Chapter 12
He's Free
"Guys una na kami ha? May meeting pa kami eh." paalam namin Hanne sa barkada at nagtungo na kaming practice room.
Pagkapasok namin doon ay napangiti ako kasi nagche'check na sila ng attendance.
"Sophie tatlo lang yung absent. Yung isa may sakit daw at yung dalawa may tutorial." Sabi ni Jones na siyang secretary.
Tumango lang ako at nakangiting tumingin sa mga ka members ko.
Nasa may eighty plus ata ang members at mahirap ihandle ito. Mabuti na lang at malawak ang dance studio nagksya kami sa loob.
"Ang gagawin natin ngayon ay pipili na kayo kung saan kayong genre. Mag line kayo kay Ate Fin pag ballroom. Kay Kuya Josh pag hiphop. Kay Ate Jones or Kuya Jones haha, pag folk dance." Ani ko.
Ayun at nag ingay na sila kaya agad silang pinatahimik ni Hanne. Tahimik na silang pumila at hinintay namin hanggang matapos yung pag fill up nila.
'So there are 24 in ballroom. Nice. 29 in folk dance and 30 in hiphop. So every time na may activity kelangan ay magpeperform ang dance troupeat dapat present sa practice. At hindi naman lahat magpeperform. Kung anong genre lang yung sasabihin ni ma'am Austin ay sila ang magpeperform." Sabi ko.
Tumango tango naman sila. "And we're going to decide our new name." sabi ni Hanne. "Suggest a name and write it on a piece of paper. Okay lang kahit wag niyo ng ilagay name niyo. And kung wala kayong maisip okay lang." Aniya.
After naming magsulat ay kinollect na ni Jones yung papel. May mga 20 papers kaming natanggap. Yung iba wala daw maisip eh.
Binasa namin lahat at nag ask ng kanilang opinion about sa name na na isuggest pero ayaw nila. 'Oh eto Aces. What do you think guys? Paulinian Aces." May nag suggest ng Aces at dinagdagan ko na ng Paulinian.
"Sige! Paulinian Aces." Sang ayon nila. At ayun pinaguusapan kong sino daw yung nag suggest nun.
Napangiti na lang ako.
"Beh may bisita ka." Ani Jones at ngumuso.
Nilingon ko kung sino yung nginuso niya sa may pintuan. Chan.
Nag excuse ako at lumapit sa kanya. "Bakit? Okay na ba yang paa mo?"
"Nothing. I'll take you home after the meeting? Hintayin na lang kita dito sa labas." Aniya at sumandal na dun sa pader. "Okay na din tong paa ko ang galing ng caregiver ko eh." Tinignan ko siya. Nakasandal ito sa pader, nakangiti. Yung tipong ang sweet ng ngiti niya.
Magdadalawang linggo na din kasi simula nung ma injured yung paa niya.
He motion his hand na at tinuro yung pinto. Okay papasok na muna ako sa loob at ipagpapatuloy yung meeting.
Instant driver ko na siya ngayon? Tss. pagpasok ko sa loob ay napuno ito ng tilian at panunukso sa akin. Hindi na ako ganun ka sensitive. Naiilang pa rin pero hindi na kagaya noon. Siguro nasanay na talaga ako halos mag iisang buwan na din kasing laging ganun ang set up namin. Kasa kasama ko minsan si Chan, tinutukso kami.
"Shhh! Tahimik guys." Pagpapatahimik ni Naomi na siyang bago sa amin.
Lagi siyang tahimik pero ngayon lang siya sumuway at nagtaas ng boses. Anong meron sa batang to?
"Okay so tapos na ata ang meeting dahil may pupuntahan ata si Madam President. Meeting adjourned!" sinamaan ko ng tingin si Jones na siya ng nag dismiss ng meeting.
at talagang lumabas na sila ha? Tss.
"Jones yung list paki ayos ha?" paalala ko kay Sophie nag thumbs up naman ito at tinulak na ako ni Hanne palabas ng room.
Halatang gulat pa si Chan kasi nadismiss na ang meeting after niyang pumunta.
"Hanne iiwan mo ako?" ang gaga iwanan ba naman ako? lumingon siya at nginuso si Chan sa likod ko.
Nilingon ko ito na nakatingin lang sa akin. Nilingon ko ulit si Hanne pero nakababa na ang gaga.
"tara na." niyaya ko na siya.
Tahimik lang kami habang pababa. Walang umiimik.
"Ahm may kukunin lang ako sa locker." Binalingan ko siya na relax na relax sa paglalakad nakapamulsa pa ito.
"Samaha-
"Ako na lang. hintayin mo na lang ako sa parking lot?" tumango siya at agad naman ako nagtungong kabilang building.
Pagkapasok ko sa locker room ay agad ko ng kinuha yung mga books na kelangan kong iuwi para sa assignment namin.
"Ate Sophie." Napalingon ako sa tumawag sa akin.
"Naomi? Bakit?" umupo siya sa may upuan sa loob ng locker room tsaka huminga ito ng malalim.
"Alam ko pong close kayo ni Kuya Chanyeol pero di naman siguro kayo mag syota diba? Hindi naman kasi kayo ganun ka affectionate sa isa't isa eh." di ako makagalaw sa pinagsasabi ng batang ito.
"I like him. I really like kuya Chanyeol. Pwede ko po bang malaman kong may nililigawan siya o girlfriend na siya?" I was stunned. He likes Chanyeol.
Sasagutin ko ba ang tanong nya? The last time na nag ask siya ng about kay Chan I acted rude to her. Wala namang dahilan para maging rude ako sa kanya diba? And is Chanyeol free? "I'm not sure kung may gf yun or nililigawan. Siguro wala. Kasi wala naman akong alam na nililigawan niya. hindi naman siya nag oopen sa akin about sa lovelife niya eh. I think he's free?" totoo naman.
Never kaming nag usap about lovelife. Puro about schools lang ang napag uusapan namin pag magkasama kami.
I saw her face enlighten. "Sana nga wala. sige po ate Sophie. Salamat." Aniya at nauna ng lumabas ng locker room.
Napaupo ako sa sofa at pumikit. Alam kaya ni Chan na may nagkakagusto sa kanya? Malamang naman siguro no? Isa siyang sikat na foot ball player ng school plus napaka gwapo, matalino din at friendly. May mga ilan ngang nag papacute sa kanya eh. pero wala lang sa kanya. ngingiti lang siya sa kanila yun na.
Napamulagat ako at napatayo ng makarinig ako ng kalabog. Napatingin ako sa pintuan.
"Sophie?!!" Chanyeol? Kumalabog ulit yung pinto na tipong may balak atang sirain.
Lumapit ako sa pinto at binuksan yun saktong pagkabukas ko ay agad niya akong hinila at kinulong sa mga bisig niya. And from that moment I feel my world stop. It feels like home for me. Ramdam ko yung init ng katawan niya. rinig na rinig ko yung mabibilis na pintig ng puso niya.
-
Lumalande si Chan! Charot xD
BINABASA MO ANG
His Promise
Teen FictionHe promised me forever. He promised to love me eternity. He promised me happiness. He promised me the world. Will these promises meant to be fulfilled or meant to be broken? - Sophia Qwerty Kohler VOTE. COMMENT. SHARE. Thank you -Jeiara-
