at pinantay yung level ng mukha namin. Binasa niya yung panyo niya at pinunasan ang dumi sa mukha ko.


"I don't know why you're acting cold to me. I wanted to know why. Did I do something wrong? Qwerty, please tell me." pagsusumamo nito habang magkalevel pa rin ang mukha namin.


Tumingin ako sa ibang direksyon pero hinawakan niya yung chin ko para ipaharap sa kanya.


"C-chan." Nauubusan ako ng hininga.


"It's okay. Wala naman akong karapatan para magreklamo sa treatment mo eh. I just don't want you getting mad at me." aniya. Tumayo na ito at umalis sa pwesto ko. pumunta sa kabilang cottage kung nasaan ang mga barkada ko.


I'm jealous! I wanted to shout! I wanted to say it. But I don't have the guts to say it. And I don't have the right to feel jealous. He's not mine. Nililigawan pa lang niya ako. hindi pa akin ng buo ang puso niya. at kahit maging kami man hindi ko pa rin pagmamay ari ng buo ang puso niya.


"Hoy ano bang problema mo? LQ ata kayo ni Chan?" kinurot ako ni Hanne sa tagiliran kaya napatalon ako.


Napabuntong hininga ako at pinagpatuloy ang pagtingin sa kawalan. "Wag ka ngang pabebe jan!" sinamaan ko ng tingin si Kit. Sinapak siya ni Stacey kaya napanguso si Kit.


"Anong oras ba daw tayo uuwi?" tanong ko sa kanila.


Nagshrugged lang sila. Tumayo na ako at nagdesisyong mag stay muna sa van. Pumasok ako sa van. Mabuti na lang walang tao. Naki usap ako kay Kuya driver na buksan yung aircon at kelangan kong mag stay sa loob dahil feeling ko nilalagnat ako. mabuti na lang nauto ko siya.


I searched for my itouch at plinay yung kaninang plinay ni Chan. Feeling ko tuloy favorite song ko na ito. Hindi ko nga alam na meron ito sa playlist ko eh. Hindi kasi palaging naipe play. Diko nga alam kung sinong naglagay ng kantang ito dito eh. pumikit ako para magrelax ng unti yung utak ko.


"Qwerty..." tawag ni Chan. Kahit hindi ko pa nililingon kung sino yung tumawag sa akin e alam ko na kung sino ito. Siya lang naman yung tumatawag sa akin sa second name ko at kilala ko na din ang boses niya.


Nilingon ko siya. nasa may pintuan siya at kitang kita ko yung lungkot sa mukha nito. Hindi ito pumasok, nanatili lang siya sa labas.


"Here, eat this. I don't want you starve yourself." Nilapag ang isang plato'ng punong puno ng ulam sa may upuan sa tabi ko. At isang bottled water.


"Bakit dika pa pumasok? Tanghaling tapat oh. Dika ba naiinitan?"


"I don't want to be near you when you're mad at Me." aniya.


Biglang kinurot yung puso ko sa nakita ko kung gaano kalungkot yung ekspresyon ng mukha niya. kinuha ko yung plato at tinignan ulit siya. "Uh. K-kumain ka na?" nag aalala din kasi ako baka dipa siya kumakain.


Tumango ito at pinilit ngumiti. "Chan wag ka ngang pasaway. Get inside. Tirik na tirik ang araw oh." Pinipigil ko ang sarili ko na wag mag taas ng boses.


Ngumuso ito pilit pinipigilan ang pagngiti. "Tell me first why you're acting cold to me." aniya.


Ay bahala siya jan. ayokong sabihin na nagselos ako nung nilapitan niya si Naomi noong nadapa ito. Ayokong ipaalam na nainis ako sa inasal niya. like duh? Hindi lang siya yung lalaki sa loob ng cafeteria sa mga oras nayun. Bakit hindi na lang niya ito pinabayaan? Sounds bitch right?


"Then, I'll stay here instead?" nakanguso pa rin ito.


Diko tuloy alam kong sasabihin ko ba sa kanya o ano. "I'm not mad. Mood swings." Sagot ko.


Pero di parin siya natitinag. Nanatili lang siya sa labas habang naiinitan. "I'm not convinced."


Okay. Bahala ka talaga jan. "Is it hard for you to admit that you're jealous?" automatikong nag angat ako ng tingin at tinignan siya ng masama.


"I-I'm not jealous! Why would I? Kanino naman ako magseselos?" depensa ko


Nakita kong naglaro ang isang ngiti sa labi nito. "You're jealous. You got jealous when I helped Naomi. Kelangan ko pa bang buksan yung puso ko para makita mo kung sino talaga yung laman nito?" lumapit ito sa akin at hinawakan ako sa pisngi.


Ramdam ko yung mainit nitong palad. Nakukuryente ako. nakikiliti ako. "Wag kang magselos. She's nothing compare to you, baby. Ikaw. Lang. Ang. Laman. Nito. Ikaw lang." sabay turo nito sa may bandang dibdib niya.


--

His PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon