Chapter 25

139 3 0
                                    

Chapter 25

Star


"Hoy Sophie! Ano yung nakita namin kahapon? Sino yung lalaking sumundo sayo? Dika na din pumasok! Boyfriend mo?" parang nanay kung makapagtanong si Hanne.


Pinandilatan ko sila. Boyfriend?


"He's Gavin. Kuya Luke's teammate. And he's not my boyfriend." sagot ko.


Umupo kami sa may benches dito sa eco park. Tinukod ko yung dalawa kong siko sa lamesa at ngumuso.


"Did you see Chan?" napatingin silang lahat sa akin. Nakangiti ng nakakaloko.


Umirap ako. "Hinahanap mo na siya ngayon?" umayos ako ng upo at nag buntong hininga.


Gusto ko lang tanungin sa personal kung siya ba yung nagtetext sa akin. Dahil matagal na itong bumabagabag sa isipan ko.


"He's with her." Ani Kit sabay tingin sa quadrangle kung saan sabay silang naglalakad.


He's with her. Sinundo niya si Naomi? Anong meron sa dalawang yun? Are they really dating? Bakit walang sinasabi si Chan sa akin? Eh sino ba naman ako para pagsabihan niya diba? I'm not his bestfriend. Kahit ang tingin ng iba best friend ko siya o manliligaw alam naming dalawa na wala sa dalawang iyon ang totoo.


"Malandi 'tong si Chan. Pagkatapos sa'yo nag jump naman siya dun sa mas bata!" naiinis na sabi ni Stacey. Sabay lukot nung papel na sinusulatan niya kanina.


Pinigilan kong wag silang tignan dahil kanina pa ako nakakaramdam ng di maipaliwanag na sakit dito sa may bandang dibdib ko. naiinis ako! gusto ko silang sigawan! Pero wala akong karapatan! ANong karapatan ko? WALA!


Naramdaman kong may pumatong na kamay sa kamay ko. "Tara resbakan na natin?" tumatawa si Kit habang sinasabi iyon.


Natawa na lang ako kahit na alam kong pilit iyon. "T-tara na? Time na." aya ko sa kanila. Agad naman na silang tumayo at nagtungo kaming classroom.


Pagkarating namin sa loob ng classroom eh nag hanap kami agad ng pwesto namin. Pumuwesto kami sa may tabi ng bintana. Mas malamig. Pagkaupo ko ay naramdaman kong may lumapit sa akin at umupo sa uupuan sana ni Stacey.


"Qwerty..." pagkarinig ko yun ay agad akong lumingon.


I met his gaze. I saw sadness in his eyes. Bakit siya malungkot? Ay baka guni guni ko lang iyon.


"Oh b-bakit?" I tried to sound normal. Pinilit kong ngumiti. Kalma lang Sophie!


Sa halip na sagutin ako ay may nilagay siyang kapirasong papel na nakatupi sa lamesa ng upuan ko. Nagtatakang napatingin ako dito. binalik ko yung tingin ko Kay Chan na tumayo na at umalis. Kinuha ko yung papel at binasa yung nakasulat.


Can we talk later? Eco park. After class. Please?


Okay. Pupunta ba ako? wala namang dahilan para di ako pumunta diba? Osiya pupunta na nga lang ako.


Mabilis na natapos ang klase. Nagpaalam ako sa mga kaibigan kong pupunta lang akong eco park. Pupunta kasi sila ngayon sa isang bagong bukas na fast food chain at sinabing hintayin na lang nila ako dun.


Pagkarating ko dun aya agad kong namataan si Chan na nakaupo. Ng makita niya ako ay agad siya ngumiti.


Nanginginig ang tuhod kong lumapit sa kanya.


"Hi." Bati ko bago ako umupo. Dahil pag hindi pa ako umupo ay baka sa sahig na ako mapaupo.


"Hello." Aniya.


Binalot kami ng katahimikan. Walang masyadong tumatambay ngayon kasi lunch break na din ng ilang estudyante.


"Ano yung pag uusapan pala natin?" pagbubukas ko ng topiko. Ito naman yung dahilan ba't ako pumunta dito eh. dahil sabi niya sa sulat eh may paguusapan kami.


"Here." May inabot itong isang box.


Nagtatakang kinuha ko iyon at pinagmasdan. Nag aalinlangan kong bubuksan ba o ano. Sa huli binuksan ko din. Halos mapasigaw ako ng makitang isang kwintas ang nakalagay sa box. Isang silver necklace na ang pendant ay isang maliit na star.


"P-para saan to?" halos pabulong na tanong ko.


Tinignan ko siya. I saw him smiling. "It's my gift. Tomorrow is your birthday." Aniya. Hindi ako makapagsalita.


He knows my fuckin' birthday! Eh ako? alam ko ba kong kelan birthday niya? Pero bakit ang advance naman ata?


Tumayo siya at pumunta sa likod ko. inayos niya yung buhok ko at nilagay sa iisang side. Sa simpleng pagdampi ng kanyang palad sa leeg ko ay nagbigay ng kakaibang sensasyon sa sistema ko. hindi ko mapigilang pamulahan ng pisngi. Naramdaman ko na naman ang pagbilis ng pintig ng puso ko. Kinuha niya yung kwintas. Naramdaman ko na lang na nasa leeg ko na yung kwintas ng makaramdam ako ng malamig na metal sa leeg ko.


"You like it?" bulong niya sa tenga ko. agad nagsitayuan yung mga balahibo ko. tangina niya lang ha! Uupakan ko na talaga siya!


Bumalik na siya sa pwesto niya kanina na ngiting ngiti. Napatingin ako sa suot kong kwintas na regalo niya.


"T-thank you. P-pero ba't ang aga? P-pwede namang bukas?" Nahihiyang sabi ko.


Tinignan ko siya ng bumuntong hininga siya. "I can't make it tomorrow." Aniya.


Naging malungkot yung ekspresyon ng mukha niya. so busy siya bukas? Di siya makakapasok or di siya makakapuntang bahay para makipag celebrate ng birthday ko?


Pinilit kong ngumiti. "Ahh g-ganun ba? Sige n-naiintindihan kita." Ani ko. hinawakan ko yung pendant ng kwintas at napangiti.


Tatayo na sana siya ng hawakan ko yung braso niya dahilan para mapatalon siya. naramdaman ko na naman yung kuryenteng dumaloy sa mga ugat ko. yung pagwawala ng mga alaga ko sa tiyan ko. yung maingay na pagkalabog ng puso ko.



"T-thank you, Chan." Isang totoong ngiti ang binigay ko sa kanya tsaka siya binitawan.



--

His PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon