Chapter 23

131 3 1
                                    

Chapter 23

Mad


Sinabay ako ni Gavin—oo simula ngayon Gavin na ang itatawag ko dahil humirit ang gago! Pag daw tinawag ko siyang Palma gagawin daw niya akong girlfriend niya. As if namang papayag ako, pero dahil sa baka gawin nga niya iyon eh pumayag na lang akong tawagin siya sa first name niya. wala naman mawawala eh.


Siguro nagtataka kayo kong bakit siya yung naghatid sa akin no? Kasi mapilit siya. Si Kuya Luke sana kaso mamayang 9:30 pa ang klase nun at si Gavin may 7:30 class kaya ayun siya na yung sumundo sa akin.


"I'll fetch you later?" aniya.


"No need, Gav. I'm not your responsibility." Sagot ko at bumaba na ng sasakyan.


Pagpasok ko sa loob ng campus ay dumiretso na ako sa classroom. Cost Control ang first subject namin ngayon.


"OMyGod! Totoo? The nursing freshman girl? Dinedate ni Chan?" tila automatikong napaikot yung ulo ko at napatingin sa mga nag uusap na class mates ko sa likuran.


Napatingin silang lahat sa akin at sabay sabay na napatakip ng bibig. bakit ganun yung mga reaction nila? parang nagulat sila na narinig ko, eh wala namang kaso sa akin. Hindi ko naman sasabihin kay Chan na pinagchi-chismisan siya eh. Ngumiti ako sa kanila at bumalik ulit sa ginagawa kong pagbabasa ng libro. Hindi na sila muli nag chismisan hanggang sa dumating na yung prof. tahimik ding naka upo sa tabi ko yung barkada ko. after ng class eh tumambay kami sa mga green tables sa may eco park ng school.


Busy kaming lahat sa kanya kayan naming mga gadgets dahil may free wifi sa spot na ito. Biglang umungol si Kit kaya napatingin kaming lahat sa kanya.


"Are they really dating?" napatingin silang lahat sa akin. Sinong nagde'date?


Pinakita ni Kit sa amin yung nakita niya sa IG niya. natigilan ako. I knew it! They're really dating!


"Oh ba't ganyan ang reaksyon niyo? Wala namang masama kong may I'date si Chan diba?" I tried not to sound bitter or what. Wala namang dahilan para maging bitter ako diba? Walang dahilan para makaramdam ako ng ganito sa may bandang dibdib ko.


We fell into silence. Nobody dares to talk. Lahat tahimik na nakatutok sa gadgets. Dahan dahan akong tumayo pero nahulog ko yung tumbler ko na naglalaman ng tubig ko. napatingin sila sa akin. Agad ko iyon pinulot at nag excuse na magc'cr lang muna.


Papunta na akong c.r ng makasalubong ko si Chan sa hallway. "Hi!" bati niya. tumango lang ako.


Lalagpasan ko nasana siya ng hawakan niya yung braso ko.


"Bakit?" tanong ko.


My heart skipped a beat when he looked at me straight to my eyes. "Nothing." Aniya tsaka ako binitawan at umalis.


Problema nun? Mabilis kong tinahak ang c.r. ihing ihi na ako. saktong pagpasok ko sa loob eh sakto namang paglabas ni Naomi sa isang cubicle. She smiled widely but I just nod in returned. Pumasok na ako sa isang cubicle. After I peed nasa labas pa rin siya. Nagsasalamin sa malaking salamin sa loob ng C.R. papalabas na ako ng magsalita siya.


"I think he likes me too." Napahinto ako. diko alam kong sa akin ba niya sinasabi o may kasama siya sa loob.


"Ate Sophie, will you be happy if naging kami?" so ako nga ang kinakausap niya.


Hinarap ko siya at pinilit ngumiti. "O-of course. There's no reason for me to be unhappy if you too were together. I'll surely be happy for the both of you." Sagot ko.


Tumaas ang isa niyang kilay "dapat lang. He's your best friend. Atleast give him some moral support?" tila isang insulto yung sinabi nito sa akin.


I'm not his best friend. He's not my best friend! O Sophie? Anong pinuputok ng butchi mo kong best friend mo lang siya sa tingin ng iba? Diba yun ang gusto mo? ang isipin na kaibigan mo lang siya kesa lover?


Inis na inis akong lumabas sa c.r! ang gaga! Pagkatapos niyang magsalita iniwan na ako sa loob! Baka mamaya kakalimutan kong freshman pa lang siya.


"Ba't ang tagal mo?" napapitlag ako ng marinig ko yung boses niya.


Diko siya pinansin at dire diretso akong naglakad. Palabas ng campus. Ng marating ko yung gate 3 hinawakan niya yung braso ko upang pigilan ako.


"What?" iritadong tanong ko.


Kumunot ang noo niya. 'Qwerty, are you mad?"


"I'm not. Please let go of my hand. I have a business to do today." Sa halip na bitawan ako ay mas hinigpitan pa niya yung pagkakahawak ng kamay ko.


"Sophie? Hey man I think you're hurting her?" it's Gavin.


--

His PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon