Chapter 28
Ignored
Ngiting ngiti ako habang papasok sa school. Ewan ko ba. paggising ko diko na matanggal yung ngiti sa labi ko. Kuya Luke even teased me. pero hindi pa rin napapawi yung ngiti ko.
Pagpasok ko ng classroom ay agad lumapit yung mga kaibigan kong kanina pa dumating. "Hindi ako late okay?" paliwanag ko.
Natigilan sila. Siguro napansin ang pagiging good mood ko. ngumise sila at parang may alam kong bakit ako good mood.
"blooming!" sabay sabay na sigaw nila. Pinabayaan ko na lang sila.
Basta feeling ko masaya ako ngayon. Inspired. Charot.
Dumating na ang prof pero dipa dumadating si Chan. Nilingon ko ulit sa likod nagbabakasakaling dumating na siya pero wala pa. ano kayang nangyari sa taong yun? Concern lang ako ah? Wag kayong ano jan. -_-
Malapit ng mag time ng biglang umingay sa likod. Napalingon kaming nasa harap at kadarating lang ni Chan. Niloko pa siya ng teacher na masyado siyang maaga para sa next subject.
Nakita kong hindi maganda ang araw niya kaya kumunot yung noo ko. Dinismiss na kami ng proof kaya inayos ko na yung gamit ko.
Ng matapat ako sa kinauupuan niya ay talagang binagalan ko yung paglakad ko pero nanatili siyang nakatungo at parang inaantok. Magsasalita sana ako ng hilahin na ako ni Stacey.
"Bagal bagal. Gutom na ako." aniya.
Nagtungo kaming t-square. Kumain. After naming kumain ay nagdesisyun kaming tumambay muna sa t-square.
"Guys c.r lang ako." excuse ko. naiihi na kasi talaga ako.
Nagmamadali akong nagtungong c.r after kong mag cr ay naghugas ako ng kamay at inayos muna yung buhok ko. saktong paglabas ko ay nakita ko si Chan na kagagaling din sa c.r ng boys. Napatingin siya sa gawi ko kaya ngumiti ako. pero isang tango lang ang sinukli. May problema kaya yun?
"Ah Chan!" tawag ko. nilingon niya ako. nakakunot ang noo nito.
Di ako makapagsalita. Ano nga bang sasabihin ko? Bakit ko siya tinawag? Hala !baka sabihing papansin ako?
"May sasabihin ka ba?" parang iritado yung boses niya.
Napalunok ako. meron kaya ito ngayon?
"A-ahh a-ano... S-salamat sa mug." Ani ko. tsaka ngumiti.
Kumunot ang noo niya. tumango lang ito tsaka tumalikod na ulit. May problema kaya iyon? Bakit parang snob siya ngayon?
Hindi na ako muling bumalik sa t-square dahil nawalan na ako ng gana at nauna na sa classroom tutal 15 minutes na lang naman at magta'time na din.
Nakapangalumbaba ako ng marinig ko yung ingay ng mag kaklase kong papasok sa classroom pero agad silang tumahimik. Nag angat ako ng tingin at tinignan sila. Isang gulat at nakangiseng mga kaklase ko ang nakatingin sa akin---amin. Nandito napala si Chan sa loob? Bakit diko namalayang pumasok na siya? nasa kabilang row siya. nakapangalumbaba. Nakasuot ng head phones.
"May nangyari? Bakit mukhang pagod na pagod kayo?" pabiro ni Drew. Sinamaan ko siya ng tingin.
"wag kang green jan!" ani ko. nagtawanan lang sila at nag umpisa na naman sila sa panunukso sa amin.
Umirap ako sa kanila. Pati yung mga barkada kong nakisali sa tuksuan ay diko pinatawad. Inirapan ko sila isa isa.
*
Tapos na ang klase. Tinatahak ko ang daan patungong computer lab dahil may ipi'print ako dun ng makita ko si Chan na naglalakad mag isa patungo din atang comp. lab
"Chan!" tinawag ko siya.
Nilingon niya ako kaso nagdire-diretso lang ito ng lakad. Binilisan ko yung lakad ko ng biglang matalisod ako. napasigaw ako kasi sobrang sakit ng tuhod ko. nasugatan pa ako. napatingin ako sa kung nasaan si Chan dahil bakit dipa siya lumalapit sa akin para tulungan ako.
Pero nakita ko siyang nakatayo doon. Nakatingin ng blanko sa akin. Parang walang pakealam. Pinilit kong wag ipakita na nahihirapan ako sa pagtayo kaya pinilit kong tumayo pero mahapdi yung tuhod ko at mukha pang na sprain na naman ata ako. Minalas na naman! Tss!
Napatingin ulit ako sa kanya pero bigla akong nanlumo ng makitang tumalikod siya. tinalikuran niya ako. hindi siya lumapit para tulungan man lang ako. Hah! It's unbelievable how fast people can change. One day, you mean everything. The next day, you don't exist anymore. Pinunasan ko yung luhang akala ko kanina eh pawis na tumulo. You know that feeling? When you realize you aren't as important to someone as you thought you were?
Ano bang problema nya? Sinabi ba sa kanya ni Naomi na layuan ako? Puwes kong yun ang dahilan edi go! Iwasan niya ako. layuan! Wala akong pake alam! Magsama silang dalawa! Magpakasal na din para wala ng problema! Kainis! Grrr! Asar! >__<
BINABASA MO ANG
His Promise
Teen FictionHe promised me forever. He promised to love me eternity. He promised me happiness. He promised me the world. Will these promises meant to be fulfilled or meant to be broken? - Sophia Qwerty Kohler VOTE. COMMENT. SHARE. Thank you -Jeiara-