Chapter 17

158 3 0
                                    

Chapter 17

I want to know the reason


Bumalik kaming school after ng leadership training or should I say camping? Wala namang nangyaring masyadong related sa leadership eh. Nagpa team building lang sila sa araw na nahanap nila kami tapos sa sumunod na araw maghapong lecture about leaders na nakakabagot.

"Kumusta ang leadership?" bungad na tanong ni Leon


"Daming nangyari na nakakakilig." Sabay sulyap sa akin ni Hanne.


Diko siya pinansin. "Hi Chan!" napalingon ako dun sa tinawag ni Hanne pero wala naman ng bumalik yung tingin ko sa kanila ay isang malisyosong ngiti ang binigay sa akin.


"Miss mo na?" sinimangutan ko sila.


"May lovelife na nabuo?" gulat na tanong ni Keso.


Binatukan siya ni Hanne. 'Ingay. Wala pa! pero malapit na I think." Nakangiti na parang baliw si Hanne.


Nagkuwnetuhan lang kami hanggang sa mag bell na at klase na. absent si Chan. I wonder why. Tss.


'tahimik mo babe?" nagtatakang tanong ni Hanne.


"May namimiss." Singit ni Stacey. Di pa rin ako umimik.


"Okay baka mamaya masigawan tayo." Tumahimik na sila.


"OMG Naomi talaga? Niyaya ka niya mag date?" napalingon ako sa nagsalita ng malakas na parang pinarinig.


Sina Naomi at ang barkada nya. Nasa may cafeteria kami at nagmemeryenda.


"Hehe oo eh. nakakapanibago at parang bumait siya sa akin." Nakangiting sabi niya sa kaibigan niya.


"OMG! Anjan na siya. Naomi fixed yourself." Napatingin ako sa pinto.


Si Chan mag isa na naglalakad patungong cafeteria. Seryosong naglalakad. Nasa kanya lang yung tingin ko. makikita kaya niya ako dito? dito kaya ang punta niya sa gawi namin?


"Cha-napatigil si Kit sa pagtawag kay Chan nung tumigil ito sa pwesto nina Naomi. Umupo siya dun. Sa tabi mismo ni Naomi. Nakatalikod sa amin.


Binalik ko yung tingin ko sa kinakain ko nag mukha ni Naomi at Chan na nakangiti sa isa't isa ang biglang nagpop kaya sa inis ko ay tinusok ko yung tinidor ko tsaka padabog na umalis.


Why am I feeling this? This is not right! Bakit ganto? Ano tong nararamdaman kong masama sa may bandang dibdib ko?


Nagtungo ako sa green table sa tabi ng computer lab at doon muna nagpalipas ng break time.


abala ako sa pagbabasa ng may kumalabit sa akin si Chan. Biglang lumukso yung puso ko ng makitang nakangiti siya.


His PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon