Chapter 15

173 4 0
                                    

—dedicated to her. Ang ganda ganda ng SFLL :) Dami kong iyak dun eh :3 :D—


Chapter 15

Lost

 


After kong magpalit eh lumabas na ulit ako. nagulat ako nung makita kong nasa labas siya ng tent namin.

'Tara nagsimula na silang kumain." Nilahad niya yung kamay niya pero diko yun pinansin at naunang maglakad sa kanya.

Napatingin sila sa amin na magkasamang dumating. Isang mapang asar na ngiti ang pinukol ng mga kaibigan ko at maintrigang tingin naman ang sa mga diko ka'close.

Siya na rin yung naglagay ng pagkain sa plato ko. "Ang dami Chan! Diko maubos!' reklamo ko pero diman lang ako pinansin! Sa halip ay hinila niya ako papunta dun sa mga classmate naming na officer din at umupo sa tabi ni Hanne.

Nasa gitna yung bonfire. "dika kakain?" tanong ko.

Ngumiti ito tsaka pinakita yung dalawang pares ng kutsara at tinidor. Inabot niya yung isang pares sa akin at nag umpisa ng kumain.

"O-oyy plato ko yan!' aagawin ko na sana ng bumelat siya. Akala ko pa naman siya yung kumuha ng pagkain ko wala pala siyang kinuha sa akin.

Tatayo nasana ako ng hilahin niya ako paupo ulit. "Slow! Share tayo! Iisa na lang gamitin natin plato, kawawa yung maghuhugas." Kumindat pa.

Pumula yung pisngi ko. kakain kami sa iisang plato? Okay ba siya? Narinig kong kumalam na yung sikmura ko kaya kumain na din ako.

"Diba mahilig ka sa fried chicken drum stick? Oh yan tatlo kinuha ko." sinubo niya sa akin yung isang drum stick. Aayaw pa sana ako kaso pinilit ba naman ayun no choice kundi kumagat na ako. at ang loko iwanan ba namang nakasubo sa akin.

"Hmm!" tawa lang siya ng tawa habang nakasubo sa akin yung manok.

Habang abala siya sa pagtawa ay agad ko siyang sinubuan ng kanin at nung ulam. Ayun natigil sa pagtawa. Muntikan pa nga siyang mabilaukan kaya ako naman yung natawa.

"Hoy hoy! Sobra niyong PDA ah!" suway ni Jones at umupo sa gitna namin.

"Inggit ka lang Jones. Tabi ka nga jan! sinisira mo moment nila." Hinila ni Hanne si Jones pero nagmatigas yung bakla.

"Paano ako niyan kakain? Alis Jones." Tinutulak tulak ko pa siya.

"edi kakain ka? Kukuha ka ng pagkain dun. Lumalandi ka na Sophie." Inirapan ko na lang.

Nilapit ni Chan yung plato at pinagpatuloy ko pa rin yung pagkain ko. etong si Jones nasa gitna parin namin nilalandi si Chan. Ako naman nakikisabay kay Jones. Pinagkakanulo ko si Jones sa kanya. kitang kita ko na malapit ng mabadtrip si Chan.

After naming kumain ay umupo muna kami sa gilid ng bonfire. Nasa tabi ko si Chan at pinaglalaruan yung buhok ko. "Inggit ka no? Pahaba ka na rin ng buhok! Haha" pang asar ko pa. aba ang gago hinila ba naman yung buhok. Sinapak ko na!


"Ayy guys interesting to! Hide and seek tayo?" suhestiyon ni Kendra na pumalakpak pa. may isang umangal at si Chan yun pero lahat kami sumang ayon kaya ayun majority wins.

Taya si Hanne kaya agad kaming nagtago. Nagtago ako malapit sa puno at sinisilip si Hanne. Nung sa iba siya sa nakatingin ay pasimple si Chan na lumapit sa teritoryo ng taya at nung nakita siya ni Hanne ayun talo. Hahaha.

Sinamantala namin ni Jones ang lumipat ng taguan.

"Haayyy! Napakalamig na hangin no? kaantok." Sumandal ang gaga sa puno.

'Hindi tayo mahahanap ni Hanne dito." aniya at binuksan yung flash light na dala niya.

Umupo ako sa tabi niya at nag relax.

"Jones mukhang tayo na lang yung hinahanap? Tara magpakita na tayo? Ilang minuto na din ang lumipas." Sabi ko.

Agad naman siyang tumayo 'Let's go bakla." Naglakad na kami pabalik ni Jones pero mukhang ibang daan ata yung tinahak namin dahil kanina pa kami lakad ng lakad eh hindi pa rin namin nakikita yung site namin.

Ayokong isipin pero... "bakla I think we're lost?" putol ni Jones sa iniisip ko.

Napatingin ako sa kanya at kita kong natatakot at nagaalala siya. Napakapit ako ng mabuti sa braso niya.

'Wag mo akong manyakin gaga ka!" aba nagawa pang isipin yun?

Humalukipkip ako at nilibot ang tingin sa madilim na paligid.

"J-jones p-paano? Dala mo phone mo?" kinapkap niya yung bulsa niya pero napailing lang siya.

I checked myself pero wala din yung phone ko. we're dead!

"OMG! Don't tell me dito tayo magpapalipas ng gabi? Sa isang malamok na lugar?" trinay niyang pumatay ng lamok gamit ang palad nito.

"Malamang. Sht! Hindi ba nila tayo hinahanap?" sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko.

Natatakot at kinakabahan.

"Bakla what if dina tayo sikatan ng araw? Baka mamaya may baboy ramo dito kakainin tayo o di naman parang doon sa wrong turn at pagcha'chop chop'in tayo into pieces! Ayyy bakla! I'm scared na!" dahil sa sobrang OA niya ay binatukan ko na!

"Wag ka ngang OA. " napaupo ako at napasandal sa isang puno.

"Hintayin na lang nating mag umaga." Tinampal ko yung braso kong kinagatan ng lamok at napakamot sa buong katawan.

Wag naman sana kaming na dengue! -_-

"Guyysss helpppp! We're looosssttt! We're here in the middle of nowhereee!' sigaw ni Jones. Sana marinig nila.

"haayy! I'm giving up. Good bye my precious life." Diko na pinansin ang pagda'drama ng baklang ito.

Chan asan ka ba? Tulungan mo ako. Iligtas mo kami! Magiging mabait na ako sa'yo next time. -_-


OMG! Naligaw sina Sophie. Anong mangayayri next? Makakabalik ba sila ulit? Mukhang adventure naman pinuntahan nila at hindi leadership xD

His PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon