Chapter 7

192 4 0
                                    

Chapter 7

LAB-istori?



"Oh em gee! Gawa ba yan ng in love?" nakangise si Hanne habang palapit sa amin sa may counter at kinuhaan ng picture yung binake naming cake ni Chan.


Isang simpleng HI yung nakalagay doon at dinagdagan namin ng design simple pero ang cute tignan. Siya yung nagdesign dahil wala akong tiwala sa sarili ko sa pagdedecorate. Ang galing nga niya eh. Re;ax na relax siya habang ginagawa yun.



"Times up!" sigaw ni ma'am at agad namang humabol sina Kenya at nilagay yung cake nila sa may counter sa harap.


Umupo na ako sa may tabi ng electric fan dahil sobrang init na. samahan pa na naka chef's uniform kami at kulay black pa. hinanap ko yung panyo ko sa bulsa ng apron ko pero wala. ano ba naman yan! Ang lagkit ko na!



"Here. Use it." Bulong ni Chan at napatingin lang ako sa kanya tapos sa panyong nilahad niya.



Nagdalawang isip pa ako kong kukunin ko yun pero dahil sa hiyang hiya na ako at parang binuhusan na ng mantika ang mukha ko ay kinuha ko na yun at pinunasan yung mukha ko "Thanks." Bulong ko. ngumiti lang siya tsaka tumingin sa harap.



Tahimik akong nakikinig sa mga group na dinedescribe yung binake nila ng abutan niya ako ng bottled water. Tinignan ko siya pero sa harap yung tingin niya. nilingon ko yung mga barkada kong nakamasid sa amin at pasimpleng ngumingiti.



Okay dapat sanayin ko na yung sarili kong tinutukso kami. Kinuha ko yung tubig tsaka uminom. Halos maubos ko yung laman nun dahil sa sobrang pagkauhaw ko at super pamamaga na ng lalamunan ko.



"Okay, next. Spencer and Sophie." Sabi ni ma'am kaya agad kaming tumayo.



Pinauna niya akong maglakad at sumunod lang siya sa akin. Yung mga classmates ko ay pinagtutukso na naman kami. Pati si ma'am nakisali.



"Naku mukhang may mabubuong LAB-istori dito." parinig pa ni ma'am na siyang nagpalakas ng tawanan at hiyawan nila.



Napailing na lang ako at napalingon kay Chan na sobrang pula na yung tenga niya. DIko mapigilang ngumiti. "Oyyy kinikilig si Sophie nakangiti oh!" sigaw ni Kit at agad ko siyang binigyan ng isang nakakamatay na tingin.



Bakit kasi diko mapigilang ngumiti pag nakikitang namumula yung tenga niya?



"Shh! Stop na guys! Okay Sophie start na kayo." Sabi ni Ma'am.

His PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon