Chapter 48
Nakakalasing
"Saan ba kasi tayo pupunta? Ang sabi ko kay Mama kanina maaga akong uuwi dahil wala naman tayong laboratory ngayon. Saan mo ako balak dalhin?" tanong ko kay Chan ng makapasok na kami sa loob ng sasakyan niya at sinimulan na niya itong andarin.
"Sa lugar kung saan masosolo kita baby." ugh! Anjan na naman siya sa baby niya. Kelan ba ako masasanay nito?
Inis na hinarap ko siya. Nakatutok ang mga tingin nito sa daanan habang ngiting ngiti.
"Chan naman! Baka pagalitan ako ni Mama!" agad kong nilabas yung phone ko. Nagdadalawang isip kong itetext ko ba siya at sasabihing kasama ko si Chan ngayon o wag na lang at magdadahilan na biglaang nagkaroon kami ng laboratory? Kasi naman paniguradong pagagalitan ako nun pag nalaman niyang kasama ko si Chan. Baka isipin nun puro paglalandi na lang ang alam ko.
"Don't worry, I already texted tita. Pinagpaalam na kita na kasama mo ako baby." sabay sulyap sa akin at binigay ang sobrang sweet na ngiti. Automatikong umikot ang aking mga mata. Anong droga na naman ang hinithit ng kumag na ito?
Anong pinakain nito kay Mama at ayos lang sa kanya na kasama ko si Chan? Sasabihing okay tapos mamaya pag uwi ko makakrinig na naman ako ng sermon. Kahit hindi lingo nakakarinig ako ng sermon.
"Malakas talaga ako kay Tita. Botong boto iyon sa akin para sa'yo baby eh. Kaya wala ka ng magagawa kung ipapakasal ka nun sa akin. Akin ka lang. Tamang panahon na lang ang hihintayin natin." napairap ulit ako.
Kung anong espiritu man ang sumapi kay Chan eh sana umalis nayon ngayon. Ako yung natatakot sa lalaking ito.
"Saan ba kasi tayo?" pangungulit ko. napakamot ito sa ulo.
"Kulit mo! Secret nga kasi! Basta sa lugar na masosolo kita." aniya sabay ngise sakin
"May pasecret secret pa, malalaman ko din naman mamaya! Ewan ko sa'yo." inirapan ko siya
"Kaya nga secret kasi walang lihim na di nabubunyag baby e!" okay korni now!
"Andito na tayo." Nilibot ko ang tingin ko sa labas.
Nasa isang tapat kami ng mansion. Okay! Sa kanila na naman ba ito? Ilang mansion ba ang meron ang mga Stevenson?
"Kaninong mansion to? Sa inyo?" di makapniwalang tanong ko.
Hindi ako nakarinig ng sagot kay Chan kaya nilingon ko siya. Isang malawak na ngiti ang nakadisplay sa mukha nito. "Chan!" bigla siyang tumawa ng mahina.
"Family house. Tara meet my Mamita." Aniya tsaka bumaba na ng sasakyan.
![](https://img.wattpad.com/cover/41685280-288-k622002.jpg)
BINABASA MO ANG
His Promise
Teen FictionHe promised me forever. He promised to love me eternity. He promised me happiness. He promised me the world. Will these promises meant to be fulfilled or meant to be broken? - Sophia Qwerty Kohler VOTE. COMMENT. SHARE. Thank you -Jeiara-