Chapter 37

165 2 0
                                    

Chapter 37

Holding Hands


Katatapos lang ng midterm exam, at kunting kembot na lang matatapos na din ang finals. Semestrial break na ang next. Makakabonding ko na naman ang kama ko ng matagal tagal.


Busy sa pagpaplano yung mga classmates ko kung saan sila magpapalipas ng oras sa sembreak. Mayayaman talaga tong mga to. May ibang nagbabalak na pupuntang Baguio. O edi sila na rich kid.


Napatingin ako sa mga kaibigan kong kalalabas lang ng classroom. Tagal kasi nilang mag ayos ng gamit eh. Usap ng usap.


"Excited naman itong si Sophie umuwi." Inirapan ko sila. Inayos ko yung pagkakasabit ng bag ko sa balikat ko at niyakap yung folder na hawak ko.


"Coffee break?" aya ni Keso.


Sabay sabay kaming umiling. "Nagtitipid kami, Keso!" inirapan siya ni Kit.


Umirap din siya. "Hi guys." Tumahimik kami ng lumapit si Chan.


Sinabi ni Chan sa kanila ang totoo. Sinabi niyang hindi niya girlfriend si Naomi. At hindi siya ito niligawan. Pinakiramdaman ko sila.


"Hi Chan." Anila. Ako lang yung tumahimik.


Hindi ko siya binalingan nanatiling sa iba ang tingin ko. natahimik ulit sila. Ramdam ko yung paninitig nila sa akin kaya napatingin ako sa kanila.


Nakatingin si Chan sa akin "Mom wants to see you. She misses you na daw. Pwede ka sa sabado?" napatingin ako sa barkada.


Nakangiti sila. Siguro na'awkwardan lang sila. Hindi pa nila alam na may gusto sa akin si Chan. Yung pagsabing wala silang relasyon ni Naomi lang ang sinabi niya.


"I'll see. Baka kasi di ako payagan ni Ma-


"I already texted Tita Michelle. She agreed." Laglag ang panga ko.


Pumayag si Mama? Seryoso? Anong palusot ang sinabi nito?


"So okay na kayo? Oyy! Pakipot pa itong si Sophie." Sinamaan ko ng tingin si Kit na siyang nag umpisa na naman ng kung ano anong kaek ekan.


"E-exit na kami. Byeee!" umalis na nga sila.


Naiwan kaming dalawa sa gitna ng mainit na quadrangle. Lumapit ito para mapayong'an ako. Geez!  We're capturing attentions here. Nasa gitna kami ng quadrangle. Naka payong. Kaming dalawa lang.


"Anong pinalusot mo kay Mama? Ba't siya pumayag?"


"I told her that Mom wants to see you. At sinabi ko na ding mag over night ka dun." Ano? Nalaglag ulit yung panga ko.


Seryoso ba siya? nakakasigurado ba itong papayag ako?


"Hindi pwedeng dika papayag Qwerty. Kundi sa bahay niyo ako matutulog. Sa tabi mo." sinapak ko siya.


Naramdaman ko tuloy yung pagpula ng pisngi ko. "You're blushing! Geez! Stop blushing. I can't help but to fall, deeper, Qwerty." Napakagat tuloy ako ng labi ko para iwasan ang mapangiti.


"Now you're biting your lips. Are you seducing me? Pag ako di nagpigil, hahalikan na talaga kita." Napatakip ako sa bibig ko at mas lalong namula.


He chuckled. Ginulo nya yung buhok ko tsaka inayos ulit. He tucked my hair at the back of my ears. "Forgive me, Qwerty. Kung sa una natakot ako. pero ngayon, sinisigurado ko na. I will risk everything. Hindi ko na iisipin kong mareject man ako. Ang mahalaga pinakita at pinaramdam ko sa'yo yung pagmamahal ko." aniya. Tinignan ako ng seryoso sa mata.


Napalunok ako. nangatog bigla yung tuhod ko. Nag umpisa na namang magkarerahan ang mga kabayo sa puso ko. "I will court you. That's a statement. Liligawan kita, whether you don't like it or you don't like it." Kumindat pa ito sa akin.


Napanganga ako. hinawakan niya yung chin ko at tinikom yung bibig ko. "Baka makalimutan kong nanliligaw pa lang ako." aniya. Namula ulit ako. alam ko yung ibig niyang sabihin. Baka nakakalimutan niyang diko pa siya sinasagot eh baka halikan niya na ako. Weh? Baka naman assuming na naman ako?


"Stop blushing, Qwerty." Natawa ako. nakita ko kasing namula yung tenga niya.


Hinawakan niya yung magkabilang balikat ko at pinatalikod. Tumabi siya sa akin at kinuha yung nakasabit kong bag. "Kain na tayo. Gutom na ako eh." aniya tsaka nag martsa na. nakisabay na din ako.


Ngayon sabay kaming naglalakad, nakasilong sa iisang payong. Maraming estudyante ang napapatingin sa amin. Nagtataka. Kasi noon ako yung laging kasama then nag jump kay Naomi then ngayon ako na naman. Nagmukha tuloy itong playboy sa tingin ng iba.


Napatalon ako ng maramdaman kong hinawakan niya yung kamay ko. napatingin ako sa kanya pero naka ngiti lang ito habang diretso ang tingin. Palihim akong napangiti.


Ganito ba yung ginagawa pag nanliligaw at nagpapaligaw? May holding hands na? naranasan ko namang maligawan dati. Pero hindi ganito. Masyadong malandi si Chan. >_< Yung pakiramdam na ibang iba ito sa dati. Okay I stop comparing na. pero kasi kakaiba ito eh. mas kinikilig ako ng todo sa nangyayari ngayon.


--

His PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon