Chapter 49
Jealousy...
"Sophie!"
"Hoy Sophie! Teka hintay!"
"Ano bang problema ng loka lokang babaeng yan?" naririnig kong tawag ng mga kaibigan ko.
Pagkatapos kasi ng first subject ay agad na akong lumabas ng classroom. Hindi ko na sila hinintay pa. pababa ako ng hagdan ng may makabunggo ako. agad kong pinulot yung nahulog kong libro.
"Sorry—Sophie?" napatingin ako sa nakabunggo ko.
Isang lalaki ang nakangiti at halatang gulat ng makita ako.
"Yes? Kilala ba kita?" I didn't mean to be offensive pero parang nakaka offend yung way ng pagkakadeliver ng tanong ko.Well wala ako sa mood kaya siguro kahit diko sinasadya ay naoffend ko pa rin siya.
Ngumiti siya "Lyndon. Nakabangga din kita noon. Pero matagal na panahon na yun kaya siguro dimo na ako maalala." Aniya.
Napatango tango na lang ako. lalagpasan ko na siya sana ng muli itong magsalita.
"ay nga pala, pinapasabi ni Kid na punta ka daw sa birthday niya." natigilan ako.
He knows Kid? Paano? Binalingan ko siya at parang natuwa ito ng makuha ang atensyon ko. "Kelangan ko pa palang banggitin ang pangalan ni Kid para makuha yang atensyon mo." aniya ng nakangiti.
My forehead creased. Hindi ko nagustuhan yung sinabi nito. "You know Kid? How?" curios na tanong ko.
Tumaas yung gilid ng labi nito tsaka lumapit. Nakaramdam ako ng kaba kaya napa atras ako. hinawakan kong mabuti yung librong hawak ko. yung mga titig niya... parang hinuhukay ako. kumalabog ng malakas yung dibdib ko. nakatingin lang siya sa mata ko, itim na itim ang mga mata nito. Chinito siya at mahahaba ang pilik mata.
"Of coarse. I know him." Aniya na nakangiti. Isang ngiting hindi ko alam kong may binabalak ba itong masama o isang ngiting masaya lang.
"SOPHIE!" natigilan ako ng marinig ko yung boses niya. hindi ako nakagalaw.
Nilingon ko siya at nasa baba siya. sobrang itim ng aura niya. tila papatay siya ng tao sa mukha niya. Nangatog ang tuhod ko at nanghina ako. gusto kong tumakbo pero di ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
Ayokong makita siya. ayokong makausap siya. ayoko. Naiinis ako sa kanya. galit ako sa kanya! Fuck! Shet!
Tatakbo n asana ako pero huli na ang lahat. Hindi ko namalayan ay hila hila na niya ako patungo sa kung saan.
"Chan bitawan moko nasasaktan ako!" pagpupumiglas ko. pilit kong binabawi yung kamay ko pero malakas siya.

BINABASA MO ANG
His Promise
Teen FictionHe promised me forever. He promised to love me eternity. He promised me happiness. He promised me the world. Will these promises meant to be fulfilled or meant to be broken? - Sophia Qwerty Kohler VOTE. COMMENT. SHARE. Thank you -Jeiara-