Chapter 46
One cuss, one kiss
Sabado ngayon. Walang pasok. Nagdesisyon akong manatili na lang ng bahay. May kanya kanya ding lakad yung mga barkada ko. at ako lang itong wala talaga sa mood kundi ang tumambay maghapon sa bahay.
Kinuha ko yung laptop. Manonood na lang ako ng movies. Nasa kalagitnaan ako ng paghahanap ng panonoorin ng may kumatok. "Pasok." Sabi ko. narinig kong nagbukas yung pinto pero di nagsalita yung pumasok.
Hindi ko iyon nilingon. Nanatiling nasa screen ang tingin ko. Naramdaman kong may humiga sa tabi ko. "Anong problema kuya?" tanong ko. for sure si kuya Luke ito. Manghihingi na naman ng pamng meryenda niya. ako yung bunso pero sa akin siya nanghihingi ng pambili ng pagkain niya. napaka pulubi kasi eh. -_-
Napatalon ako ng maramdaman kong pumulupot yung braso nito sa bewang ko. "CHAN?" nakahawak ako sa dibdib ko at sobrang bilis ng tibok ng puso ko. anong ginagawa ng kumag na ito sa bahay naming?
"I miss you baby." Aniya. Napailing na lang ako.
"Parang kahapon lang magkasama tayo ah?" umupo ako sa tabi nito.
Nakahiga pa rin siya. Nilagyan ko ng unan ang headboard para sandalan. Gumapan siya pataas at sinandal yung ulo nito sa balikat ko. Tinututok din ang tingin sa screen.
"Gusto ko araw araw kitang kasama." Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang pagngiti.
"baka magsawa ka pag araw araw tayong magkasama." sabi ko. agad kong clinick yung Now You See Me na movie. It's all about magic.
"Hindi ako magsasawa. Promise." Nilingon ko siya.
"Wag kang promise." Sabi ko. he smiled. Yung ngiting labas yung kaisa isang asset niya – dimple .
"Eh bakit? Tutuparin ko naman. I need you to trust and believe in me." aniya. Ngumiti na lang ako.
"Aba! Magtigil ka Chan!" suway ko. bigla ba namang nanghahalik. Pag di ako nakapagpigil dito baka sa iba to mapunta >_<
"Nakakapagtampo ka." Pigilan niyo ako at baka itulak ko ito o pauwiin ng wala sa oras. Kitang nanonood ako iniistorbo pa.
"Itigil mo na nga yan!" bigla niyang inagaw yung laptop at niclose ang lid.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Ano bang problema mo?" diko mapigilang wag sumigaw. Eh sa nakakainis eh. kitang nanonood yung tao bigla ba namang aagawin yung laptop!
"Eh kasi nandito nga ako saiba naman yung attention mo!" ngumuso siya.
Ohmygod! Don't tell me pati laptop pinagseselosan niya? Ibang klase din tong lalaking 'to!
BINABASA MO ANG
His Promise
Teen FictionHe promised me forever. He promised to love me eternity. He promised me happiness. He promised me the world. Will these promises meant to be fulfilled or meant to be broken? - Sophia Qwerty Kohler VOTE. COMMENT. SHARE. Thank you -Jeiara-