Chapter 16

133 3 0
                                    

Chapter 16

Worried


Nagising ako ng makarinig ako ng kaluskos sa paligid. niyugyog ko si Jones na tulog na tulog.

"B-bakit...?" natigilan siya ng may kaluskus ulit kaming narinig.

Nilibot ko yung paningin ko at maliwanag na. pero wala pa yung araw. Napatingin ako sa relo ko at 5:30 na ng umaga.

'Qwerty?" pagkarinig ko sa boses ni Chan ay nakahinga ako ng maluwag.

"C-chan?" tawag ko. biglang bumilis yung pagkaluskus at nakita ko na agad si Chan na palapit sa amin na mukhang alalang alala.

Agad siyang tumakbo at lumapit sa amin. Pagkalapit niya ay agad niyang sinuntok si Jones na kakagising lamang, dahilan para mapasigaw ako pati ang bakla.

"ANONG GINAWA MO KAY QWERTY?" galit na sigaw nito kay Jones.

Susuntukin na ulit sana niya si Jones ng pigilan ko siya. Nagtagis ang kanyang bagang  kitang kita ko yung pagkuyom ng palad niya. HInawakan ko yung braso niya para pigilan siya at agad akong hinila para ikulong sa kanyang bisig. Rinig ko yung mabibigat niyang paghinga at ramdam na ramdam ko yung mainit niyang katawan. I feel safe. I feel at home.

'Are you okay? Did he hurt you? Touch you?" mas hinigpitan pa niya yung pagkakayakap sa akin.

Ramdam na ramdam ko yung pahuhuramentado ng puso ko at panginginig ng tuhod ko.

"A-arayy!' naitulak ko si Chan ng marinig si Jones.

Nanlaki yung mata ko ng makitang duguan yung nguso nito. Lumuhod ako para sana punasan yung nguso nitong duguan ng hilahin ako patayo ni Chan. Tinignan ko siya ng masama at isang galit na mukha ang nakita ko.

"Chan it's not what you're thinking. Naligaw kami kagabi. Pati bakla siya. Magkalahi kami. Hindi niya ako kayang galawin. Duh! Nakakadiri kaya yun!" I rolled my eyes.

"Pero lalaki pa rin siya!" bakas pa rin ang galit sa tono nito.

Hindi ko alam kong anong kinagagalit niya. "Chan naman eh!" naawa na ako kay Jones.

Nakita kong lumambot yung ekspresyon ng mukha niya nung hawakan ko yung braso nito. Bigla niyang hinila patayo si Jones pero napaupo lang ang bakla. Lumuhod ako para punasan yung dugo sa nguso nito.

"S-sorry bakla." Pinupunasan ko pa rin yung nguso nito gamit yung panyo ko. putok ang labi.

'Huhu! Sinira mo ang beauty ko! pasalamat ka Chan gwapo ka! Huhuhuhu!' natawa ako kasi akala ko galit siya.

"gaga natawa ka pa! pag ako pumangit kakalbuhin kita." Diinin ko yung pagpupunas sa putok niyang labi at napasigaw ito.

"Oh my god! What happened to Jones?" nag aalalang tanong ni Hanne nung dumating sila sa gubat kong nasaan kami.

Napayuko ako. "Wala nakipaglaban ako sa isang baboy ramo kagabi. Trip kasing kainin si Sophie eh." binatukan siya ni Hanne.

"Pa superhero ka bakla?" nag pout lang si bakla.

'babe okay ka lang ba? Hala sorry kagabi pa kami naghahanap pero di naming talaga kayo nahanap. Si Chan lang talaga yung matiyagang naghanap sa inyo ng magdamag." Napatingin ako kay Chan na nakatayo doon at halatang puyat ito.

"walang tulog." Dagdag niya.

Lumapit ako kay Chan hinawakan ko siya sa braso. Napatalon ito sa gulat. tinignan niya ako at kitang kita ko yung pamumungay ng mata niya.

'Let's go back to the site. You need to rest and sleep." Tahimik lang siya nakasunod sa akin.

Sabay sabay na kaming bumalik ng site. Pagpasok ko sa tent ay agad namang pumasok si Chan. At nahiga sa kaninang inaayos kong higaan ko sana.

Susuwayin ko sana kaso halatang pagod at inaantok na kaya pinabayaan ko na lang. pinagmasdan ko siyang himbing na himbing matulog. Thank you for not giving up finding me. pati tuloy ikaw napuyat dahil sa akin.

"Wag mo akong sanayin na lagi kang nandito sa tabi ko ha? Baka kasi masanay ako." bulong ko bago humiga sa tabi niya at tumalikod sa kanya.



His PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon