--dedicated to her dahil sa kanya nakakilala ako ng isang Lance Mariano. At talagang nainlove ako ng sobra sa SL Trilogy. Mehehe :D --
Chapter 20
Strawberry
Nagising ako na medyo mabigat ang katawan ko. napatingin ako sa paligid at nasa isang tahimik akong lugar. Malinis na kwarto. Napabangon ako at nilakihan ko yung mata ko, inalala kong nasaan ako bago ako makatulog--- I'm at Chan's house!
Pagtayo ko ay saktong pagbukas ng pinto at ng ilaw. Napatingin ako sa nagbukas .
"Good Evening ate Sophie." Napanganga ako. Good evening? Ibig sabihin gabi na? napatingin ako sa wrist watch ko at alas sais na. sht! Kelangan ko ng umuwi.
"Sina Hanne?" tanong ko kay Aly. Pero nagkibit balikat lang siya.
"Dinner napo tayo." Aya niya.
Tumango ako at sumama sa kanyang lumabas na ng kwarto. Pagbaba ko andun sa sala yung mga kaibigan ko nakikipagtawanan kay-NAOMI? She's here?
Napatingin silang lahat sa akin at isang ngiting nakakaloko ang pinukol sa akin. Inirapan ko sila at lumipad yung tingin ko kay Naomi na gulat na gulat. umirap ako at nagdiretsong c.r sa baba.
Paglabas ko ng banyo ay nandoon pa rin sila. Wala si Chan. Asan kaya yun? Lumapit ako sa kanila at umupo sa tabi ni Hanne. Sinandal ko yung ulo ko sa balikat niya. tinapat niya yung likod ng palad niya sa noo ko. "Mainit ka babe. Okay ka lang ba?" napatingin sila sa akin.
Tumango lang ako. "Kain na mga anak!" narinig naming tawag ni Manang Lourdes kaya tumayo na kami at pumunta sa kusina.
"Nasaan si Chan?" dahilan para mas lumawak yung ngise nila. Hindi sila sumagot pero nanatiling nakangise sila.
Nagpatuloy na lang ako sa pagkain ko at ng matapos kami wala paring Chan na nagpapakita.
"Ahh Manang Lourdes alis na po kami!" paalam namin.
"Naku teka at tawagin ko lang si Isko para ihatid kayo." Aniya at lumabas para tawagin ang driver.
Hindi ko maiwasang di mapatingin sa pintuan baka sakaling papasok si Chan. Pero walang dumating tinawag na kami ni ng driver at lumabas na kami ng bahay.
"Ikaw Naomi dika pa uuwi?" tanong ko pero umiling lang ito. Anong gagawin niya dito? magche'check in? talandeng bata! >_<
"I'll wait for Chan." Aniya tsaka umupo sa may swing sa garden.
"Ate Sophie hintayin mo daw si Kuya at ihahatid ka daw niya." napatingin ako kay Aly na kalalabas lang ng loob ng bahay. Napatingin ako kay Naomi na parang naguguluhan.
BINABASA MO ANG
His Promise
Teen FictionHe promised me forever. He promised to love me eternity. He promised me happiness. He promised me the world. Will these promises meant to be fulfilled or meant to be broken? - Sophia Qwerty Kohler VOTE. COMMENT. SHARE. Thank you -Jeiara-