--dedicated to ate Aly na isa sa mga hinahangaan ko na author. :) hihi --
Chapter 19
Ang Swerte
'Sophie tapos mo na ba yung assignment sa marketing? Patingin." Binigay ko kay Stacey yung isang folder na laman ay yung assignment sa marketing.
"Ba't ang dami?" iniscan niya yung laman ng folder.
"malamang nag research ako." sagot ko binatukan lang naman ako gamit yung folder.
"Guys half day tayo ngayon saan tayo tatambay?" tanong ni Kit.
"Sa bahay nina Hanne!" suhestiyon ni Lexy.
'Wag dun! Nandun ngayon si mommy! War kami eh!" humalukipkip si Hanne.
"Sa bahay niyo Sophie?" binatukan ko si Leon.
"Ang layo pooo!"
Nagbuntong hininga silang lahat. "Tatambay na lang muna akong library." Sabi ko kaya pumalakpak sila.
"Oyy Chan!" lumingon ako sa likod at nakitang palapit sa amin si Chan, nakangiti.
"Hi guys!" bati niya sa amin tsaka umupo sa tabi ko at nilapag ang isang dutchmill at wafu
"Oyy." Ayan na naman sila nag umpisa na naman sa dating gawi.
"magtigil kayo ah." Suway ko sa kanila pero mas lalo pa nila kaming tinukso. Tinignan ko si Chan na tuwang tuwa pa sa ginagawa ng mga kaibigan ko. binuksan niya yung box ng wafu at kumuha ng isa at binigay sa akin.
Edi kinuha ko na. inoffer niya sa mga kaibigan ko yung box at ayun pinag agawan na. "Sana naman magtigil na kayo?" natatawang sabi ko. nakakatawa kasi sila eh, parang di nakakain ng isang buwan kong mag agawan sa pagkain.
"Here." Inabot sa akin ni Chan yung dutchmill na nilagyan na niya ng straw. Tumango lang ako at inabot naman tsaka nilapag sa mesa.
"Ayy Chan pwede kaming tumambay sa bahay niyo? Mamaya?" tinignan ko sila ng masama pero patuloy lang sila sa pagpupumilit.
"Osige ba. wait I'll text mom." napasapo ako sa noo ko. Pinagpatuloy na lang yung pagkain ko.
**
"OMG! Bahay niyo talaga to? Ang laki!"
"Mansion na mansion tangina!"
"Grabe ilan kayong nakatira dito?"
"Guys may kabayo! Tara horseback riding tayo."
Gusto ko silang pigilan dahil sa ang ingay ingay nila kanina pa sa loob ng sasakyan hanggang sa makababa na kami ay ganun pa rin sila parang shock na shock at tuwang tuwa.
"Hellooo!" napatingin kaming lahat sa nagsalita at napangiti ako ng makita si Tita serene.
"SON!" yumakap si Chan at at hinalikan ang mommy niya sa pisngi. Bebe boy! Hahah :D
"Hi Sophie." Bineso ako ni Tita Serene. Namula yung pisngi ko at narinig kong napasinghap sila. Hindi ko kasi nasabing nakapunta na ako dito at nakilala na ang family ni Chan except yung daddy niya.
'Hi po tita!" bati nila kay Tita Serene.
"Hello guys! Let's go inside. I've prepared lunch after Chan texted me. Feel at home okay?" pagkasabi ni tita yun eh tumungo na silang living room at binuksan na yung t.v okay masyado na talagang makapal yung mukha nila.
Iniwan ko yung bag ko doon sa sofa at nagtungong kusina para tumulong.
"Oh Sophie what are you doing here? Need something?" gulat na tanong ni Tita habang naglalagay ng kanin sa isang malaking plato.
Kumuha ako ng malaking bowl "Uh I'll help po tita." Nakangiting sabi ko.
She paused then smiled. "Osige na nga. Haayy you're too kind that I'm doubting my son kung anong pinakain sa'yo." napaubo ako sa sinabi ni Tita.
Hala! Anong pinagsasabi niya? nagpatuloy ako sa pagsandok at pagtulong sa kusina. Tinawag na niya yung mga barkada ko at agad naman na silang nagtungong kusina. Tinukso pa nila ako na feel na feel ko na daw dito eh sila nga yung feel na feel eh! tss.
"Tita join us po!" yaya ni Hanne. Pati kaming lahat niyaya siya.
