Chapter 1
His Stares
Dito din kami sa Coffee break bumagsak. Umupo ako sa tabi ni Leon at sinandal yung ulo ko sa balikat niya. sanay na din siyang ganun ako. pati yung iba. Si Kit nasa kabilang side nakayakap kay Leon. Mabuti na lang hindi nagte-take advantage itong si Leon.
"Guys anong gusto niyo?" sigaw ni Ash sa baba. Kahit kelan maingay talaga tong babaeng to.
"frozen milktea cookies and cream flavor at nachos w/ toppings sa akin." Sabi ko. at yung iba kanya kanyang order na din.
Naramdaman ko na naman yung paninitig ni Chan sa akin. Nasa may kabilang sofa kasi siya. Bigla akong napaayos ng upo sa diko malamang dahilan. Ako lang ba ganito ang naiisip at nafi-feel sa taong ito? Bakit parang nawiwierduhan ako?
"Hoy Sophie! Tulala ka jan?" nabalik ako sa katinuan nung tawagin ako ni Hanne. Nakangise ito.
"naglilibot sa outer space utak ko. manahimik ka jan." inirapan ko siya.
"Boba! Nasa outer space o ano?" nakita kong nag smirk ang loka.
Manahimik ka jan! may bago! Gaga to!
Mabuti na lang at nandito kami s asecond floor. Pwede kaming humihga sa may carpet. At feel na feel atalaga yung good ambiance dito.
"OMG Sophie marami na namang bagong labas na book sa NBS. Bili tayo later?" Singit ni Keso tsaka umupo sa harapan ko.
"Ano ba Dell! Wag kang maharot." Napasulyap ako sa dalawang katabi ko na naghaharutan. Actually si Kit lang yung nanghaharot. Binaling ko kay Keso ulit yung atensyon ko.
"Wala akong pera. Pwedeng sa Saturday? Start pa lang ng class bili na agad?" ani ko. Keso rolled her eyes. Natawa namana ko dun.
"Itong dalawang ito talaga puro libro." Sabat ni Hanne.
"Si Hanne talaga puro boyfriend! baka magsawa ka jan?" pambabara ko. at dahil uso sa amin ang irapan inirapan niya ako.
"Hoy Roma, tahimik ulit? Magingay ka naman beh!" kahit kelan talaga tahimik itong babaeng ito. Magtatatlong taon na namin siyang kabarkada pero tahimik parin diman lang naimpluwensyahan sa kaingayan namin.
"Tadaaaa!" nilapag nina Ash yung mga orders namin at dahil parang patay gutom mga kasamahan ko eh ayun kinuha na yung kani-kaniyang order nila.
"Hey Chanyeol, pasensya ka na sa amin ah? Mukhang naa'awkwardan ka pa. Nakuuu mag FC ka na lang sa amin. Mga makakapal kasi mukha namin." Ani Hanne.
Dahil isa ako s alaging bumabara sumabad ulit ako "Ikaw lang makapal mukha. excuse ako dun." Binatukan ako ni Ash.
BINABASA MO ANG
His Promise
Teen FictionHe promised me forever. He promised to love me eternity. He promised me happiness. He promised me the world. Will these promises meant to be fulfilled or meant to be broken? - Sophia Qwerty Kohler VOTE. COMMENT. SHARE. Thank you -Jeiara-