Chapter 34
Perfect Timing
Mabilis ang hininga ko ng makarating ako sa bahay. Magulo ang mga kaibigan ko at maingay. Nasa hot seat si Gavin. Umupo ako sa tabi ni Stacey. Kaharap si Gavin.
"Dali na kasi Gavin, nakailang girlfriends kana?" Gavin looked at me like he's asking for help. Nagkibit balikat lang ako.
Okupado ang utak ko at hindi ko ma'absorb yung mga pinagaggawa nila. Ang tanging salitang paulit ulit na nagpe'play sa utak ko ay yung mga sinabi ni Chan. Pagkatapos niyang sabihin na nagseselos siya hindi na siya muling nagsalita. At pagkatapos nun tumakbo na ako papuntang bahay.
"Orayt! Uwi na kami, Sophie." Agad akong nagbalik sa katinuan ng magsalita si Hanne.
Uuwi na sila? "Salamat sa foods, Gavin." Tumatawang sabi ni Kit.
Tumango at tumawa lang si Gav. "Hatid ko na kayo?" alok niya sa kanila.
Dahil sa makakapal talaga yung pagmumukha nila eh sumang ayon na sila. "Bye, Sophie. See you tomorrow." Aniya bago lumabas ng bahay.
Napatingin ako sala. Wala na yung kalat. Nilinis na nila. Bakit diko namalayan? Ganun naba ako katagal naglakbay sa outer space?
**
Maaga akong nagising. Pero sa totoo lang hindi ako nakatulog. Yung salitang binitawan ni Chan ang paulit ulit na nagpe'play sa utak ko. Hindi ko tuloy nagawang matulog ng maayos.
Hinatid ako ni Kuya Four sa school, si Kuya Luke kasi tulog pa at mamayang 8 pa ang klase.
Pagkarating ko sa extension, kung saan kami ngayon maglelecture sa baking eh maingay pa rin ang mga classmates ko. isa isa na ding nagsidatingan yung mga kabarkada ko at umupo sa tabi ko.
Nagkuwentuhan lang sila sa nangyari kahapon. Mabuti na lang di sila nagtatanong kong bakit ako tulala at bangag kahapon.
Pinasak ko yung earphones sa tenga ko dahil sa naiingayan na ako. Ng marinig ko yung sigaw ni Tripp na tinawag si Chan ay hininaan ko yung volume ng pinapakinggan ko.
Hindi ako chismosa ha? Curious lang ako sa sasabihin ni Tripp. "Man! Ikaw na! Finally you already fixed your shits!" ani Tripp. Nasa may tabi ko sila. Gusto ko silang lingunin at tignan yung ekspresyon ni Chan pero baka kasi malaman niyang nakikinig ako sa usapan nila.
Anong pinagsasabi ni Tripp?
"What do you mean, Tripp?" tila inosenteng tanong ni Chan.
"Sus! Pakipot pa! 'e diba sinagot ka na ni Naomi?" biglang huminto yung paghinga ko.
Sila na? sinagot na siya ni Naomi? T-teka. Magulo! Ano yung kahapon? Tangina! Umasa ba ako? umasa ba akong sa akin niya sinasabing nagseselos siya? na nagseselos siya sa amin ni Gavin? Okay! I've already reminded myself not to assume, pero kasi diko maiwasan. Sabi nga nila lahat ng bawal masarap. Eh masarap umasa at mag assume eh.
"Talaga Chan? Kayo na? Oyy! Child abuse! Hahaha" tukso ng ilang mga boys.
Nakisawsaw din yung ibang girls. Tanging sina Hanne lang yung parang wala atang pakealam dahil busy sila sa pag uusap ng kung ano anong green jokes, pauna si Kit at Stacey eh.
Nilingon ko sina Stacey, I want to see their reactions, alam kong rinig nila yung pinaguusapan sa kabilang grupo. Hindi sila naka earphones. Kahit maingay sila alam kong naririnig pa rin nila yung topic sa kabila.
Nakatingin si Stacey sa akin. May pag-aalala. Ngumiti ako sa kanya, assuring her that I don't know nothing. Na wala akong naririnig. Binalingan ko yung cellphone ko nung biglang nagplay yung kantang pinatugtog nung mini debut party ko. sh-t! sumabay pa to ha? Perfect timing!
"Lalaki na si Chan, guys! May nobya na! hoo! Partehh!' maingay na sigaw ni Candy.
Biglang tumahimik sa loob dahil diko na napigilan ang sarili ko. tumayo na ako at lumapit kina Stacey, na nagtatawanan parin. Hindi ko tinanggal yung earphone ko. gusto kong ipaalam sa kanila na wala akong naririnig. Na hindi ako nakakaramdam ng sakit. "Pasama? C.R lang?" umungol si Hanne.
"Panira to ng moment. Ganda ganda na ng pinag uusapan eh. hahaha" ani Kit. Sinamaan ko siya ng tingin.
"whatever Kit. Osiya mag isa na lang ako. walang magpapasama sa akin pag nag c.r kayo ha? Hmp!" tinalikuran ko sila na tawa ng tawa.
Siguro pinapagaan nila yung atmosphere. Siguro ayaw din nilang ipahalata na na'aapektuhan ako. dahil pag sila natahimik din, means pinapakita nila sa iba naming classmates na naapektuhan ako.
Lumabas na akong classroom. Nagtungong c.r nanatiling nakakabit yung isang earphone sa tenga ko yung isa binaba ko na. mahina lang yung volume.
Pinihit ko yung door knob ng c.r pero naka lock. 'Ba naman yan. Bababa pa ako neto. Tss. no choice kundi bumaba na ako. baka sakaling naka open yung C.R sa baba.
Pagkababa ko ng hagdan ay may biglang humila sa kamay ko at pinaharap sa kanya. nagulat pa ako ng makitang si Chan ito. Ayan na naman yung puso kong hindi mapirmi. Naghuhuramentado na naman ang buong sistema ko.
"Bakit?" I tried to sound innocent. Yung parang wala akong narinig kanina.
"Narinig mo bayun?" alam kong tinutukoy niya yung pinag uusapan nila kanina.
Umiling ako at tinaas yung phone ko at tinuro yung earphone na nakasaksak sa tenga ko. "Ano ba yung pinag uusapan niyo kanina? Hindi ko ba pwedeng marinig yun?" tumahimik siya.
Nanatiling nakahawak yung kamay niya sa kamay ko. nangangatog yung binti ko at kelangan ko ng mauupuan. Ganito na ba talaga kalaki ang epekto niya sa akin? That every time he's near me I can't compose myself.
"I want to be honest with you. Naomi is not my girlfriend." Aniya.
Tinignan ko siya. blanko ang binigay kong ekspresyon. Pinipilit na hwag ipakitang naapektuhan ako. na nasasaktan ako. Oo na aaminin ko. aaminin ko ng gusto ko siya. hindi lang gusto kundi mahal ko na ata siya. ah ewan! Bago kasi ito eh! oo nagmahal na ako dati. Pero yung pakiramdam ngayon, eh iba. Parang mas matindi. Hindi ko maipaliwanag. Iba yung naramdaman ko kay Kid noon, it's purely puppy love, pero ngayon? Hindi ko alam ibang iba itong pakiramdam ko sa naramdaman ko noon kay Kid. Yun lang ang alam ko. I don't want to name it.
--
BINABASA MO ANG
His Promise
Ficção AdolescenteHe promised me forever. He promised to love me eternity. He promised me happiness. He promised me the world. Will these promises meant to be fulfilled or meant to be broken? - Sophia Qwerty Kohler VOTE. COMMENT. SHARE. Thank you -Jeiara-
