Chapter 13
Stalker?
"Akala ko kung may nangyari ng masama sa'yo. ang tagal mo kasing bumaba." Aniya at nakakulong pa rin ako sa mga bisig niya.
Sana wag muna nya akong bitawan dahil sa oras na binitawan nya ako ay panigurado akong mapapaupo ako. yung puso ko nagwawala na naman at yung mga insekto sa tiyan ko ay nagdiriwang na naman.
I know that this feeling is illegal. But the more I hide it, the more I deny it, the more na lumalala. Pero kelangan, kelangan kong pigilan ang sarili ko, ang puso ko.
"I'm okay." Bulong ko at pilit ng kumawala.
Baka may makakita sa amin at masumbong pa kami. Kumalas na siya sa yakap niya at biglang yumuko.
"I'm sorry. Minsan naman pag sinabi mong sandali ka lang, sandali ka lang." aniya at tinalikuran na niya ako.
Ganyan ka ba talaga? pa'fall? O sadyang sweet at caring ka lang talaga sa taong nasa paligid mo? Pero gaya nga ng sabi ko hindi pwede! Alam ko na yung mga ganito yung papahulugin ka tapos sa huli iiwan ka lang din. May mga kakilala na akong ganyan, may mga nabasa na akong ganyan yung mga bidang lalaki, sweet sa una tapos pag na'fall ka iiwan ka na at ang resulta? Luhaan ang babae.
Tahimik akong sumunod sa kanya. ng makapasok ako sa sasakyan niya ay naamoy ko na naman yung pabango niyang nakaka adik.
Sobrang tahimik namin. Okay lagi naman. Pero kasi nakakapanibago.
"Salamat. Ingat ka sa paguwi." Pinilit kong ngumiti.
Ngumiti din siya at tumango bago ko sinara yung pinto.
Tahimik lang akong nagbabasa ng libro ng mag vibrate yung phone ko. yung nag text sa akin noon na unknown number.
From: Unknown Number
I care about you more than you think
Kinagat ko yung labi ko para mapigilan ang pagngiti kahit wala namang nakakakita. It's him. I know. Sana nga lang siya ^_^
**
"Sophie ready naba yung mga gamit mo?" tanong ni Hanne sa akin.
Nilabas niya yung tab niya at nagtake ng selfie. Nakiselfie din ako. haha :D
"Hmm. Trolley yung ginamit ko. ikaw?" tanong ko sa kanya.
We have our leadership training and seminar this weekend. Isa ito sa pinakaayaw kong maging officer. Kahit ayaw mo, kelangan mong pumunta. At ang masaklap iba ang venue ngayon kasi ang venue daw ngayon ay sa isang lugar na mahirap ang tubig, mainit, kulang ang populasyon. Pero ang maganda malapit lang ito sa tabing dagat. Hindi kami sa isang bahay titira or eskwelahan kundi sa gubat. Magca'camping din kami.
Parang leaders camping na din. Tss >_<
"Oo naman naayos ko na. magdala ka ng maraming pagkain baka tipidin tayo. Hahaha" aniya. Basta itong babaeng to pagkain lagi ang alam.
"President din pala sa sports club si Chanyeol so pupunta din siya?" napatingin ako kay Stacey.
"OMG! Tadhana beh!" OA na sabi ni Keso at tinapik tapik pa ang balikat ko . kaagad ko siyang sinamaan ng tingin
"Oyy Sophie next month na pala birthday mo? Anong plano mo?" nagbuntong hininga ako.
August na next month. At legal birthday ko na din. Anong balak ko? ewan. Ayokong magdebut party. Wala lang. nahihiya din kasi ako sa magulang ko eh.
"Baka early dinner lang. walang 18 roses chuchu. Kasuya!" inagaw ko kay Leon yung kinakain niyang chips.
Nagpatuloy lang kami sa kwentuhan ng biglang may nag announce na uuwi na daw yung mga pupunta mamayang hapon sa leadership at mag ayos na. Kaya kaming magbabarkada na officer ay sobra sobra ang ligaya namin.
"Nakakapanibago diko nakita kaluluwa ni Chan ngayon." Nahihiwagaang tanong ni Hanne habang tinatahak namin ang daan papuntang gate 3
Nagkibit balikat lang ako. nilabas ko yung ipod at pinasak yung earphone sa tenga ko.
"Loka may nag text oh. Unknown number." Binigay niya sa akin yung cellphone ko.
I unlocked it and open the message
Unknown:
Susunduin kita mamaya?
Si Chan ba talaga to? Seryoso? Siya ba? Hindi ko nireply'an. Bahala siya. Text ng text di man lang nagpapakilala.
'Sino yun?" usisa ni Hanne.
"Diko kilala eh." sagot ko naman. Nilagay ko na yung phone ko sa loob ng bag.
'Dimo nireply'an? Anong sabi?" nagkabit balikat na lang ako kaya ayun sinabihan akong snob.
Paglabas namin ng gate eh may nakaparadang fortuner sa labas. Naglokohan pa kami ni Hanne na sundo namin yun. Pasakay na kami ng tricycle ng may tumawag sa pangalan ko.
"Sophie!" nilingon ko iyon at nakita kong galing sa loob ng fortuner si Palma.
Yung kaibigan ng kuya ko. "ANo?" malamig na tanong ko. ginulo lang nito yung buhok ko tsaka tinuro yung sasakyan.
Tinaas ko yung isa kong kilay. Tumawa ito "Pinapasundo ka ni Luke. Busy kasi siya kaya ako yung pinadalang driver mo." aniya at napansin kong kumunot yung noo niya.
"ganyan ba talaga kaiksi yang palda mo?" abaaaa! Kung istrikto si Kuya mas istrikto naman to.
"No choice! Di ako nakapaglaba kagabi. Mapagkakatiwalaan ka naman ba?" tumawa ito.
"Mukha ba akong kidnapper?" okay sinagot ba naman ng tanong yung tanong ko.
"Tara na nga. may gagawin pa ako." ani ko at nauna ng maglakad patungo'ng sasakyan niya.
Bigla akong tinawag ni Hanne. "SOPHIE! ASAR KA!" natawa ako nung nakasimangot siyang nakasakay sa loob ng tricycle.
"See you later. Muaaah!" ang ingay talaga. umaandar na yung sasakyan at sumisigaw pa.
Pagkapasok ko sa sasakyan ay tinext ko na si kuya na sinundo na ako ni Palma. Ilalagay ko na sana ulit sa bag ko yung phone ko nung makatanggap ulit ako ng text sa unknown number
Who's that guy? Bakit ka sumama sa kanya?
Pake alam nito? Kung makapagtanong parang boyfriend ko at masama bang sumama sa isang lalaki. Kaibigan naman to ni kuya eh. Pati sino ba 'to? Nakita niya ako? Ini'stalk ba niya akO? OMO! Stalker ko ba ito?
—
![](https://img.wattpad.com/cover/41685280-288-k622002.jpg)
BINABASA MO ANG
His Promise
Teen FictionHe promised me forever. He promised to love me eternity. He promised me happiness. He promised me the world. Will these promises meant to be fulfilled or meant to be broken? - Sophia Qwerty Kohler VOTE. COMMENT. SHARE. Thank you -Jeiara-