Chapter 10
Injured
Agad akong lumapit kay Tripp isa sa mga ka team mate ni Chan. Mag aalas nuwebe na kasi pero wala pa rin siya.
"Oh Sophie? Bakit?" inunahan na niya ako kasi naman siguro nagtataka siya at first time na lumapit ako sa kanya.
"Si Chan?" yun agad ang unang lumabas sa bibig ko.
Agad siyang ngumise. "On the way na daw. Bakit dimo itext?"malaki pa rin ang ngise nito.
"wala akong number niya eh. Uh. Sige. Salamat." Pagtalikod ko sakto namang pababa si Chan sa sasakyan niya na pipilay pilay.
Bigla siyang huminto nung makita niya akong nakatingin sa kanya. I saw sadness in his eyes. Huh? Bakit naman? Siguro dahil sa napilay siya. Nilingon ko si Tripp na nasa likod ko at tinapik siya sa balikat bago ako lumapit kay Chan.
"Anong nangyari?" nag aalalang tanong ko.
Tinignan lang niya ako bago ito nag iwas ng tingin. "O-oyy tinatanong kita. Anong nangyari? Dahil ba sa game kahapon?" tanong ko ulit.
Akmang lalakad na sana siya ng muntikan ng siyang matumba. mabuti na lang at agad ko siya nasalo. Okay. Ang bigat niya.
Ayan na naman yung puso ko. hindi na naman mapakali. Naramdaman ko rin yung mabibilis na kabog ng dibdib niya kaya agad akong lumayo sa kanya at tinulungan na tumayo ng maayos.
"Let's go. Ako naman ang magiging saklay mo." nakangiting sabi ko tsaka siya inalalayan.
Di siya nagreklamo pero tahimik lang ito. Nakakapagtaka tuloy. Dati rati kinakausap naman ako. epekto ba ng pagka injured niya?
Pumasok kami sa classroom at lahat sila nakatingin sa amin. Nakangisi. Pagkaupo niya aalis na sana ako ng hawakan niya yung braso ko kaya napatingin ako ulit sa kanya.
"Stay. Please?" bulong nito. Ayokong lingunin yung mga classmates ko dahil panigurado isang nakakalokong ngiti at tingin na naman ang makikita ko kaya yumuko na lang ako at umupo sa tabi niya.
Tahimik lang kami hanggang sa dumating yung guro. Nasa likuran namin ang barkada ko at tahimik din sila. Panigurado tutuksuin na naman nila ako mamaya.
"Chanyeol is your foot okay na? I heard what happened yesterday?" bakas sa mukha ng aming prof. ang pagaalala.
"Medyo okay na yan ma'am." Sigaw ni Tripp. Nilingon ko siya at kumindat pa ito sa akin.
Nagingay ang klase at agad naman silang pinatahimik ni ma'am. Ang awkward nga eh, kaming dalawa lang ni Chan sa harap. Magkatabi pa.
"Masakit ba?" pabulong na tanong ko. Para kasing di siya mapakali sa pagkaka upo eh. malamang masakit yun, eh ako nga halos isang linggong pipilay pilay noon eh.
"Nope." Sagot nito. Nakatingin lang siya sa baba kaya napatingin ako dun at pilit inaabot ng isa niya paa yung nahulog nitong ballpen. Hindi ko na siya hinintay pa na ipaabot sa akin, kusa na akong yumuko at pinulot yung ballpen tsaka inabot sa kanya.
"Uh thanks." Iniiwasan mo akong kausap? Tss. anong problema ng lalaking to?
After ng klase ay break time namin. Mga 1 hour din tapos may next subject pa and then wala na. half day lang kami ngayon.
"Uh Sophie sama ka? Punta kaming Teaza?" tanong ni Hanne.
Wala akong makitang bakas ng pagngise sa kanila. Siguro nag aalala din sila kay Chan.
Umiling ako at nilingon si Chan na nakaupo pa rin doon.
"kelangan ako ni Chan."sagot ko na dahilan para mapalingon sa akin si Chan. Nginitian ko siya at nilingon ang mga kaibigan ko na nakangise na.
"Okay." Sabi na lang nila at lumabas ng ng classroom.
"Saan tayo? Ahy dika pwedeng maglakad ng malayo. Dun muna tayo sa canteen?" tanong ko.
Panigurado akong gutom na ito. Alas diyes na din kasi. At yung susunod na subject namin ay 11-12:30.
"Hoy! Magsalita ka naman jan! napilay ka lang dika napipi!" diko tuloy mapigilan magsungit.
Tinignan lang niya ako tapos agad din naman nag iwas ng tingin. Isa pang snob iiwan ko na siya dito! kaasar ha!
"If you're mad at me please just tell me what I did wrong instead of ignoring me." ani ko na siyang dahilan para tignan niya ako.
Iniwas ko yung tingin ko pero agad niya itong hinuli at nakipagtitigan. Diko maiwasan ang pamumula ng pisngi ko. He's looking at me like he's digging my soul. Ramdam ko yung kuryenteng dumadaloy sa titig niya.
"Ah. Hmm." Okay. I'm lost of words. Tumayo na ako at nilahad ko yung kamay ko.
"Let's go? Sa atrium na lang tayo." Ngumiti siya at hinawakan yung kamay ko.
Just by the time his hand landed on mine it seems my world stop. Ramdam ko yung paghuhuramentado ng puso ko. ramdam ko yung pagtayo ng balahibo ko.
Ang lapit naming sa isa't isa. Sobra. Ramdam na ramdam ko yung malalakas na pintig ng puso niya at mabibigat niyang paghinga. Sana hindi niya maramdaman yung panginginig ng kamay ko.
"Dito ka muna okay? Bibili lang ako ng meryenda natin." Iniwan ko yung bag ko doon at nagtungo na ng canteen.
Kumuha ako ng dalawang lemonade juice sa vending machine at bumili ng burger sa canteen.
Napatigil ako sa paglalakad ng makita ko si Naomi na naka upo sa harap ni Chan may pagkaing nakalapag sa mesa. Tawa pa ito ng tawa at nagkukwento ata yung babae.
Pinagmasdan ko lang sila ng biglang may bumangga sa akin kaya muntikan na akong mapaupo pero agad niya akong nahawakan.
"Sorry." Aniya at ngumiti sa akin. Ng makabawi ako sa sarili ko ay tinignan ko yung bumangga sa akin.
"Hi Sophie. I'm Lyndon." Nilahad niya yung kamay niya.
Napatingin ako sa kamay kong may dalang pagkain. "Ohh. Nice too meet you, Lyndon. Hmm sige una na ako." tsaka tinalikuran ko na siya.
Narinig ko pa siyang nag sorry pero diko na nilingon. Wala na din si Naomi sa upuan namin.
Nilapag ko yung binili ko at tinignan yung pagkain sa harap niya 'Someone give it to me." aniya.
Tumango lang ako 'She's not someone. Her name is Naomi, if you don't know." Tinanggal ko na yung balot ng burger.
"I know." Sagot naman nito.
Napatingin ako sa kanya at tahimik niyang binubuksan yung lemonade.
"Bakit hindi yan yung kainin mo? Nag effort pa naman yun bumili at ibigay sa'yo." sabi ko.
Tinignan niya ako sa mata. Gulped! "nag effort ka din namang bumili nito at binigay mo din ito." Di na ako nakapagsalita sa sinabi niya.
Pinabayaan ko na lang siyang ngumise na parang baliw.
-
BINABASA MO ANG
His Promise
Teen FictionHe promised me forever. He promised to love me eternity. He promised me happiness. He promised me the world. Will these promises meant to be fulfilled or meant to be broken? - Sophia Qwerty Kohler VOTE. COMMENT. SHARE. Thank you -Jeiara-
