Chapter 36
Gagamba
Inayos ko ang buhok ko at siniguradong walang bakas na umiyak ako bago ako pumasok ng bahay. Pinindot ko ang buzzer. Hindi ako nagpasundo kay Kuya, o kahit kay Gavin. Nag commute ako.
Agad itong bumukas at bumungad si Kuya Luke na ang sama ng tingin. "May balak ka bang matulog sa school niyo?" paneneromon niya.
Umikot yung mata ko. "Kung pwede sana. Kaso bawal eh." pagbibiro ko.
He tsked. Nauna akong pumasok sa loob ng bahay. Umakyat na ako sa taas at nagtungong kwarto ko para magpalit muna. Mamaya lang kakain na din kami. Malapit ng dumating sina Mama at kuya Four.
"Tumawag si Stacey kanina dito sa bahay. Hindi ka daw niya ma'contact. Saan ka ba nagpunta? Hindi ka ba galing school niyo?" tanong niya nung makababa na ako.
Nagtungo akong kusina para kumuha ng tubig. "Nasa coffee break ako kanina. Diko narinig yung tawag niya." ani ko. umupo ako sa tabi ni Kuya na nanonood ng myx. "Anong sabi?" nilapag ko yung baso sa lamesa at tinignan siya.
"Tss. Busy sa pagmumuni muni? Pinapatanong kung tuloy daw ba kayo bukas? I'text mo na lang daw siya." aniya.
"Kasama ko kasi kanina yung mga high school friends ko. Okay." Nilabas ko na yung phone ko galing sa bulsa at nag tipa.
To Stacey:
Not sure kung makakapunta ako, sis. Baka dito na lang ako sa bahay magre'review.
"Kuya akyat lang ako. patawag na lang pag anjan na sina Mama." Ani ko. tumayo na ako at nagtungong kwarto.
Agad kong binuksan yung laptop. I'm sure nagkakatuwaan at nagkakagulo na naman sila sa chat box.
Hindi ko sinabi sa kanila yung nangyari kanina. Wala akong pinagsabihan. Maski kay Stacey hindi ko masabi. Sana bukas maharap ko si Chan na hindi nakakaramdam ng awkwardness gayong alam ko na yung feelings niya.
Leon: tuloy ba group study natin bukas? Walang pasok guys!
Keso: Matutulog na lang ako.
Kit: Matulog ka na lang sana forever, Kehs?
Keso: Whatever, Kit!
Hanne: Hoy Sophie! Wag mong sabihin dika tuloy? Ituturo mo pa sa akin yung cost control! Ikaw naka gets dun eh! :3
Stacey: Di siya makakapunta, Hanne.
Hanne: NO WAY! Diko talaga gets yung cost control! Ay tangina bahala na! pakopya na lang ako sa Wednesday. Lol :D
Sumingit ako. agad akong nagtipa.
Tinatamad ako, guys! Matutulog din ako maghapon bukas. Hahaha. Feeling sick ang peg ko.
Pumasok agad yung reply ni Hanne.
Hanne: Boba! Who u ka sa akin sa Wednesday! Magreview ka!
Lexy: Dina niya kelangan magreview, bieh Hanne. Matalino yan! Hahaha. Hello baboy!
Ash: Nasa kanya kasi kurona guys. Hahaha :D
Natawa ako. ang iingay talaga nila kahit nasa chat box kami. Active na active.
WHATEVER GUYS! Log out na ako! namiss ako ni raffy! Barf! Hahaha. Ciao~ :D
Pero bago ko ma'click yung log out button eh nakita ko yung new status ni Naomi.
Naomi Alcalde:
Slut! Solotera! You lost my respect. Bitch! GRRR!
Nag log out na ako. hindi ko ni like o tinignan man lang yung mga comments. Bakit ko ila'like kong rant yun?. Kelangan pa talagang I'post? Tss
**
Kaumagahan ay late akong nagising. Napatingin ako sa wall clock at eksaktong alas otso y media. Bumangon na ako at lumabas na ng kwarto. Nakaramdam ako ng gutom. Di pala ako nakakain kagabi. Nakatulog kasi ako habang iniisip yung pangyayari kahapon.
"Good morning, sleepyhead." Napatalon ako ng marinig yung boses nito galing kusina.
Napatingin ako sa suot nitong apron. Strawberry yung design. Regalo ng isa kong classmate nung high school ako nung debut ko.
"A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko. na conscious tuloy ako sa mukha ko.
Diko man lang nasuklay yung buhok ko at dipa ako nakapaghilamos.
"You look hot in the morning with your bed hair." Namula ako sa sinabi nito.
Tumawa siya at bumalik sa kusina. Gusto ko tuloy siyang batuhin. Nagtungo akong banyo at tinignan ang sarili sa salamin. Mabuti na lang at wala akong muta. Naghilamos na ako at nagsipilyo. Nakakahiya pag nakipag usap ako sa kanya sa malapitan at dipa ako nakakapagsipilyo o mumog man lang.
Pagkalabas ko ng banyo ay nakita kong nakaupo si Chan sa sofa. Magkasalubong ang kilay habang nakatingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. Napa atras ako ng lumapit ito sa akin.
"A-anong g-ginagawa mo?" diko siya matignan sa mata.
Nasaan ba kasi sina kuya? Bakit nila pinapasok itong lalaking ito? Bakit nila ito pinagkatiwalaan? KUYA LUKEEEE!
Napapikit ako nung sobrang lapit na yung mukha niya sa mukha ko. napahawak ako sa ulo ko ng may pinitik siya doon. "May gagamba kanina sa ulo mo." pagkasabi niya nun ay napatalon ako at napayakap ng wala sa oras sa kanya.
Biglang huminto yung pagtibok ng puso ko ng magdikit ang aming mga balat. Ramdam na ramdam ko yung pag flex ng kanyang mga muscles sa braso niya. hindi ako makagalaw. Nanigas ako sa sobrang kaba sa ginawa ko.
--
BINABASA MO ANG
His Promise
Teen FictionHe promised me forever. He promised to love me eternity. He promised me happiness. He promised me the world. Will these promises meant to be fulfilled or meant to be broken? - Sophia Qwerty Kohler VOTE. COMMENT. SHARE. Thank you -Jeiara-