Chapter 29
He still care
Tulala ako habang nakatingin sa labas ng bintana habang abala ang professor sa pagle'lecture. I hate that feeling. The feeling when you're sad and you have no idea why, but you just are. Pinaikot ikot ko yung ballpen. Kanina pa lumilipad ang utak ko. ewan ko ba! Kung kahapon ang ganda ganda ng araw ko, ngayon naman sobra pa sa pagiging pangit.
"What do you think, Sophie?"
"Sophie dawww! Tunganga jan beh?" napatingin ako sa harap ng marinig kong tinawag ako.
Tinatamad na tumayo ako at bored na tinignan yung prof namin.
"What's the question sir?" ani ko.
Narinig kong napasinghap ang mga kaklase ko. Nagulat sila. Never pa kasing naging ganito ako. lagi akong aktibo sa klase. Di nawawalan ng Ire'recite. Di nawawalan ng answer pag tinatawag. Ngayon lang. at alam kong nagtataka sila bakit ganito ako ngayon. Ako nga din eh, nagtataka bakit ganito mood ko ngayon.
"I am asking about, what do you think why pore format is one of the reason of high food cost." Napatitig ako sa prof namin. Yung tipong parang nasa mukha nito ang sagot.
Yumuko ako at umiling. "I don't have any idea, sir." Sagot ko tsaka umupo na.
Napasinghap ulit sila. Naramdaman ko yung pagtapik ni Stacey, na katabi ko, sa may balikat ko. isang tipid at pilit na ngiti ang binigay ko sa kanya bago lumipad ulit ang tingin ko sa labas.
**
"May sakit ka ba?" pambungad na tanong ni Hanne sa akin ng makalabas kami ng classroom.
Umiling ako. nilabas ko yung earphone sa bag ko at pinasak ito sa tenga ko tsaka nauna ng maglakad.
Dinala ako ng paa ko sa may eco park. Pero bago ako makaupo doon ay nakita ko na naman yung place kong saan ako nadapa. Kung saan nasugatan yung tuhod ko. kung saan hindi niya ako tinulungan. Kung saan tinalikuran niya ako.
Huminga ako ng malalim at binaling yung tingin ko sa daan. Nagtuloy tuloy ako sa paglalakad at pumili ng bakanteng upuan.
Binaba ko na yung bag ko sa may lamesa at nangalumbaba. Bakit feeling ko sobrang bigat ng pakiramdam ko ngayon? Di naman ako mainit. Diko naman feel na nilalagnat ako.
Nag angat ako ng tingin ng marinig yung tili sa kabilang table. Sina Naomi at ng mga barkada niya.
Mas nilakasan ko yung volume nung pinapakinggan ko. ayokong makarinig ng kahit ano ngayon. Naiinis ako!
Nagising ako ng may naramdaman akong yumuyugyog ng balikat ko. pag tingin ko kung sino ito, it was Chan. Naka kunot ang noo. Umayos ako ng upo at tinanggal yung earphone na nakapasak sa tenga ko. feeling ko nabingi ako sa sobrang lakas ng volume.
"Sa clinic ka sana nagdiretso, wag dito. Baka may mambastos pa sa'yo." aniya.
Di ako umimik sa halip ay inayos ko yung bag ko at tumayo na. hinawakan niya yung kamay ko. napatingin ako dito tsaka binawi yung kamay ko. walang sabi sabing iniwan ko siya doon.
You ignore me, I ignore you too. Nakakainis! Sobra sobra talaga yung pagpipigil ko kanina para lang wag syang kausapin. Mas pinairal ko talaga yung pride at galit at inis ko sa kanya.
Nagdiretso ako sa lobby. Doon na nga lang makapag tambay. Umupo ako sa may sofa at nilabas yung tab ko. I open my instagram account at unang tumambad sa akin ang picture nina Chan at Aly, na pinost ni Aly. Walang caption. Napangiti ako. ang sweet nilang magkapatid. Binasa ko yung comments. May comment si Naomi doon.
Pretty Aly. Sweet niyong mag kapatid. Inggit ako.
Whatever, Naomi! Wala ka bang kapatid? Tss. pabebe!
"Sophie, baka naman magka wrinkles ka niyan sa sobrang lukot na ng mukha mo." napatingin ako sa nagsalita.
"Jones." Tawag ko sa kanya. Ngumiti lang ito at nilapag ang isang bottled water na mukhang kabibili lang at isang waffle sa mesang nasa harap ko.
Tinignan ko siya pero sa iba nakatingin. Tinignan ko yung tinitignan niya. sina Chan at Naomi, magkasama. Nagtatawanan at nagkukwentuhan. Agad kong iniwas yung tingin ko.
Pagtingin ko kay Jones ay sa kanila pa rin ang tingin niya. "He may be with someone else but he still cares for you, Sophie." Aniya at nilapit pa mismo yung tubig at pagkain.
Tinignan ko siya. nakangiti ito sa akin tsaka tumayo at umalis na. napatingin ako sa tubig at pagkain. Tapos kina Chan ulit na masayang nakikipagkwentuhan.
Naalala ko muli yung sinabi ni Jones, He may be with someone else but he still cares for you, Sophie. What does he mean? Si Chan ba yung nagbigay ng tubig at pagkain? Pero bakit pinabigay pa? bakit dina lang siya yung lumapit at siya na yung magbibigay? Bakit? Dahil ba ayaw ni Naomi na lumalapit siya sa akin? Dahil ba mag aaway sila pag kinausap ako ni Chan?
Dahil sa inis ko ay tumayo ako at kinuha yung tubig at pagkain. Nagtungo ako sa malapit na trash bin. Sakto malapit sa kanila yung trash bin. Nakita ng peripheral view ko na napatingin si Chan sa akin pero diko siya nilingon o sinulyapan. Agad kong nilagay sa trash bin yung tubig at pagkain.
Ng pabalik na ako ay doon ko lang siya sinulyapan. Naka kunot yung noo nito habang nakatingin sa akin. Why? Nasaktan ka? Dahil yung binigay mo tinapon ko? Inirapan ko siya. lumipad ang tingin ko kay Naomi na kwento ng kwento. Hindi alam na nakatingin si Chan sa akin. Inirapan ko siya at nagbalik na sa upuan ko. kinuha ko yung bag ko at umalis na doon. Masyadong mainit doon. Nandoon kasi si Lucifer! >__<
--
BINABASA MO ANG
His Promise
Novela JuvenilHe promised me forever. He promised to love me eternity. He promised me happiness. He promised me the world. Will these promises meant to be fulfilled or meant to be broken? - Sophia Qwerty Kohler VOTE. COMMENT. SHARE. Thank you -Jeiara-
