Chapter 43
His Promise
Naalimpungatan ako nung may maramdaman akong nakatitig sa akin. Pagmulat ko mukha ni Chan ang bumungad sa akin. "Good Morning, baby" isang ngiti ng anghel ang bumungad sa akin. Sa gulat ko ay bigla akong napabangon at nagkaumpugan kami.
"Aray!" napahawak ako sa noo ko.
"Okay ka lang?" hinaplos ni Chan yung noo ko. Jusko naman! Umagang umaga naghuhuramentado na naman ang sistema ko. Chan's effect!
Tumango na lang ako. Hindi ko siya matignan sa mata. Bukod sa nahihiya ako kasi bagong gising palang ako at baka may muta ako eh nakukuryente ako sa titig nito. Hinuli niya yung tingin ko. Napalunok ako nung makita ko kung paano niya ako tignan. Tila kumikinang ang brown nitong mga mata.
"Uh! L-labas na ako. Baka mamaya makita pa ako ni Tita Serene o Aly dito. Pag isipan pa tayo ng masama. By the way, Thank you, Chan." Sabi ko bago ako lumabas ng kwarto niya. mabuti na lang at alas sais palang ng umaga at alam kong himbing na himbing pa sa tulog si Aly. Sina Tita Serene ay nasa second floor ang kwarto kaya malayong mapadpad yun dito ng ganito kaaga.
Pagpasok ko ng guest room ay agad akong umupo sa gilid ng kama. Inalala yung kagagahang ginawa ko kagabi. Pag talaga ako natatakot o natataranta na ay diko na talaga kayang magi sip ng matino. Totoo bang niyakap ko kagabi si Chan? Nakitulog sa kwarto niya? Argh! Nakakahiya talaga!
Nagtungo akong banyo para maghilamos at magmumog. Palabas na ako ng banyo ng makarinig ako ng katok. Pinagbuksan ko iyon. "Hi ate Sophie! Good Morning! Dika pa bihis?" nagtatakang tinignan ako.
Tinignan ko din siya. Nakabihis ito at halatang may pupuntahan. "Don't tell me kuya didn't inform you? OhGod! Today is Sunday and we'll attend mass. Bihis na ate. Ahh wait." Aniya tsaka umalis sa harap ko. nagmamadaling pumasok ito sa kwarto niya.
Isasara ko nasana ulit yung pinto para makapagayos na din ng hinihingal itong pumasok sa kwarto. "Here! Wear this ate." Pinakita yung dress na pinasuot niya sa akin kahapon.
Seriously? Ipapasuot niya sa akin yung dress? Eh sa simula nagkaisip ako diko namalayang nagsuot ako ng dress na pumasok sa simbahan. Puso jeans and t shirt lang. hindi ako nagsusuot ng dress. Hindi ako sanay!
"Please?" okay wala na akong nagawa. Nagpa cute na naman ang batang to.
Pumasok na ako sa loob ng banyo at naligo. After kong maligo ay lumabas na ako. wala na sa loob si Aly. Nakita ko yung dress na nakasabit sa hawakan sa isang closet dito. napangiti ako. first time kong mag suot ng dress. Sana naman maidala ko.
sinuot ko na iyon. Nag ayos ng buhok at naglagay ng kunting pulbo sa mukha. Hinalughog ko yung bag na dala ko naghahanap ng sapatos na maibabagay sa damit ko. Diko nadala yung doll shoes ko. Eh sa hindi naman kasi ako pupunta sa ibang bansa para magdala ng napakaraming sapatos eh. Yung rubber shoes ko lang yung dala ko.
Pasalamapak akong naupo sa kama. Biglang may kumatok kaya lumapit ako sa pintuan at pinagbuksan iyon. Nakangiting pumasok si Aly at pinakita sa akin ang kulay white nitong doll shoes. "I know wala kang dalang sapatos na maibabagay sa dress ate. Eto oh. Wear it." Hiyang hiya na talaga ako.
BINABASA MO ANG
His Promise
Teen FictionHe promised me forever. He promised to love me eternity. He promised me happiness. He promised me the world. Will these promises meant to be fulfilled or meant to be broken? - Sophia Qwerty Kohler VOTE. COMMENT. SHARE. Thank you -Jeiara-