"Sige lang. punta lang akong kabilang building. If you need anything anjan naman si Chan at si Manang Lourdes. Eat well." Aniya at lumabas na para magtungong kabilang building.
"Grabe ang sarap magluto ni tita. Nagmana ba si Chan kay tita, Sophie?" napaubo ako sa tanong ni Keso.
Inabutan ako ni Chan ng tubig at tinignan ng masama si Keso.
"Bah malay ko. Chan nagmana ka ba daw kay Tita?" tumawa si Chan at umiling.
"Ang swerte ni Sophie." Gusto kong batuhin si Stacey kasi lantaran!
"Magtigil kayo ha!" sinuway ko sila si Chan naman busy sa paglagay ng kung ano anong ulam sa plato ko. sanay na sanay na ako sa ganitong treatment niya sa akin. Yung feeling ko kami.
"Haayy! Langgam! May imported na langgam na napadpad dito!" eksaheradang sigaw ni Kit sabay padyak at sipat sa katawan na siyang nagpatawa sa amin. Kahit naiinis at nahihiya na ako natawa na din ako sa kaingayan at kabaliwan nila.
After naming kumain maghuhugas nasana kami kaso ang dami nilang maid at lahat sila pinagalitan kami na di daw kami dapat maghuhugas kasi bisita daw kami.
Nagtipon kaming sampu sa movie room nila at namimili kong anong papanoorin.
"Insidious!' sigaw ni Eden sabay sulyap sa akin. Tinapunan ko siya ng nakakamatay na tingin. Alam kasi nilang ayaw ko ng mga thriller or horror or anything na related sa blood at patayan.
"Chainsaw massacre!" sige pa! tangina niyo talaga pag ako di nakatulog mamaya at nakakain makikita niyo talaga!
"WAGG!" mabuti na lang may isa akong kakampi. Si Stacey! Huuk!
"Eh ano romance na naman?" bitter na tanong ni Keso.
Tumango kaming dalawa ni Stacey at kunware kinikilig. "Suusss! Humanap na lang kayo ng lovelife niyo." Lovelife? Whatever!
Sa hinaba haba ng argument namin ay nagkaisa na lang kaming The Notebook na yung papanoorin. Napanood ko na yun kaya nagpapaka spoiler na ako.
"Ang ganda talaga niyan guys! Si-
"Shhhhh!" tinakpan pa ni Chan yung bunganga ko. tinampal ko yung kamay niya kaya bumitaw siya at natawa.
Ang pwesto namin ay naka upo sina Leon, Stacey Kit at Roma sa isang pahabang sofa. Sina Hanne, Keso at Ashrene ay sa kama nakadapa silang tatlo sa kama. Kami nina Lexy at Chan ay nasa baba nina Leon. Katabi ko si Chan. Pero agad nakipagpalit si Stacey so katabi ko na si Stacey at si Chan nasa taas naka upo at hinila ako para sumandal sa paa ng upuan.
Tahimik lang kaming nanonood ng maramdaman kong pinaglalaruan ni Chan yung buhok ko. ano bang pinaggagawa ng lalaking ito? Infairness nakakaantok. He continue stroking my hair at naramdaman ko yung pagtayo ng balahibo ko sa may batok ko ng maramdaman ko yung mainit niyang palad doon. Tangina! Is he seducing me? Inayos ayos niya tapos naramdaman kong binebraid niya yung buhok ko. Bakla ba siya? Bat niya alam mag braid? >_<
"Ehem!" naramdaman kong sumipa si Stacey sa paa kong nakaunat kaya tinignan ko siya ng masama. Kinindatan lang niya ako at tinutok ulit ang tingin sa screen.
Sinandal ko yung ulo ko sa kaliwang binti ni Chan dahil inaantok ako sa ginagawa niyang paglalaro sa buhok ko.
"Sleepy?" napapitlag ako dahil sa pagbulong niya sa tenga ko.
Tangina! Tumayo lahat ng balahibo ko! Yung simpleng pagbulong niya ay nagbigay sa akin ng libo libong kuryente na dumaloy sa aking katawan.
Tumango na lang ako at pinikit yung mata ko. I feel his hand tapping my shoulder na mas lalong nagpa'antok sa akin.
BINABASA MO ANG
His Promise
Teen FictionHe promised me forever. He promised to love me eternity. He promised me happiness. He promised me the world. Will these promises meant to be fulfilled or meant to be broken? - Sophia Qwerty Kohler VOTE. COMMENT. SHARE. Thank you -Jeiara-
