Chapter 47
A moment of silent please...
"Diba sabi kong hintayin mo ako at susunduin kita? Eh bakit wala ka sa bahay niyo kanina at nauna ka ng pumasok?" ayan ang pambungad na tanong ni Chan pagkapasok sa classroom.
Napa'pout ako. "May kinailangan lang akong tapusin kaya napaaga ako." sagot ko. nanatili pa rin siyang nakatayo sa tabi ko.
"Ano yun baby?" ugh! Naiirita talaga ako pag tinatawag niya akong baby. Hindi nga kasi ako sanay!
"Yung assignment natin sa Sociology, hindi ko kasi nagawa kagabi." Sagot ko.
Umupo ito sa tabi ko at may nilabas sa bag niya. nilapag nito ang isang papel na may sulat. "Sinabi ko naman sayo kagabing nakagawa na ako ng assignment natin. Hindi ka talaga naniniwala sa akin no baby? Awts ha." Namula ako.
Tinitigan ko yung papel. Nahiya naman ang penmanship ko sa kanya. Yung akin mas pangit pa sa sulat ng doctor eh siya parang sulat babae.
"eh kasi nakakahiya eh." bigla niyang pinanggigilan ang magkabilang pisngi ko. kaya napamura ako.
"Alright!' masayang ani niya before he gave me a quick peck on the lips. Napanguso ako sa inasta nito. Nilibot ang tingin sa paligid baka may nakakita. Mabigyan pa kami ng disciplinary sanction.
"Pervert ka talaga." ngumuso ako.
Tumawa ito ng mahina. "Anong pervert? Eh pinarusahan lang naman kita dahil nilabag mo yung rule ko." hindi pa rin mawala sa labi nito yung ngiti.
"malandi." Sabi ko ulit. Siya naman ang ngumuso
"Hindi naman yung landi eh. Lambing yun, baby." Okay fine. Tinawag na naman niya akong baby. Ugh!
"Hindi ka pa ba sanay sa baby, baby? O baka naman kinikilig ka niyan?" sinamaan ko siya ng tingin.
"Oo na kinikilig na ako. Ano? Happy now?" tumawa siya kaya mas lalo akong nairita kasi mas lalo akong naiinlove sa ngiti ng gagong to.
"Super, baby. Ang saya saya ko kasi akin ka. Kasi mahal mo ako. Yieh. Kinilig siya. Hahaha" okay. Nagkaroon pa ako ng boyfriend na parang takas sa mental.
"A moment of silent please for this two early birds dating inside the classroom." Agad kaming napalingon ng marinig naming pareho yung familiar na boses nung guidance counselor n gaming school. Napakagat ako ng labi ko. nakangise si Miss habang palapit ito sa amin. May hawak na papel at ballpen. May sinulat siya tsaka iyon inabot sa amin.
"Next time don't be caught." Aniya tsaka lumabas ng classroom.
First time in history na mabigyan ako ng pinaka ayaw kong papel. Dahil pa sa 'PDA' na yan!
"Anong nginingiti ngiti mo jan?" inis na baling k okay Chan kasi parang tanga na nakangiti habang tinigtignan yung papel. Agad na lumipat ang tingin sa akin. Agad akong napalunok nung magtagpo an gaming mga mata. Kumikinang ang light brown nitong mga mata. Nilapit nito ang mukha sa akin ng unti unti hanggang saw ala ng space. Saglit na tumigil ang pagtibok ng puso ko ng magdampi ang aming mga labi.
"CHAN!" agad akong humiwalay at tinuro yung hawak kong papel. Reminding him that we already have one and must obey the rule.
"I told you baby, I don't care about the rules when it comes to you." Aniya ng nakangise sabay dampi ulit ng kanyang labi sa labi ko tsaka tumakbo palabas.
Nalukot ko ang papel sa inis at kilig.
--
Sorry for the slow update and for the long wait. I've been very busy this past days. I hope you like the update today. I'll try to be active again. VOTE. COMMENT. SHARE. Thank you for waiting and reading.
BINABASA MO ANG
His Promise
Teen FictionHe promised me forever. He promised to love me eternity. He promised me happiness. He promised me the world. Will these promises meant to be fulfilled or meant to be broken? - Sophia Qwerty Kohler VOTE. COMMENT. SHARE. Thank you -Jeiara-
